Diary 12

51 1 0
                                    

Dear Diary,

Nakatayo lang ako sa gilid ng kusina Diary habang si Terence naman ay tinitignan ang niluto ko.

Sunog na Adobong manok, hilaw na Isda at mga gulay na di pa nahiwa.

Napailing na lang ito bago magsalita.

"So? Aanhin natin to?" Seryoso niyang tanong habang nakapamewang.

Errrr. So Hawt!

"Ah eh, lulutuin?"

Inosenteng tanong ko.

"Oh! No, No, No! Hindi ako makakapayag. Ito?" Sabay turo sa mga pagkain "Kakainin natin? Seriously! Nasa Party tayo at wala sa isang Cheap na Carenderia. Ewww" wika ni Mishka Diary. Sino pa ba? Eh siya lang naman ang maarte eh. Kasama na din yung mga alipores niyang kasama ngayon.

Bale anim kami ngayon. Si Brett at ang dalawala niyang kasamang lalaki habang si Mishka naman ay may kasamang mga chakang alipores niya. Kalahi talaga niya Diary.

Nagulat na lang ako ng biglang nahulog ang mga gulay sa sahig.

Tinapon pala ni Mishka.

"So Cheap! Alisin mo yan! Ayan! Eto pa!" Sabay tapon ng talong, sitaw, kamatis at iba pa.

"Hoy! Huwag mong itapon!" pinipigilan ko na si Mishka Diary pero hindi pa rin siya nakikinig.

Si Terence naman pinabayaan lang ang ginagawa ni Mishka.

Nahihirapan na akong kunin lahat ng gulay kasi naman ang dami. Pupulotin ko pa sana ang kamatis ng may biglang pumulot nito.

Pagtaas ng ulo ko ay bigla agad akong napatayo.

Si Xander? Anong ginagawa niya dito?

"Kung hindi niyo gustong kumain ng gulay magOrder na lang kayo." Walang emosyon niyang sabi sabay lapit sa akin at hinila ako doon. Napatigil lang ako nung hinawakan ni Terence ang isa kong kamay.

"Saan mo siya dadalhin? Kailangan pa niyang magluto."

Sabi nito habang nakatingin kay Xander.

"Hey. Pabayaan mo na lang yang chimay mo Terence. MagOrder na lang tayo ng Pizza di yung ipagluluto mo siya ng Veggies like this. *sabay taas ng Talong* so cheap!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niyang hinila si Terence paalis dun Diary.

Naiwan naman kami ni Xander dun sa kusina habang hawak niya ba ang braso ko.

"Ah eh. X-Xander? Yung Braso ko" binitawan niya agad ito at tinignan ako ng mabuti. Errr. Nakakahiya!

"How did you know My name?"seryoso niyang tanong.

"Ah eh. Naiwan mo kasi yung ID mo dun sa Library, nakita ko kaya pinulot ko---"

"Sayo na yun. May isa pa ako."

Pagputol niya sa sinabi ko. Err. Ambastos ah. Nasaan ang Good Moral at Right Manners nito? Tama ba? Ahh basta! Yun na.

"Okay, sabi mo yan eh."

Aalis na sana siya ng pinigilan ko.

"Ah Xander. Thank you ah. "

"Nah! Lahat ng ginagawa ko may Kapalit. Sisingilin kita kapag gusto ko kaya maghanda ka."

Magsasalita pa sana ako eh kaso yun na! NagChupi na siya.

Err! Matatakot na ba ako? May kapakit daw eh. Jusko! Baka yung Virginity ko ang Kapalit? Oh No! Lord! Di pa ako ready eh huhu. Pero kung si Xander lang din naman ang first ko hala sige! Go! Charot! Hahaha joke lang. Asa naman ba ako?

----

Nakaupo lang ako dito sa gilid. Hawak-hawak ang lata ng Sardinas haha joke lng. Lata ng Coke na may laman. Natural may laman diba?

Nginunguya ko rin ang pizza na hawak ko. Syempre alangan namang iniinom haha. Talino ko talaga.

Nakaka-OP sila. Alam niyo yun?

Off Place kasi naman malayo ako sa kanila habang sila ay malapit sa isa't-isa. Close lahat sila eh, ako lang hindi kaya Off Place ako. Ganun!

Nakakainis pa kasu ang ingay nila Diary. Nagiinoman tapos nagsasayawan. Party daw eh, akala ko ba pag party may Cake, may Mga Gifts, tapos may Mga Balloons at Syempre may mga Party Hats. Eh bakit sa kanila wala?

Di naman ito party eh. Tawag dito Fourty! Kasi wala lang trip ko lang itawag Diary. Bakit ba?

So ayun. Nagkwe-kwentuhan na sila hanggang sa ako naman daw ang Topic nila.

"So? Paano mo nakilala yang si Emelda Terence?"-tanong ni Boy 1

Sasagot na sana si Terence nung nagsalita si Mishka Palaka Diary.

"Sa Septic Tank!"proud niyang sagot.

Napa'Woah' naman sila dahil sa nalaman.

"Paano nangyare yun?"-tanong naman ni Girl 1 na alipores ni Palaka.

Humalakhak lang si Mishka at ayun siya na namang bida.

"Alam niyo naman kasi, itong si Terence naghahanap ng Maid at syempre napulot niya yang si Emelda kaya ayun, Perfect timing ang Gaga. Napulot nga naging maid naman hahaha nakakatawa."

Nagsitawanan ang lahat maliban kay Xander.

Napayuko na lang ako noong tinignan nila akong lahat tapos tumawa ulit. Pati si Terence nga Nakangisi eh.

Tumayo si Mishka sa inuupuan niya at lumapit sa akin.

"Oh ano chimay? Uupo ka na lang ba diyan? Magpasalamat ka kay Terence."

Wala akong nagawa kundi tumayo na lang diary. Ayoko ng gulo eh.

"Salamat Terence." Seryosong sabi ko sa kanya.

Kita ko na namang wala siyang emosyon habang nakatingin sa hawak niyang baso.

"Oh? Ganun lang yun? Lumuhod ka!" Sigaw ni Mishka.

Dahil sa sinabi niya ay natigil ang tawanan ng mga kasamahan nila.

Tinignan ko si Terence diary. Mata sa mata. Gusto kong makita ang emosyon niya. Gusto kong makita kung may pakialam ba siya sa akin, kaso nabigo ako Diary.

Lumuhod na lang ako at Nagpasalamat.

"Magaling Very Good Chimay!" Pagpuri ni Mishka habang pumalakpak pa.

Ba't ganun? Malaki naman ang pasasalamat ko kay Terence eh. Kahit di ko sabihin sa kanya ramdam niya naman siguro yun kasi pinaparamdam ko sa kanya.

Matapos nun ay agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pang nagsisigaw si Mishka dun. Bahala siya. Bahala sila doon. Magsama sila! Hindi ko sila kailangan.

Sinarado ko ang pintuan at ni'Lock.

Sumampa ako sa kama at dun ko binuhos sa unan lahat ng hinanakit ko.

Umiyak na naman ako.

Ang sakit eh. Hindi ko kayang isawalang bahala ang nararamdaman kong to kasi tao din ako, marunong masaktan.

Ang hirap sa mga mayayaman eh mapagmataas sa sarili. Why they judge me very true? Tama ba? Ah basta! Huhu ayoko na. Aalis na ako dito!

Tumayo ako sa kama ko at nagpunta sa Cabinet. Dun ko hinanap ang dati kong damit na sinuot ko bago ako matagpuan ni Terence.

Aalis na ako dito Diary!

Ayoko na!

Babalik na lang ako sa kalsada!

~Emalda na Lalayas na.

----

Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!Where stories live. Discover now