Dear Diary,
Magsusulat ako habang aalis sa unit ni Terence diary haha para naman may thrill noh?
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob sa kwarto ko.
Eksaktong alas-dose na ng gabi.
Natatakot man akong lumabas ngunit wala na akong choice. Ayoko na dito noh? Kasi naman nakakainis na si Terence. Huhu.
Nakatihin akong lumabas sa kwarto ko at gumapang paalis dun, para nga akong pusang magnanakaw ng ulam sa ginagawa ko eh.
Eh yun gusto ko eh. Bakit ba?
Ang cute ko naman noh kapag naging pusa. Meow!
Anyways. Nandito na ako ngayon sa harap ng kwarto ni Terence Diary. Naisip kong obsebahan muna ang kwarto niya mula sa labas. Baka kasi may ginagawa na naman silang kahalayan dun ni Mishka at mahuhurt na naman akis.
Well. Wala naman akong naririnig na kung ano. Ang tahimik nga eh, parang library.
Speaking of Library! Nandito pa kaya ying Xander na yun? Nakakainis din yun eh, parang pipe kagabi. Wala man lang ginawa para tulungan ako sa Mishkang palaka na yun. Nakakahiya kaya ang ginawa ko.
Tumayo na ako diary at dumeritso sa sala. Of course dahan-dahan pa rin, ayokong mahuli nila noh? Mapagkamalan pa akong magnanakaw nito.
Pagtingin ko doon ay nakita ko ang dalawang lalaki at dalawang babae na nakahiga sa sahig habang yakap-yakap ang isat-isa. Wow ha! Partner-partner pa! Edi sila na! Inggit si ako.
Dederitso na sana ako sa pintuan nang bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Wait! Makakuha nga ng maiinom at makakain dun mwehehe. Libri baon ko na din para may makain sa kalsada noh.
Nagpunta na ako sa kusina at agad binuksan ang Ref. Wala akong makitang softdrinks or gatas dun Diary.
Nakita ko naman ang isang buti na kulay puti ang laman.
"Healthy Alcoholic Wine?" Pagbasa ko sa pangalan nito.
Healthy? Ah! Pwedi to. Healthy daw eh so pwedi sakin. Hindi ako makukulong nito hehe.
Menor de edad pa kaya ako. I'm just sweet 16 hehe.(Gurang na yan, wag kayong magpapaloko.)
'Che! Epal mo author!'
So ayun Diary, nilaklak ko yun hanggang sa maubos. Healthy daw eh, bakit ba? Huwag niyo nga akong pigilan!
(After 5 minutes)
"Hik!"
'Ano ba naman yung Healthy na maiinom na yun? Ba't parang feeling ko lashing na ako?'
"Hik!"
Pasuray-suray akong naglakad paalis dun sa kusina.
'Lashing na ba ako?'
'Ba't nakakakita pa ako?'
'Diba sabi nila kapag nalashing ka raw. Di mo na alam kung ano nakikita mo?hik!'
'Tutuloy pa ba ako sa paglayas?'
Arggg! Nahihilo na ako.
Gushto ko nang matsulog!
"Terence!"
Sigaw ko sa may sala.
Halos gumapang na nga ako eh.
Sobrang nahihilo na ang paningin ko. Why o why?
Healthy yung nakasulat eh? Ano yun peke?
Nasaan na ba si Terence my labs ko?
Mapuntahan nga!
Nakakainish siya. Ane ba diary! Kashi naman eh. Akala ko siya yung shuper hero ko? Ba't hindi niya ako iniligtash dun sa palakang yun.
Yung babaeng yun, nakakanish din.
Akala niya maganda sha ha! Hoy! For her Impormasyon! Maganda ako! Kahit magtakong siya, maganda ako! Kahit mag-make up siya maganda pa rin ako!
I'm byutipol kashi!
Wag nga kayo!
Bakit? Ganda ka? Ganda ka?
Hayy nako!
Nasaan na ba ako?
Ah! Kailangan ko pa palang puntahan si Terence.
'Terence my labs! Wait por Me bebe ko!'
"Guest Room"
Nakalagay dun sa pintuan ng isang kwarto diary.
Mwehehe. Terence Room? Yun nakikita ko eh. Ah bahala na! Kwarto to ni Terence noh! Alam na alam ko kaya ang kwarto niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan diary.
Nakita ko naman ang isang pigura ng lalaki na nakahiga sa higaan.
'Hihihi. Humanda ka shakin ngayon Terence bebe.'
Sinarado ko na ang pintuan.
Dahan-dahan akong gumapang papunta sa higaan.
'Meyawk!'
'Terence bebe ko! Here na si me!rwar!'
Lumundag ako sa kama diary. At niyakap si Terence.
"Terence bebe ko?''
"Hoy! Bebe ko. I love you hihi"
Dinikit ko pa sa kanya ang katawan ko at hinawak-hawakan ang pisngi.
Inamoy-amoy ko pa nga anh dibdib nito eh.
Uhmmm. Amoy...
Amoy...
Amoy.....
Teka? Parang...
Amoy ni?
Ni?
Xa.....Xander?
Kasabay nito ang pagdilim ng paningin ko!
~Emelda na nalashing!
----
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
HumorANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...