Suddenly 17

4K 100 1
                                    

   
      
         
DALA ANG KANYANG dalawang maleta ay taas noong sumakay si Leigh sa kotseng pinadala ni Black para sunduin siya sa airport. May sarili naman siyang kotse pero nagpumilit pa rin ito na ipasundo siya gamit ang mamahalin nitong kotse.

"Saan po tayo, ma'am?" tanong sa kanya ng driver.

Ibinigay niya dito ang address ng dating condo niya. Habang nasa byahe ay hindi niya mapigilan ang kaba na nabubuhay sa dibdib. Kinakabahan siya sa malaking posibilidad na pagkikita nila ni Jefferson. Ang totoo ay hindi pa siya handa para makita ito pero may iba pa ba siyang pagpipilian. It's either makita niya ito o maikasal si Cara dito. Ayaw naman niya nong pangalawa kaya handa o hindi kailangan niyang maging handa. Para mabawasan ang kaba ay nagpatugtog siya sa kanyang iPhone saka itinuon ang pansin sa mga nadadaanang gusali. Napatingin siya sa malaking LED tv sa taas ng isang apat na palapag na gusali. A news flashed on the screen. Bahagya siyang nagulat sa balitang lumabas because it  was a news about Jefferson dating a woman and it's Cara.

Naikuyom niya ang kamay sa inis. Sana pala mas inagahan niya ng balik sa Pilipinas. Bakit pa kasi naghintay pa siya ng dalawang linggo bago tinawagan si Black. Speaking of Black, he's calling.

"Anong kailangan mo?" bungad niya rito.

"Where are you?"

"Nasa kotse. Why?"

She heard him sigh. Problema no'n?

"Anna Leigh, don't be shock but Nyl and Cara are getting married next week. How will you help my sister?"

"That fast?! Nagmamadali ba sila? Grabe ha," she exclaimed. Paano niya ngayon tutulungan si Cara? Dapat siguro simulan na niya ngayon ang panggugulo na naman sa kasal ni Jefferson. This time it will no longer be an accident. She will do things on purpose.

Napangisi siya sa naisip na plano.

"Black, kailangan ko ng tulong mo."

"What do you want me to do, Anna Leigh?"

This is the start. Muli siyang ngumisi na parang si Satanas saka sinabi kay Black ang mga plano.

Walang magaganap na kasal sa pagitan ni Jefferson at Cara dahil paghihigantihan pa niya ang Jefferson na 'yon. Akala siguro nito palalampasin niya ang ginawa nitong pagsisinungaling para lang lumayo siya. Mas mahalaga pala dito ang mg negosyo kasya sa kanya, pwes! Ipapatikim niya rito ang pait ng mga ginawa nito para lang sa pera. Oras na para matikman nito ang galit na kinimkim niya ng isa at kalahating taon.

    
       
        
            
      
          
            
            
        
MAINIT ANG ULO na bumalik sa opisina si Nyl galing sa date nila ni Cara. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kung ikaw ang sentro ng usapan? Nagkita sila ni Cara para pag-usapan kung paano hindi matutuloy ang kasal na gusto ng ama nito na si Hugo Montemayor, ang pangatlo sa pinakamayamang tao sa mundo.

Ang dapat na pormal lang na pag-uusap ay nauwi sa date dahil sa mga mata na nakabantay sa kanila. Hindi dapat malaman ng ama ni Cara na hindi sila pabor sa kasal dahil nakataya sa kasal nila ang pinaghirapan na negosyo ni Anna. Madadamay na naman sa problema niya si Anna.

Hugo Montemayor wants to merge business with Concorde Group. Aminado siya na malaki ang maitutulong ni Hugo sa kanyang mga negosyo pero ang partnership na gusto nito ay kinakailangan ng kasal. Mautak pagdating sa negosyo at pera ang lalaking ito kaya wala siyang laban dito lalo na at hawak nito sa leeg si Cara.

He feels pity to that woman. Anak nga ng pinakamayamng tao sa mundo pero ang trato naman dito ay isa lamang collateral sa negosyo. Hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit si Black sa ama nito.

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon