Dear Diary,
Umaga na, pero mas maganda pa ako sa umaga. Ahihihi.
Kahapon Diary, talak nang talak si Terence my labs ko, Terence kasi pangalan niya.
Pinagalitan niya ako kasi mas mahal pa daw yung Micro- Microphone este Microwave oven na yun kesa sa buhay ko huhuhu. T__T
Nahurt si Ako diary kashi di na niya ako love, mas Love pa niya yung microwave oven na yun. Eh sino ba yun?? Bahala sila, magsama sila sa buhay nila.
But anaways, nagpunta kami sa Mall kahapon Diary, Sobrang naloka ako sa Mall diary kasi di ko alam na may ganun pala. May bahay pala na mall? Ang alam ko lang kasi na Mall. Yung Mall (Bola) yung ginagamit sa BasketMall, sa VolleyMall, At yung may Malla na inilalagay ang tatlong Daliri...MALLING (Bowlling) at Malla Ni Madam Awring.
Ahihihihi...
So yun nga nagpunta kami doon kahapon at ngayon narito ako sa Bathroom daw para maligo, bakit? Kasi babalik na naman kami sa Mall...wahhhhhhhh! I'm so Excited!
Makakasakay na naman ako sa Kwarto na Pataas-baba tapos sa Hagdan na Tumataas at bumababa. Paano kaya yun noh? May humihila kaya dun? Matignan nga mamaya.
"ToothPaste"-pagbasa ko sa may garapon Diary.
Hmmmm. Para saan kaya to? Tanong ko sa sarili ko. Eh, baka ito yung nilalagay sa buhok? Matry nga.
Kumuha ako dun sa garapon diary na may pangalang Toothpaste. Pinahid ko sa malawalis tambo kong buhok tapos sumasayaw-sayaw pa ako hapang kinukusot yung buhok ko. Alam niyo yun? Yung parang naglalaba lang. Ahihihihi
Tapos Nagsabon na naman ako ginamit ko yung sabon na may pangalang "buttsoap" . alam kong sa mukha yun sinasabon ahihihi talino ko talaga.*wink*
Natapos na akong Maligo, magtotoothbrush naman daw ako, syempre inamoy ko muna hininga ko at Pakkkk!!! Mas mabaho pa sa Septic Tank na kinahulugan ko. Ahahahaha ewwwwwnesss naman.
Kinuha ko yung, toothbrush, alam ko yun kasi nakita ko yun sa TV.
Tapos may nakita akng nasa sachet, "PALMOLIVE" pagbasa ko sa pangalan nito Diary.
Hmmmmmm? Dba sa Ngipin yan ginagamit? Ahahaha bahala na nga.
Ginamit ko na yung palmolive, naexcite ako sa amo Diary kasi ambango. Kung gagamitin ko yun sa bunganga ko edi babango na hininga ko. Ahahahaha "Talino mo Talaga Emelda!" pagpupuri ko sa sarili ko.
Natapos na akong mag sipilyo. Lumabas na ako sa Paliguan tapos sinilip muna kung nasa kwarto ba si Terence My Labs, at pak.! wala siya...ahihihi
Dahan-dahan akong naglakad palabas at sinuot yung Bigay niyang damit sa akin. Omooooo *0* ang ganda ko Diary.
Isang Puting Bestida na lampas tuhod ko at isang sapatos na may matulis na sa dulo.
"Ano ba yan!!! Anong uring sapatos to?"
"Horse shoe ba to?"
Bahala na nga..Sinout ko na yun, at grabe mga Inday! Naloka ako sa Sapatos na yun! Nahirapan akong maglakad palabas..T____T
Kaya ang ginawa ko, binitbit ko na lang yun at pumunta sa sala at nakita ko doon si Terence.
"Tsss, antagal mo naman pulubi-.-" maktol niya.
Ngumiti lang ako at di na nagsalita.
"Pasalamat ka at di pa kita paalisin dito, sayang naman kasi ang presence mo bilang maid ko."
Maid?? As in alalay? My Ghad?? Alalay ba tingin niya sa Beauty kong toh!!!!???
"Halika na"-siya sabay hawak sa kamay ko...
>/////////<
Nakikileg ake..ahihihi ane be!
Bumaba na kami sa Condo unit niya gamit ang kwartong bumababa at tumataas.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa bilis nag pagbaba namin.
Napahawak pa nga ako sa kanya pero siya parang baliw na nagpipigil sa pagtawa. May nakakatawa ba sa ginawa ko?
Anyways sumakay na kami sa Kotse niya.
*fastforward*
Narito na kami sa Mall.
At syempre excited na naman ako.
Nandoon yung, pabalik-balik ako sa hagdan na pababa at pataas, kaya si Terence diary? Ayun Walang nagawa kundi sundan lang ako. Eh bakit ba? Wala to sa kalye noh?
Hahaha..
Pinagtitinginan lang kami ng mga tao Diary, eh ako pala. Ngayon lang ata sila nakakita ng katulad kong dyosa.
Winasiwas ko lang ang buhok kng parang walis sa kanila at naglakad papunta dun sa maraming pagkain, okay na sana eh nang matapilok ako dahil sa sapatos na yun.
Kaya ayun, pinagtatawanan ako ng mga Tao Diary.
Ahihihi..natatawa sila sa ganda ko.
Tatayo na sana ako nang may humawak sa akin at nagsalita.
"Your so Stupid, Di ko na alam kung anong ihaharap ko sa mga tao nang dahil sa katangahan mo -.-" sabi niya sabay tayo sa akin..
Parang nagslow motion diary kasi ang waffu niya.....
Nagsalita pa siya nang nagsalita pero di na ako nakinig ahihihihi..ganda ko talaga.
Pumunta pa kami sa ibat-ibang kwarto sa Mall Diary, Kumain kami sa Jollibee at nakita ko dun yung malaking bubuyog. Syempre napasayaw ako.hahaha parang siya yung kalaban sa Power puff girls eh....SI MOJO JOJO...hiyaaaaaa!!!
Kumain lang ako ng kumain, Tapos Si Terence? Ayun makabusangot na naman kasi ang takaw ko daw tapos di naman ako magbabayad. Ahihihihi. Bakit ba? Gutom ang Dyosa niyo eh.
Nagpunta kami sa Mga palaruan Diary, ewan ko ba eh gusto kong maglaro, Inagaw ko pa yung Ice Cream nung bata tapos umiyak. Nagulat ako kasi dumating yung Nanay ng bata.
Tinanong niya kng sino umagaw ng Ice Cream ng anak niya. Ang ginawa ko Diary is Binigay ko kay Terence ang Ice Cream at tinuro siya, ayun siya ang pinagalitan ng ale...ahahaha talino ko talaga.
Umalis na kami dun at ayun putak na naman ng putak ang Lolo niyo. Pero deadma lang akisss..bahala siya jan.
Sobrang saya ng Araw ko diary, Ewan ko ba ba't ko naexperience ang mga to? Eh isa lang naman akong Pulubi diba? Sana palaging ganito na lang ang mararanasan ko kasama si Terence, Ang saya ko Diary..
Yan lng muna..busy ako eh..tumatae kaya ako hihihi
Ang Magandang Pulubi na nahulog sa Septic Tank...
~Emelda
![](https://img.wattpad.com/cover/148552589-288-k152293.jpg)
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
HumorANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...