NAGISING si Leigh sa maingay na tunog ng kanyang phone. Pupungas-pungas siyang bumangon para sagutin ang tawag. It's an overseas call from Cara. Medyo nahilo pa siya nang bumangon dahil wala pa yata isang oras ang tulog niya. Napuyat lang naman siya sa kakaisip kung paano maibabalik ang pera ni Meghan Guico. Kahit yata ang savings niya hindi magkakasya para maibalik ang pera nito."Cara, what is it? How was ate Vanna's operation?" Kagabi inoperahan ang kapatid niya at hindi siya nakalipad kaagad papunta ng America dahil sa problemang nangyari sa kasal ni Meghan at Mr. Concorde.
"Successful po ang operation pero under observation pa din po si Ma'am Vanna. Nagpapahinga po siya ngayon at according po sa doctor niya baka bukas pa daw po magkamalay si ma'am Vanna."
Nakahinga siya ng maluwag sa ibinalita ng assistant.
"Mabuti naman. Baka hindi muna ako makakapunta 'dyan para sa kanya. May kailangan pa kasi akong asikasuhin dito sa Pinas." Naalala na naman niya ang nangyaring aksidente sa dapat na pinakamalaki niyang wedding client.
"Tungkol ba sa nangyari sa kasal nina Mr. Concorde at Ms. Guico? "
Natigilan siya sa tanong ni Cara.
"How did you know about that?"
"It's all over the news, Ms. Leigh. I don't know what happened there but don't worry too much with Ma'am Vanna, ako po ang bahala sa kanya. Do what you have to do there."
Hindi niya napigilang mapangiti. Does she deserve someone like Cara in her life?
"Thanks, Cara. Keep me updated sa kalagayan ni ate."
"Yes, Miss."
She ended the call and looked for the remote comtrol of her 42 inches flat screen TV. Tama ang sinabi ni Cara, it's all over the news. Meghan did what she said. Sisiraan nga siya nito. Ito na ba ang simula ng pagbagsak niya?
No, it can't be! Dapat may gawin siya.
Tinawagan niya si Mae na siyang nagsilbing assistant niya habang wala si Cara.
"Ms. Leigh, nakita niyo na po ba ang laman ng mga balita?" Bungad kaagad ni Mae sa kanya.
"Yeah, I did. 'Wag na lang tayong magpaapekto sa mga balita. Kamusta ang pinapagawa ko saiyo ni John? May foul play ba sa nangyaring aksidente?"
Mae sighed.
"Wala po kaming makita na senyales ng foul play. Pero hindi po kami tumitigil, Miss. Nakikipag-cooperate din kami sa security ng Nick en Son Garden para sa CCTV footage nong araw na 'yon." Mabuti na lang may maaasahan siyang mga tao na katulad nina Mae.
"Sige. Balitaan mo ako kapag may nalaman kayo na pwedeng maging dahilan ng aksidente." Sigurado kasi siya na na-check niya lahat ng gagamitin sa kasal at alam niyang okay ang lahat.
"Copy that, Miss. Siya nga pala, Ms. Leigh, may tumawag po sa office kahapon. May client daw po na gusto kayong ma-meet. Busy kayo kahapon kaya sabi ko ngayon po kayo pwedeng makipag-meet." May client pa din na nagtiwala sa kanila despite ng nangyari. Napangiti siya.
"Send me where we will meet. I better get ready."
She ended the call saka dumiretso sa shower. She removed her clothes then entered the shower. Pagkapasok niya ay agad na bumuhos ang maligamgam na tubig s kanyang katawan dahil sa automatic lid faucet.
After taking a warm shower, she decided to wear her casual attire unlike her usual attire na slacks and formal blouse. Mas pinili niya na mag-shorts at sleeveless blouse na pinatungan niya ng lampas tuhod na grey cardigan. She covered her feet with an expensive flat shoes. She put her hair in a messy bun and wore a dark sun glasses. For sure kasi na siya ang laman ng mga magazines at mag-uunahan ang mga paparazzi para mainterview siya. Mabuti na 'yong hindi siy makilala ng mga ito. Sa halip na ang mamahaling hermes bag niya ang gamitin ay ang LV sling bag na maliit ang dinala niya. Tanging cellphone at wallet lang ang dala niya. Nasa phone niya ang ibang files kaya kahit hindi na siya magdala ng folder para ipresent sa client.

BINABASA MO ANG
Suddenly
Fiksi UmumOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...