TATLONG araw ang lumipas mula nang magkaroon ng isang malaking kliyente si Leigh. Ilang araw na din ang lumipas pero wala pa siyang natatanggap na tawag mula kay Meghan Guico para sa date ng kasal nito. Wala siyang trabaho ngayon dahil Sunday kaya napagdesisyunan niyang ipasyal ang kapatid sa paborito nitong lugar, sa puntod ng kanilang mga magulang at dalawang nakababatang kapatid.
"Ate, ready ka na ba? Nandito ulit tayo kina Mama at Papa. Syempre makikita din natin sina Aliyah at Alton," saad niya habang tulak ang wheelchair ng kapatid. Nakita naman niya ang pagliwanag ng mukha ng kapatid at pagsilay ng ngiti sa mga mata nito.
Hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili kung bakit nangyari ito sa kapatid niya. Kung hindi lang sana niya itinapat sa araw ng kompetisyon nito ang kasal niya hindi sana nito kinailangang magmadali. Hindi din sana ito maaaksidente at magiging paralisado.
Habang tulak ang wheelchair ay hindi niya naiwasang mapaluha. Ang kapatid na lamang niya ang tanging meron siya kaya gagawin niya ang lahat para gumaling ito kahit ang kapalit pa ay ang lahat ng naipon niya.
"Ate, sorry huh? Wala ka sana sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa kakulitan ko na makarating ka sa kasal ko noon. Sana pala inunawa ko na lang na hindi k makakarating pero pinilit pa rin kita. Kung sana naging mas malawak ang pang unawa ko noon baka sabay tayong naglalakad ngayon patungo kina Mama at Papa at sa mga kapatid natin." A tear fell on her cheek. Hanggat maari ayaw niya na nakikita siya ng kapatid na umiiyak. Baka kasi panghinaan ito ng loob para sa operasyon at therapy na gagawin dito para tuluyang gumaling at makagalaw muli.
"Huwag kang mag-alala, ate. Kapag naging matagumpay muli ang kasal na pinaplano ko maipapagamot na kita ng tuluyan sa America. Konting tiis na lang, ate."
Narating nila ang puntod ng mga magulang at mga kapatid. Nakita niya ang pagpatak ng luha sa pisngi ng kapatid na agad naman niyang pinunasan.
Mga bata pa sila ng maulila sa magulang. Namatay sa aksidente ang kanyang ama at binawian ng buhay ang kanyang ina dahil sa sakit nito. Nasa elementarya pa lamang siya nang mawalan ng magulang. Ang dalawa niyang nakababatang kapatid ay limang taon at tatlong taon lamang nang pumanaw sa sakit. Si Aliyah ay limang taon nang dapuan ng dengue na siyang ikinamatay nito samantalang ang bunso na si Alton ay mahina ang puso at nagkaroon ng komplikasyon ang baga na naging dahilan ng kamatayan nito. Masaklap ang nangyari sa kanyang pamilya at tanging ang ate lamang niya ang naging kaagapay niya sa buhay. Ang ate niya ang nagtaguyod sa kanilang dalawa upang makapagtapos sila ng pag-aaral. Nagtatrabaho ito sa mga part time jobs na malapit sa pinapasukan nila. Dahil may mga naiwang ari-arian naman ang mga magulang nila, ito ang ginawang puhunan ng ate niya para magnegosyo. Nang makapagtapos ito ng kolehiyo ay nagtayo ito ng negosyo na agad namang pumatok sa masa kaya mabilis na umunlad. Natupad din ang pangarap ng ate niya na maging isang archer. Ayos na sana ang lahat kung hindi lamang siya naging makasarili.
Sa araw ng mismong kasal niya ay naaksidente ang kanyang ate na naging dahilan para mag-agaw buhay ito. Hindi na niya nagawang ituloy ang kasal dahil mas kinailangn siya ng kapatid.
"Vanna Liz?" Napalingon siya sa tumawag s pangalan ng ate niya.
A man in his mid thirties approached them looking at her sister.
"Kilala mo ang kapatid ko?" tanong niya rito.
"Oo naman. How can I forget your sister?" Masuyo itong ngumiti habang nakatingin sa kanyang ate. "You must be Anna Leigh. Lagi kang naikukwento ni Vanna sa akin dati. You must be happy with your family. Naalala ko dati laging sinasabi ni Vanna na iiwan mo na siya dahil mag-aasawa ka na but looking at the two of you right now mukhang hindi naging hadlang ang pag-aasawa mo para magkahiwalay kayong magkapatid."

BINABASA MO ANG
Suddenly
General FictionOnce upon a time, there was a famous wedding planner of the century. She was known throughout the world for her incredible talent. Not until that precious day when she suddenly turned into the famous wedding wrecker of the history. Anna Leigh Garc...