SA ISANG simpleng restaurant napili ni Leigh na makipagkita kay Jim. She decided to settle everything bago siya muling bumalik sa trabaho dahil hindi siya makakapagtrabaho ng maayos kung mga tao na mali ang pagkakakilala sa kanya amg magiging kliyente niya.Hindi dapat niya dinadanas ang ganito. She needs to know kung bakit ito ginagawa ni Jim. Bakit niya sinisiraan si Jeff?
"Sorry I'm late." Someone hugged her from behimd and kissed her head. Kakaratehin na sana niya ito kung hindi niya ito nakilala. Si Jim lang pala. Nainis siya sa ginawa nito pero too late na para magreact ng OA.
"Don't do that again," ani niya.
Naupo ito sa katapat ng kanyang upuan.
"Did I startle you?" he said chuckling. "I'm sorry."
"That's not what I'm talking about, Jim. Don't hug and kiss me without my permission," she hissed at him.
"Bakit, Al? May magagalit ba? Magagalit ba si Jefferson if I hug and kiss you? Baka mas magalit siya kapag nalaman niya na may past tayo. I am willing to share with him just be with me again, Al. I don't mind if you're with him at day as long as you're with me at night." Nakangisi nitong sabi na lalo niyang ikinainis.
Anong tingin nito sa kanya? Isang parausan?! Hmp!
"I am not that kind of woman, Jim. And to tell you the truth wala kaming relasyon ni Mr. Concorde. Bakit mo ba ito ginagawa, Jim? Ano bang kasalanan ko sa'yo? Why do you have to spread the edited CCTV footage in public? Anong kasalanan namin ni Mr. Concorde para siraan mo kami ng ganito?" Bakas ang pagkagulat sa mukha nito.
Hindi siguro nito ineexpect na malalaman niya ang kasinungalian nito.
"What edited video are you talking about, Al? I sent you the real footage that day." Umiwas ito ng tingin sa kanya senyales na may itinatago ito.
She smirked, "Do you really think I would buy that lie, Jim? I already know the truth and thanks to Mr. Concorde's friend. Alam ko na ikaw ang sumabotahe sa kasal na pinaghirapan ko, Jim. I want to know the reason why you did that?"
Hindi kaagad ito nakasagot sa kanya. He's maybe thinking of some alibi again.
"Don't try to lie again, Jim. Dahil kapag nagsinungaling ka ulit sa akin, I swear kahit anino ko hinding-hindi mo na makikita." She prayed that those words would help Jim to talk.
"I... I did that because I hate Concorde so much!" Puno ng galit nitong saad.
Nagulat siya sa naging rebelasyon nito. Dahil sa tindi ng galit nito kay Jeff ay nagawa nito ang ganoong bagay.
"Siya ang dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyong ito. Siya ang dahilan kung bakit kinailangan kong panagutan si Margaux," patuloy nito. "Siya ang nakabuntis kay Margaux at hindi niya ito pinanagutan! Kaya ginawa ko ang paninira sa kasal niya. Sorry kung nadamay ka pero wala akong pingsisisihan sa lahat ng nangyari. I will do everything para magdusa ang Concorde na 'yun! At hindi ko papayagan n magkalapit kayo, Al. Sasaktan ka lang niya tulad ng ginawa niya kay Margaux." Ang kaninang puno ng galit nitong mukha ay naging isang maamong tupa na nag-aalala sa kanya.
"He will ruin you just like what he did to all the women attached to him. First was Phoebe, then Tatiana, then Margaux and now Meghan Guico. Hindi ko hahayaan na saktan ka din niya."
Totoo ba ang sinasabi ni Jim? Ibig sabihin matagal na silang magkakilala ni Jeff. Kaya ba sabi ni Jeff na malaki din ang atraso ni Jim dito. Sino ba ng nagsasabi ng katotohanan? Dapat ba talaga na makisawsaw siya sa gulo ng dalawa?
"Kung may problema kayong dalawa ni Mr. Concorde 'wag niyo na akong idamay dahil nananahimik ako at kaya kong protektahan ang sarili ko, Jim. I will release the real CCTV footage sa press kapag hindi mo binawi ang video na inilabas mo. Mas malaki ang magiging impact sa negosyo mo kapag nalaman ng lahat na ikaw ang totoong sumabotahe sa kasal ni Mr. Concorde. Even Ms. Guico will get mad at you." She bargained at him, hoping that he'll listen to her.

BINABASA MO ANG
Suddenly
General FictionOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...