Dear Diary,
Alam mo yung feeling na maganda na nga gising mo pero yung mukha mo pagtignan ng iba feeling nila ma'sstress sila.
Di niyo gets? Eh' kayo ng bahala mag-isip kaloka! Stress na nga face ko maisstress pa brain ko.
Sabi nga sa kasabihan, "What is beauty if your Brain is Empty?"
Well, tama diba. Pero dahil wala akong beauty at Brain lng meron ako, kaya dapat yung mga tulad ko lagyan ng laman ang utak. Paano nga ba?
Try niyo kayang lagyan para maexperience niyo. Mwehehehe joke lang.
Heto na ako sa may Gate ng School namin Diary. As always nag'Commute ako. Nauuna kasing magising si Terence kesa sakin. Tapos pagdating ko sa may kusina may mga pagkain na. Wahhhh! Ang sweet niya. Kahit halos tira-tira na lang yun still sweet pa rin.
(Paano naging sweet yung tinirhan ka ng Buto ng fried chicken na konti nlang ang natira?-.-)
Che! Wag kang epal author! Atupagin mo yung Intramurals niyo haha.
So yun nga, kahit tira-tira nalang ang nakikita ko sa lamesa. Sweet pa rin yun para sakin, eh bakit ba? Inlove ako eh. Charoot! Haha
Feeling ko nga ako pa pinagsisilbihan ni Terence eh. Hello? Ako kaya ang Pulubing Chimay niya, Para sosyal naman, inshort -YAYA! Haha
Pumasok na ako sa loob ng Campus Diary, At hulaan niyo ang mga nangyari?
Pinagtitinginan ako ng lahat.
'Ano na naman bang problema ng mga chakang to?'
"Ang kapal ng mukha, Nagpalunod-lunod pa ang gaga para masagip ni Tetence baby."
"Oo nga eh! Kapal kala mo naman maganda."
"Balita ko nga Alila daw yan eh, wow ha. Paano nakapag-aral ang isang alila dito?"
"Alam niyo naman ang mga tulad niya. Gagawin ang lahat para lang makatuklaw. Eww, so Cheap! Kapal ng mukha ha. Hindi na nahiya!"
Hindi na ako nakapagpigil pa Diary, hinarap ko na sila at magbubunganga na sana ng may tumakip sa bunganga ko.
Sino na naman bang nakialam sa line ko, artista ako dapat walang pipigil sa line ko!
"Alam niyo bang pwedi kayong makick out sa School nato dahil sa mga pinaggagawa niyo?" Wika ng taong nasa tabi ko.
Hindi na nagsalita pa tatlong chakang babae, agad na silang umalis na parang takot na takot. Nakita ko pang nadapa ang isa dahil sa taas ng takong niya wahaha. Buti nga sayo.
Hinarap ko ang taong umepal sa Line ko.
"Walang hi----uhhhmm....uhmmmm.. Ya kaaaaa!!!--ummmmm..uhmmm"
"Shhhhhh! Ang aga-aga napaka-ingay mo"
Tinanggal ko ang kamay niya, tinignan siya ng masama at hinanda ulit ang sarili sa pagsasalita.
"Ikaw kasi, masyadong epal. Kita mong papatulan ko na sila tapos pipigilan mo pa ako? Kainis ka!"
"Tsss.. Pasalamat ka nga dumating ako. Kundi Rambol ang magaganap dito. -.-"
"Che! Kaya ko naman sila eh. Anong kala mo sakin? Mukhang mahina?"
"Hindi, mukhang aso..."
May sinabi siya pero hindi ko na narinig.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Sabi ko pumasok na tayo at malilate ka na."
Hindi na ako nagsalita pa, naglakad na ako at inunahan siya.
"Hoy! Emelda! Hintayin mo ako."
"Che! Bahala ka jan!"
"Sabi ng hintayin mo ko--"
Tila nagSlow motion ang lahat ng hinawakan ni Terence ang kamay ko diary, kasabay nito ang pagharap ko sa kanya at paghawak niya sa likod ng bewang ko.
*tug-dug-tug-dug*
Anlakas ng tibok ng puso ko.
Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?Nakatitig lng kami sa isat-isa. Sobrang lapit ng mukha namin na konting galaw lang ay maaari ng magdikit ang aming mga labi.
Ba't ang gwapo ng lalaking to? Nakakainis.
Mula sa perpekto niyang mata, sa matangos na ilong, sa mapula niyang labi at makinis ng balat. Pak! Perfect!
Feeling ko ang sarap niyang halikan. Feeling ko ang sarap niyang mahalin.
Pero Teka? Ba't ganito iniisip ko? Wahhhh.
Agad ko ng tinanggal ang mga kamay niya at dumistansya.
"X-Xander...Ano pang kailangan mo?"
Nauutal at nahihiya kong tanong sa kanya. Nakakainis eh! Siya kasi."Ah haha. Gusto ko lang sanang yayain kang makapartner ko sa Darating na Campus Night. Kung Okay lang ba?"
Hindi ko na masyado narinig ang sinabi niya dahil nagBell na, pero wala na akong nagawa kundi tumango na lang.
Wahhhh Late na ako.
Pagkapos nun ay agad na akong umalis. Pero nandito pa rin sa isip ko ang mga nangyare kanina. Nakakainis ka Xander! Ginugulo mo ako.
Nasaan na ba kasi si Terence?
---
"Entrepreneur chu chu is a Chu chu..."
Hayyss, amboring talaga ng Lesson na ito, nakakainis ah. Malay ko bang meron nito sa Highschool.
Hmmm. Okay lam ko naman na last year na namin ngayon sa High School, pagkatapos nito sawakas gagraduate na ako. Himala nga eh, Hindi ako nakapag-aral tapos bigla-bigla magiging College na ako pagkatapos nito haha, Himala!
"By the Way Class!"
Natahimik kami matapos magsalita si Maam. D, Guro namin sa subject na ito.
"Alam niyo naman sigurong sa susunod na linggo na magaganap ang ating Campus Night. Lahat kailangang dumalo at magsuot ng ayon sa Tema. Kailangan ring may kapareha lalo na't may magaganap na sayawan at Mr. And Miss. Campus Night. So Good Luck and Enjoy!"
Agad ding umlis si Maam. D.
Pagkatapos nun ay napuno ng hiyawan at chismisan ang aking mga kaklase.
Campus Night? Kapareha?
Oh My Ghad! Magiging Partner ko si TERENCE?
Then may nagflash sa isipan ko. As in, Kasing bilis pa ni Flash sa Marvel.
"Ah haha. Gusto ko lang sanang yayain kang makapartner ko sa Darating na Campus Night. Kung Okay lang ba?"
"Ah haha. Gusto ko lang sanang yayain kang makapartner ko sa Darating na Campus Night. Kung Okay lang ba?"
"Ah haha. Gusto ko lang sanang yayain kang makapartner ko sa Darating na Campus Night. Kung Okay lang ba?"
"KUNG OKAY LANG BA?"
Again OMG!
Si XANDER! Niyaya din ako. T.T
At nag'Oo ako!
Wahhhhh! Diary! Tulonggggggg!
~Haba ng Hair, Emelda. Haha
-------
Hello guys haha, Long time No Update si ako. Hell week last week eh haha.
So ayan, Vote and Comment kung nagustuhan niyo ang Chapter nato haha.
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
ComédieANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...