AFTER nila kumain ng lunch ay dumiretso sila sa isa sa mga shopping malls ni Jeff. Hindi niya alam kung bakit sila naroon pero dahil birthday niya hahayaan na muna niya ang sarili na mag-enjoy."Jeff, kaya mo ba ako dinala dito para ilibre?" Naglalakad sila patungo sa second floor ng mall. Hindi ito ang first time niya na makapasok sa mall na pag-aari ki Jeff. Actually, sa mall nito siya laging namimili ng mga damit niya.
"Dinala kita rito para bumili ng mga products ng mall. Malulugi ang mall ko kapag nilibre kita kaya sige na, bumili ka na." He pushed her inside a store full of designer's clothes. Nalula naman siya sa ganda ng iba't ibang uri ng shirts, pants, shorts, and even shoes.
Literal na napa-wow siya.
"I would love to buy these pretty clothes but my money is designed for more important things. Sayang." Nanghihiayang niyang binitiwan ang hawak na sheathed dress saka nilingon si Jeff. "Alam mo naman na may pinaglalaanan ako ng pera ko 'di ba? Next week ang binigay na deadline sa akin ni Meghan para maibalik ang pera niya."
"Hindi mo pa kasi tanggapin yung offer ko. Isipin mo na lang na utang mo yun sa akin. Ayoko din naman kasi na magkaroon ng utang na loob sa ibang tao."
"Same here. Ayoko din na magkaroon ng utang n loob sa iba lalo na kung sa ex-groom ng naniningil sa akin." She walked passed through him para lumabas ng stall. Hindi ito agad na sumunod sa kanya dahil may kinausap pa na staff kaya naman nauna na siya.
Hinintay na lang niya ito sa harap ng gaming zone kung saan may mga game machines na naglalabas ng ticket kapag nanalo ka sa laro. Ilang sandali pa ay dumating din ito na may dalang shopping bag. Bumili siguro ito ng damit. May mga panlalake din kasi sa stall na pinanggalingan nila.
"Ang tagal mo naman." Reklamo niya saka ito hinatak papasok sa mga arcade games. "Total birthday ko naman, play this game and win me that bear."
Itinuro niya ang malaking teddy bear na kasing laki niya pero mas mataba sa kanya.
"I can buy you a bear as big as that, Anna. 'Wag mo na akong pahirapan." He's pertaining to the game.
"Hala! Ang KJ nito. Di mo lang yata kayang ipanalo yung game eh." Pang-aasar niya.
"That won't work on me, Anna. I know how to play that game but not now. We need to go somewhere else. Let's go." Hinila siya nito papunta sa exit ng mall hanggang sa parking lot.
"Saan na naman tayo pupunta? Tinalo pa natin si Dora sa dami ng destination natin." Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Sumakay siya sa shotgun seat at hinintay ito na makasakay sa driver's seat.
"We're going somewhere you'll love." He winked, starting the engine and head off the busy road.
Ilang minuto ang naging byahe nila bago huminto ang kotse nito sa tapat ng Concorde Airlines.
"What are we doing here, Jeff? 'Wag mo sabihing eroplano ang ireregalo mo sa 'kin. Kasi kung eroplano nga pakisamahan na din ng airport para hindi hassle ang parking space." She kidded, hoping na totohanin nito pero isang pitik sa noo ang naging tugon nito.
"Sira! Hindi kita girlfriend para regaluhan kita ng private plane." He quipped.
"Ouch. Sakit naman non. Kailangan pa pala na maging girlfriend mo bago magkaroon ng private plane. Sayang naman." She faked a sad face, making him grim.
He pressed his lips into a sly smile and looked sternly at her.
"You can be my girlfriend if you want." Ngumiti ito ng pilyo.

BINABASA MO ANG
Suddenly
General FictionOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...