ISANG LINGGO na lang kasal na nina Ms. Guico at Mr. Concorde. Isang linggo na lang din ang natitira sa team ni Leigh para i-finalize lahat. Kaya naman narito sila sa opisina kahit Linggo para pag-usapan ang kailangan pang gawin para sa perfect wedding ng soon-to-be Mr. and Mrs. Concorde.
"Everything's done for the wedding. We only have a week to polish everything." Kinuha niya ang kanyang checklist para tingnan kung ano pa ang hindi nila nagagawa. "Mae, have you already called the band that will play on Mr. and Mrs. Concorde's wedding?"
Kunot ang noong tumingin sa kanya si Mae.
"Miss Leigh, hindi niyo po nai-assign sa akin ang band. Akala ko po si Dave ang bahala sa music."
"What?! Where's Dave?" Naalarma siya sa naging tugon ni Mae. Isang linggo na lang at kapag hindi natawagan ang banda na tutugtog sa kasal baka ito ang maging dahilan ng pagkasira ng perfect wedding.
"On the way na daw po, Miss Leigh." Singit ni John na hawak ang kanyang cellphone. "Natawagan na daw din po niya yung band and singer. Okay na daw po."
Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang balita. Akala niya pumalpak na ang team niya.
"Okay, so the only problem for this week is the wedding rehearsal. John, contact the bride and groom for the rehearsal tomorrow. Make sure na makakarating sila. Kung kinakailangan na kaladkarin mo sila, gawin mo."
"M-Ms. Leigh, seryoso kayo?" Nauutal na tanong ni John.
Napangisi naman siya. "Just kidding but do everything for them to come."
Tumango na lamang si John habang nagsusulat ng note.
Pinag-usapan pa nila ang ibang details ng kasal. Plantsado na ang lahat. All thanks to the couple's money dahil malaki ang naitulong nito para makakuha ng vendor na magpeprepare ng three weeks. They were in the middle of talking about the photographer and videographer when her phone rang.
"Excuse me. I'll just take this call," she announced. It was a call from Cara na kasama ng ate niya sa America. "Cara, what is it? May nangyari ba kay ate Vanna?"
"Wala naman, Ms. Leigh, pero kasi may consent letter na kailangang pirmahan para sa magiging operation ni Ms. Vanna. Immediate family member po ang kailangang pumirma." Cara stated in a very worries voice.
"Gano'n ba? Okay, I'll be there. Don't worry. Kamusta si ate?"
"She's fine, Ms. Leigh. Kinokondisyon na po siya para sa operation."
Hindi niya napigilang mapangiti sa ibinalita ni Cara. "That's great. Pakisabi kay ate na pupunta ako 'dyan. Can you book me a flight tomorrow night, Cara?"
Kahit nasa ibang bansa ang kanyang assistant na si Cara ay hindi ito nagkukulang sa kanyang trabaho.
"Yes, Miss."
"Salamat, Cara. I owe you big one."
She heard a soft laugh on the other line.
"Wala po 'yon, Ms. Leigh. Kulang pa po ang ginagawa ko para po pasalamatan kayo sa lahat ng tulong na binigay niyo sa pamilya ko. Kung hindi po dahil sa inyo baka po matagal nang wala ang nanay ko. Kayo din po ang dahilan kaya naganda ang buhay ng mga kapatid ko. Maliit ns bagay lang po itong ginagawa ko kumpara sa nagawa niyo sa pamilya ko, Ms. Leigh." She heard her sniffed.
"Alam mo naman na likas na sa akin ang tumulong, Cara. Parang pamilya ko na rin ang pamilya mo."
"Salamat po, Ms. Leigh."

BINABASA MO ANG
Suddenly
General FictionOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...