ANG dapat na tatlong araw na stay ni Jeff sa Paris ay naging two days lang dahil tinawagan siya ng secretary niya tungkol sa pagpunta ni Anna sa opisina. Agad siyang bumalik ng Pilipinas nang tumawag sa kanya ang sekretarya. Nakauwi na pala ito galing America at hindi nito ginamit ang private plane. He also learned from Kaith na edited ang video na pinadala ng certain Jim kay Anna. Pinalitan ng mukha niya ang mukha ng sumabotahe sa kasal nila ni Meghan.He needs to talk to Anna. Nakaprivate plane siya kaya mabilis ang kanyang naging byahe pabalik ng Pilipinas.
Kinabukasan ng umaga ay nasa tapat na siya ng pinto ng condo ni Anna. He's been there for almost an hour. Hindi siya nagdodoorbell dahil baka maabala niya ang tulog ng dalaga. He doesn't know what kind of dragon Anna is when her sleep is interrupted. Ang ate kasi niya masamang dragon kapag naaabala ang tulog.
Ilang minuto pa ay may narinig siyang kaluskos mula sa loob ng bahay. He decided to pressed the doorbell.
The door swang open revealing Anna's fresh from bed look. She was a bit shock seeing him kaya hindi kaagad ito nakapagsalita. He decided to speak.
"Good morning. Coffee?" Pinakita niya rito ang dalang dalawang cup ng kape mula sa paborito nilang coffee shop.
"Kailan ka pa dumating? Akala ko sa isang araw pa ang balik mo?"
He smiled. "Na-miss kita eh."
Nangunot naman ang noo nito. Oops! Wrong word.
"I mean... Na-miss ko ang Pilipinas at boring na kasama ang mga board members." Alanganin siyang ngumiti at bago pa ito magtanong ng kung ano ay iniba na niya ang topic. "Mukha ka palang mangkukulam kapag bagong gising. Magsuklay ka nga," he kidded, making his way inside her place.
Ang totoo ay napakaganda nito. Her long and wavy hair was in a bun. Kahit naka-PJs ito ay hindi maitatago ang maganda nitong katawan.
Ano ba itong iniisip niya? Pinagpapantasyahan niya ito which is not his type. Hindi nga ba?
"Actually, istorbo ka sa ginagawa ko, Concorde. I was in the middle of making a spell para sa ex-bride mo. Kukulamin ko siya dahil sa mga tsismis na kinakalat niya about sa atin."
"Tsismis? What rumor is that?" He knows what she's talking about at kinausap na niya si Meghan about it pero hindi ito nakikinig sa kanya, not unless layuan niya si Anna. But he can't.
"She's telling everyone that I am your other woman kaya hindi natuloy ang kasal niyo at sinadya ko daw na masira ang kasal para hindi ito matuloy. That's an insane idea," she hissed.
He let out a sigh.
"I am sorry about that, Anna. Kakausapin ko si Meghan about that," ani niya.
"You better be dahil punong-puno na ako sa babaeng 'yon. She even called me a gold-digger slut because of you!" Tiningnan siya nito ng masama.
Alam na ba nito na binayaran niya ang payment na hinihingi ni Meghan?
"Bakit binayaran mo si Meghan on behalf of me?! You just added fuel to the fire. Mas lalo akong pinag-initan ni Meghan. I've already told you that I can handle everything, Jeff."
"Sorry kung pinangunahan kita sa bagay na 'yon."
She took a deep sigh before grabbing the coffee he bought.
"Sorry won't help us now. What we need to do is to clear our name. At dahil ikaw naman itong sikat, ikaw ang magsabi sa madlang people na walang namamagitan sa atin," she stated. "At babayaran ko ang pera na binayad mo kay Meghan. Ayoko magkaroon ng utang sa'yo."

BINABASA MO ANG
Suddenly
General FictionOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...