Dear Diary,
Pagkatapos akong pinahiya ni Mishka sa Cafeteria diary ay umalis na ako kaagad.
Tinakbo ko ang malawak na oval at nagsasayaw pa ng Despacito with matching Twerk. haha Joke lng ang ewwww kaya nun.
So ayun tumakbo ako ng tumakbo, di ko alam kung Saan ako pupunta.
Nakarating na ako sa Main Gate at gusto ko nang lumabas.Nagsisigaw na ako sa Gate pero ayaw parin akong palabasin ng Guard kasi daw may gagawin pa ako.
"Ano bang gagawin ko ha?"
"Secret"
Aba'y may pasecret-secret pa siyang nalalaman ah.
"Magseryoso ka nga manong, antanda-tanda mo na!" Ako sabay irap tapos crossarms. Oh diba taray!
"Tsss, akala mo naman maganda ka! May gagawin ka sa mga estudyante dito"
"Ano na naman ba? Magpapasakit na naman ba ako sa kanila? magpapabully na naman ba ako dito?"- pagsisimula kong pagdadrama with matching iyak-iyak pa.
"Sus ampangit mo miss. Diba aso ka? Di ko alam na pwedi pala ang asong gala dito, kaya di nalang kita papalabasin sabayan mo na lang yung mga aso kong maghanap ng mga drug adik na estudyante dito. Kapag may naamoy uun sila at hinabol ibig sabihin may nahuli silang adik."
Wika ni manong guard sabay upo sa upuan at nakadikwatro pa.
Napaigting na lang Ako sa sinabi niya Diary.
Ako mukhang aso? eh mas mukha pa siyang aso noh? Tsaka yung dalawang Chakang aso ba ang tinutukoy niya na sasabayan ko? Haleerrr! Angchachaka kaya ng dalawang yun! Di kami talo ng mga yun, sa ganda kong to? Ewwwww sila sa akin. Nakakapanghinala lang kung bakit ako hinabol ng mga yun? Adik ba ako sa tingin nila? Nako! Talaga pagmakita ko yung dalawang Chakang aso na yun, leletchonin ko sila.
Wala na akong magawa nung pinagtabuyan ako nung manong guard diary paalis dun. Ang baho ko daw kasi. Sino bang hindi mandidiri sakin eh tinaponan kaya ako ng mga pagkain dun sa cafeteria. Ang lakas ng loob din nilang magsayang ng pagkain eh noh? Sardinas lang pala ulam nung iba itatapon pa.
Alam niyo yun. Amo'y sardinas ako. Akala ko ba mga mayayaman ang nag-aaral dito eh bakit may naamoy akong sardinas tapos paksiw sa katawan ko? Like hello? Ano yun feeling mayaman lang tapos ganun pala ang ulam.
"Sniff. Sniff" inamoy ko ang kaliwang braso ko. Taray! Ang asim! Anoy sinigang. Sa kanan naman amoy adobo. Adobong aso. Haha joke lang. Ayokong makita yung mga chakang aso noh. Baka lapain na talaga nila ako ng tuluyan. Amo'y ulam pa naman ako.
Patuloy lang ako sa paglalakad nung napansin ko na lang na nasa rooftop na pala ako ng isang building.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Tahimik. Parang ako lang ang tao.
Dahan-dahan akong lumapit dun sa may gilid.
Kita ko sa baba ang nakakalulang tanawin.
"Wahhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako nung muntik akong mahulog, buti na lang napakapit ako sa may parang bakal.
Argggg! Ayoko pang mamatat noh.
Matapos kong mahawakan ang bakal ay agad akong tumayo ng tuwid.
Humakbang ako papalapit sa gilid.
"Missshhhhhhkaaa! Ang pangit mong palaka ka! Ang chaka ng mukha mo! Malandi ka! Sayo na yang si Terence! Sak-sak mo sa bunganga mo!!!"
"At ikaw naman Terennceeee! Akala ko Ikaw na ang Mr. Right ko! Wala ka palang pakialam sa akin! Ba't mo pa ako pinulot sa septic tank ha! Kapal ng mukha mo! Pinaasa mo ako! Sinaktan mo ako! Wala kang kwenta!!!"
Nagsisigaw lang ako dun na para bang wala ng bukas. Nawawalan na nga ako ng boses eh. Huhu
Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit ba kasi ganyan Si Terence! Ang sakit eh. Nahulog na ang loob ko sa kanya pero parang wala naman siyang pakialam sa akin.
Umiyak lang ako ng umiyak dun sa may gilid.
Namalayan ko na lang na may taong lumapit sa akin at may inabot na panyo.
Tinaas ko ang aking noo at nakita ko siya.
Isang lalaki na pamilyar sakin.
Teka! Siya yung nakasagawa sakin ah.
Agad akong tumayo at hindi kinuha ang panyo.
"Sino ka?" Tanong ko.
Aba! Dapat ganito ako noh. Feeling di siya kilala o naalala para alam niyo na hihi.
"Masama ang magsayang ng pagkain lalo na't cheap ito. Masama din ang magsisigaw sa rooftop habang may tao. Now if I were you, tanggaoin mo na ang alok kong panyo at pwedi ka na ding maligo." Seryosong sabi nito. Tsssa sungit!
Napairap na lang ako at tinanggap na lang ang panyong inalol niya. Napilitan lang eh.
"Salamat" wika ko.
"Magpasalamat ka rin at hinatid kita dun sa clinic kanina. And By the way. Magpunta ka sa School's Office, may mga spear Uniform dun. Pwedi kang manghiram."
Waitttt! Naaalala niya ako? Oh Em Geee!
Tatawagin ko pa sana siya kaso umalis na kaagad. Naiwan ako dung tulala at hindi alam ang gagawin. Wahhhhhhh! Naaalala niya ako? Haha ang Ganda ko talaga Diary!
---
Bumaba na ako dun sa building na yun at dumeritso dun sa School's Office daw kaya ayun pumili ako ng uniform na kasya sakin at kinuha yun.
Tumingin-tingin pa ako sa paligid baka may tao. Wala. Nag-iisa lang ako. Hahaha.
Ting! May naisip ako diary.
Dahan-dahan kung nilibot ang office na yun at hinanap ang CR, hindi nga ako nagkamali! May CR nga. Wahhhhhh!
Pumasok na ako dun at nagumpisa ng maghuban! Maliligo ako noh! Wag kayong manilip ah! Hahaha
-----
Wushu! Im so Fresh!Lumabas na ako sa school's office diary. Palakad-lakad lang ako sa field at hindi alam kung saan pupunta. Feel ko nga mag-aalas 3 na. Huhu di man lang ako nakakain tsaka nakapasok sa clasaroom ko. Nasaan ba kasi yun.
Lakad lang ako ng lakad sa field diary. Di ko alam kung saan ako pupunta.
Nakita ko na lang ang sarili ko sa may parang mini garden. Maraming kahoy dito at mga bulaklak. Maglalakad pa sana ako nung may nakita akong dalawang tao di kalayuan sa akin Diary.
Isang babae at isang lalaki.
*0* Naghahalikan pa sila!
Aalis na sana ako dun diary eh baka kasi mapagkamalan akong naninilip kaso napatigil na lang ako nung nakita ko ng tuluyan ang mga mukha nung dalawa.
Parang hinataw ang puso ko sa nakita ko diary.
Parang nabasag ang puso ko.
Tumulo ang luha sa aking mga mata at namalayan kong tumatakbo na pala ako paalis dun ang sakit eh, marunong pala akong masaktan.
Kita ko kung paano sila malapit sa isa't-isa. Kita kung paano maglapat ang kanilang mga labi.
Kita ko sila diary...
Si Terence at Mishka, naghahalikan!
~Emelda na nasaktan.
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
HumorANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...