Dear Diary,
Tawa ako ng tawa nung kinain na ni Mishka ang niluto ko hahaha.
Sinugod niya pa ako sa Kwarto ko ah.
Kaya ang ginawa ko, ginulo ko ang buhok ko at sinuot ang damit kong puti bago pa ako napunta dito. Naglagay ng maiitim na uling para sa mukha at katawan ko hahaha.
Inoff ko yung Ilaw, at syempre Gabi na kasi kaya madilim.
"Hey You Bitch! Magpakita ka sa akin!!!" Sigaw niya nang makapasok na siya sa kwarto ko.
Dahan-dahan akong Lumabas sa ilalim ng kama, gumapang ako hanggang sa idinilat ng malaki ang aking mga mata. Nakatalikod siya sa akin at di niya ako nakita.
Gumapang lang ako ng gumapang Diary hanggang sa hinawakan ko ang paa niya at Pakkkkk!!!!
Nagsusumigaw na siya.....
"AHHHHHHHHHH..."
"Ghossssssttttt"
"Terenceeee.....HELLPPP!"
Okay na sana Diary eh, Nang Sinipa niya ang mukha ko.
Huhuhu..ansakit-sakit!
Kaya ang ginawa ko is inihiga ko siya sa Kama at dinaganan.
"Hiyaaaaaaa"
Sinasabonotan niya ang buhok ko at di naman ako Nagpatalo Diary, Bwesit na Mishkang Palaka to akala niya ah.
"Bwesit ka!!" Sigaw niya
"Mas bwesit kang malandi ka!!" Sigaw ko rin.
Para kaming mga baliw na pagulong gulong sa Kama ko Diary hanggang sa bumagsak kami at ganun pa rin, pagulong-gulong hanggang sa nalabas na kami sa kwarto ko at naitulak ko siya sa hagdan kaya ayun, Gumulong siya pababa at namatay. Syempre joke lng hahaha.
Gumulong siya at nahulog sa baba pero ang gaga nakatayo pa!
"Hoy, bwesit! Di pa tayo tapos!" Sabi niya sabay akyat ulit sa hagdan pero habang nasa gitna na siya ay kinuha ko ang vase at.
"Sige! Susugod ka? O ibabato ko to sa pagmumukha mo?"-wika ko sabay pose na ibabato sa kanya ang vase.
Natakot naman siya.
" Bitch! Di pa tayo tapos!"
Dahan dahan siyang bumaba habang hawak hawak ang likod niya, napahagikhik na lang ako ng tawa.
"Ganyan nga girl, shooo! Alis!"pagtataboy ko habang hindi mapigilan ang ngiti sa mga labi.
Humarap siya sa akin..
"Bwesit kang Pangit ka! Humanda ka!!!"
Sabay dabog niya papunta sa sala.
Ahahaahaha. Weak ka pala eh. Next Time Dota naman Laruin natin Gurl. Tingnan natin kng sino mananalo.
So tapos na ang rambol namin ni Mishka Diary, nagenjoy ako. Naalala ko tuloy kong paano ako makipagrambolan sa mga bata dun sa plaza dati ng Dahil sa Piso. Ahahahaha
I lab Ma Life Tologo Diary. Ahihihi
Naligo na ako at naglinis ng katawan Diary. Humarap ako sa Salamin at tiningnan ang sarili.
Mula Ulo na mukhang Paa..
Este Mula ulo, pababa sa paa. Iba na mukha ko. Di naman ako pangit. Di rin maganda.
Siguro nasa Gitna lang na matatawag kong Pangit ako na maganda, ahahaha.Ako lang ata pangit na maganda eh. *0*
I'm so Unique kasi.
Nagbihis na ako Diary at naghanda na rin upang matulog.
3...
2...
1....
zzzzzzzZzZZZZZZZ!
(12:30 am)
Nagising na lang ako Diary ng may marinig akong ungol sa kabilang kwarto.
"Ahhhhh!"
"Ohhh..Babe"
"Ahhh...shit! Anshakit"
Napanganga ako sa Narinig Ko Diary.
Oh Em Gee!
Ano yun? Nag-aano ba si Terence at Mishka
No! It Can't be!
Dapat ako lang! Yun. Charot! Haha.
Kaya bumangon ako sa higaan Diary.
Binuksan ko ang pintuan at nakitang madilim sa paligid at hallway.
Omooo! angdilim baka may multo!
(mas matatakot pa ang multo sa Mukha Mo Emelda)
Che! Epal ka Author! Di ka naman Cute!
So anyways...
Lumakad akong nakatihin papunta sa Kwarto ni Terence Diary. Dahan-dahan kong idinikit ang aking tenga sa pintuan at napanganga sa aking mga narinig...
"Ohh, Terence Dahan-dahan lang"
"Wag kang malikot mishka"
"Uhhhh! Shit! Dahan-dahan lang kasi, wag mong Biglain! Masakit Kaya!"
Napagasp ako Sa narinig ko Diary.
No! No! No! It Can't be! Ang baduy naman ni Terence na pumatol sa palaka na yun! Eh mas maganda pa ako dun noh!
Sagad kahanginan lang. Haha.Tssss. Napasimangot na lang ako at nilibot ang mga mata sa paligid.
Kailangan ko silang Pigilan sa ginagawa nila. Ako dapat nasa pwesto ni Miska ngayon. Ako dapat makakaranas ng sarap! Charot! Haha
May nakita akong Baseball Bat sa gilid ng pintuan Diary.
Kinuha ko yun at Inhale! Exhaleee!
Sabay bukas ng pinto at...
"Mga Walang Hiya kayo!!mga Manlolok------"
O_O-ako
0_0-si Mishka
-.- - si Terence
Tingin kay Mishka.
Tingin kay Terence.Napahiya ako sa Ginawa ko Diary...T____T
Nakita ko si Terence na may hawag na Ice Bag tapos nakahiga si Mishka sa Lap niya na sabog ang Mukha Tapos may Bukol sa noo niya.
Ahahahahaha. Ampangit niya! putikkk.
Kahit nahiya ako sa ginawa ko diary, tumawa pa rin ako ng tumawa.
"Hahahahahaha"
Tawa pa rin ako ng tawa Diary sa Mukha ni Mishka at siya parang sasabog na sa Galit diary. hahahaha
"BITCHHHHHHHH!" Sigaw niya na Umalingaw-ngaw sa Buong condo Unit Diary.
Ahahahahahaha. Ang Galing ko talaga.
Sigaw pa rin ng sigaw si Mishka Diary, pinapaalis niya ako at epal daw ako, pangit daw, ako daw may gawa nun haha. Samantalang ako ay tumatawa pa rin.
Tumayo si Terence sa higaan nila at kinaladkad ako palabas.
Aray ko! ano na namang problema nito?
"GO TO YOUR ROOM. SLEEEP WILD DAHIL BUKAS NA BUKAS MAGAARAL KA NA SA PAARALAN NAMIN" Cold ngunit may diin na sabi niya sa akin sabay balik sa kwarto nila
Naiwan ako sa labas na tulala..
Yun lang? Hinatak niya ako para dun?
And Hey! Ano raw? Mag-aaral ako sa Paaaralan niya? O.O
Jussskoooooooo.
Whhhhyyyyyyyy?
T_____T
Wala nang Good sa morninght ko huhu.
~EMELDA
------
Hahaha Mortal Enemy na ni Emelda si Mishka!
Ano na naman kayang katangahan ang gagawin ni Emelda kung mag-aaral na siya? Hahahaha ABANGAN....
![](https://img.wattpad.com/cover/148552589-288-k152293.jpg)
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
HumorANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...