Suddenly 16

3.9K 107 0
                                    

    
       
18 months later...
     
         
       

NAKANGITING nag-inat ng kamay si Leigh as she woke up that morning. Masarap ang gising niya dahil masarap ang naging tulog niya kagabi. Nakangiti siyang sumulyap sa orasan na nasa night table. Alas sais pa lang ng umaga. Tamang-tama para sa kanyang morning exercise.

Naghilamos at nagtoothbrush muna siya saka nagbihis ng kanyang medium sports bra at capri leggings para sa kanyang morning exercise which is jogging by the park.

She took her towel before leaving her room. Nakasalubong niya sa entertainment area ang ate Vanna niya na may dalang ice cream.

"Ate, hinay-hinay sa ice cream baka tumaba ka niyan."

"Okay lang. Pwede naman akong mag-exercise tulad mo but for now let me enjoy this delectable ice cream. Wanna have some?"

Iniabot nito sa kanya ang cup ng ice cream na kinakain nito.

"Not now, ate. You know how much I am dying to lose weight." Tinulak niya pabalik dito ang ice cream. Kahit di sabihin ng ate niya ay alam niyang nadagdagan ang timbang niya.

Her sister gave her an i-know-you look which she immediately rebuked.

"Don't give me that look, ate. " She fixed the tie of her shoes para iwasan ang mga tingin ng kapatid. "I know what you're thinking."

"You knew? Ibig sabihin iniisip mo siya? Sabi na nga ba hindi ka pa nakakamove on eh." Panunukso ng kapatid niya.

She rolled her eyes at her. "Nakamove on o hindi tama pa bang pag-usapan 'yon ngayon. It's been a year and a half." Hindi niya alam kung bakit kapag napupunta sa past ang usapan nila ay naiinis siya. "Mag-jojogging na ako."

Iniwan niya ang kapatid na may kakaibang ngiti sa labi. Hindi na lang niya ito pinansin at nagsimula nang mag-jogging. Aminado siyang nadagdagan ang timbang niya simula nang lumipat sila ng Amsterdam isang taon na ang nakakalipas. Nag-stay sila ng ate niya sa Seattle, Washington habang nagpapagaling ito sa operasyon. Nang makalakad ang ate niya ay agad silang lumipad patungong Netherlands na walang ibang nakakaalam kundi si Cara. Hindi niya sinabi kahit kanino ang plano niyang pagpunta ng Netherlands kahit kay Mae. Ang alam ni Mae ay sa Japan sila maninirahan ng ate niya. Alam niya kasi na ipapahanap siya ni Jeff.

Ang totoo ay ayaw na niyang magpakita sa binata. Sa mga nalaman niya mula sa ama nito hinding hindi na siya magpapakita rito total 'yon naman ang gusto nito, ang lumayo siya.

Tatlong buwan mula nang umalis siya ng Pilipinas ay nagkrus ang landas nila ng ama ni Jeff sa ospital kung saan nagpapagaling ang ate niya. Aware siya na mangyayari 'yon dahil pagmamay-ari ng mga ito ang ospital.

Ayaw na niya sana na makipag-usap sa ginoo ngunit may bagay itong sinabi na hinding-hindi niya makakalimutan.
   
       
Flashback...
   
      
She was about to leave the old man dahil ayaw niyang makipagkwentuhan dito. Unang-una ay dahil ito ang nagpaalis sa kanya sa Pilipinas at pangalawa ay dahil ayaw na niyang magkaroon ng koneksiyon sa mga Concorde.

"He planned everything, Anna Leigh. He made me leave you because you will be a distraction for his plans of making our business grow."

Napalingon siya sa mga sinabi ng ginoo.

"Why are you telling me this, Mr. Nielson? Do you really hate me that much?" Nanunuya niyang tiningnan ang ginoo na ngumiti lamang sa kanya.

"I like you, Anna Leigh. I like your attitude believe me. Kung ako ang tatanungin I really like you to be part of my family."

She scoffed. "You just did the opposite of your words when we first met, Mr. Nielson."

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon