Diary 16

55 2 0
                                    

Dear Diary,

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga alam. Paglabas ko dun sa shop na yun ay pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Yung iba tumatawa, yung iba naman nagchichismisan.

Wow ha! Ganyan na talaga ako kaganda? Hihihihi

Balik ulit ako dito next time para naman ganyang atensiyon ang makukuha ko.

Naglakad na ako papunta sa elevator.

Bumaba ako hanggang sa first floor at syempre ganun pa rin ang tinginan nila, like nagagandahan ba talaga sila sakin o naiingit lang.

Bahala sila, mamatay sila sa inggit!

So bale ang suot ko ngayon ay mahbang uting gown tapos Sandal na may takong kulay Black

Yung mukha ko. Hmmm ewan di ko pa nakikita eh. But I'm sure super ganda ako.

Paglabas ko sa Mall ay agad akong naghanap ng Tricycle.

Gabi na pala jusko baka late na ako.

"Manong para!"

Pinara ko ang paparating na tricycle nakakainis lang kasi hindi tumigil.

Nakita kong may paparating na naman. Kaya ayun medyo hinabol ko.

"Manong pasakay!"

"Puno na Miss! Puno na!"

"Anong puno na! Nag-iisa lang ang sakay mo eh!"

"Puno na kasi!"

"Hoy manong! Magbabayad ako!"

Hindi din tumigil ang tricycle na yun kaya ayun. Hiningal ako sa ginawa ko.

Ano bang problema nila? Ba't ayaw nila akong pasakayin.

WAIT! May naisip ako!

Ganun ha. Ayaw niyo akong pasakayin ah.

Nilabas ko ang 1K ko, winagayway at sumigaw.

"Yohoo! Sinong magpapasakay sakin May 1K akong pamasahe!"

Sa isang iglap ay nagsidatingan ang limang tricycle diary. Naguunahan pa ah.

"Miss Dito ka na!"

"Sakay na Miss"

"Saan ka Miss?"

"Hatid na kita Miss."

"Sumakay ka na dito Miss"

"Mga manong! Wait!" Sigaw ko sa kanila

Tumigil naman sa pagsasalita ang limang manong.

"Pipili ako ha pero kailangan nakapikit kayo"

At pumikit naman sila. Wow ha sumunod namn sila haha para sa 1K

Gotcha!

Dali-dali akong sumakay sa Tricycle na napili ko.

"Manong bilisan mo na!"

Umandar na ang tricycle at naiwan dun ang apat na manong na nakapikit pa rin hahaha.

"Dito mo ako ihatid manong." Sabay pakita sa kanya nung papel.

"K"

Taray ha! Ano siya? Kinulang sa letra?

Kaya ayun hinatid ako ni manong dun sa lugar na kailangan kong puntahan. Nakakainis pa kasi kanina pa siya tingin ng tingin sa mukha ko.

"Manong may dumi ba ako sa mukha?"

"Ha? Ah eh. Wala naman. Party ba pupuntahan mo miss?"

"Ah opo manong, Bakit?"

Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!Where stories live. Discover now