Suddenly 19

3.9K 109 0
                                        

HINDI NAPIGILANG mapangiti ni Nyl habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Meghan. He supposed to be mad at her pero sa nalaman niya mula kay Anna sa tingin niya sinadya nito ang lahat para makaganti sa kanya. And he finds it cute. Sa halip na mainis ay natatawa na lang siya sa ginawa nito.

He parked his car outside as he arrived at Meghan's place. Kilala na siya ng security kaya madali siyang nakapasok sa mala-palasyo nitong bahay. Her maid guide her to the pool where Meghan is getting herself tanned.

"May I have a word with you, Meghan?"

Nagmulat ito ng mata at nang makita siya ay ngumisi ito na parang nang-aasar.

"By the look on your face, I assumed you already know." Nakangisi nitong binalot ang katawan ng puting roba saka tumayo para magkapantay sila.

"Why did you do that?"

Mahina itong tumawa. "That's my way of getting even, Nyl. Worth it naman 'di ba?" she said and winked.

"You silly woman." Natawa na lang din siya. "So, alin sa mga ginawa mo ang totoo? The letter or what you said to Anna?"

"Both. I mean everything I said on my letter and I also mean everything I said to Leigh. Maswerte lang talaga ako dahil hindi niya sinabi sa 'yo noon ang mga sinabi ko. Kung sinabi niya siguro baka nasira ang mga plano ko na pahirapan ka."

"Smart woman. Are we even now?"

Lumapit ito sa kanya at nang-aakit na hinaplos ang kwelolyo ng suit niya.

"We're already even the day I gave you the letter, Nyl."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Meghan. Wala na siyang problema ngayon maliban sa ama ni Black na ayaw pumayag na macancel ang kasal.

"Thank you for your time, Meghan. Continue what you're doing." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ito. He left and went back to Anna's place.

As he arrived there, he saw Hugo's car and a bunch of bodyguards.

Anong ginagawa nito sa condominium building ni Anna? Is he here to threaten my woman? Hindi nga malabo na gawin 'yon ni Hugo. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse nang maipark ito ng ayos. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang unit ni Anna. Hindi na siya kumatok dahil bukas naman ang pinto. Hindi na din siya hinarang ng mga tao ni Hugo dahil alam ng mga ito na hindi uubra ang laki ng katawan ng mga ito sa galing niya.

Hindi siya kaagad tumuloy sa sala. Nagtago siya malapit sa kinaroroonan ni Anna at Hugo. Naroon din si Cara kasama ang stepmother nito who is Black's mother.

"We will not cancel the wedding kahit na may namamagitan sa inyo ni Nyl," pahayag ni Hugo. "My daughter will marry that man and you have nothing to do with that. Besides, Cara said that he likes Nyl. Am I right, Cara?"

Nakayuko ang ulo at marahang tumango si Cara. Ano ba itong ginagawa ni Cara? Nag-usap na sila tungkol dito. Walang magaganap na kasal dahil unang-una hindi niya ito gusto at pangalawa ama lang nito ang may gusto n makasal sila.

"If that's the case then I guess I have to marry my man sooner. Tingnan natin kung sino sa amin ang pakakasalan ni Mr. Concorde." Napangiti siya sa sinabi ni Anna. Hindi talaga madadala sa pananakot ang babaeng minahal niya.

Binalingan nito sa Cara na halos hindi makatingin dito.




TAO NA TINANGGAP ni Leigh ang mga Montemayor sa bahay niya pero kung itrato siya ay parang hindi siya tao. Kanina pa siya nagtitimpi sa mga ito.

Ang sarap ng pamamahinga niya kanina ng dumating ang mga ito at muntik na siyang i-harass. Mabuti na lamang may mga bodyguards siya.

Hindi talaga papayag si Hugo na hindi matuloy ang kasal nina Cara at Jeff. Kung ano ang dahilan nito ay iisa lang ang alam niya. Pera. Pera ang dahilan kaya gustong gusto nito na makasal ang anak kay Jefferson. Hindi siya papayag sa gusto nito.

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon