Diary 15

66 4 0
                                    

Dear Diary,


Alam mo yung feeling na nakaNapkin ka with Wings kaya feeling mo lumilipad ka na rin.

OMG! Hindi ako makatulog kasi... Kasi... Kasi ganito yun.

*Flashfront...este Flashback*

Hinihingal akong dumating sa condo unit ni Terence Diary.

Feeling ko sumali ako sa fun run na nag-fun walk lang dahil sa bilis ng lakad ko. Kasi naman yung kotse na itim ay nakasunod pa rin sa akin.

Ganito na ba talaga ako kaganda? Pati kotse hinahabol ako? Charot! Taray ko naman kung ganun.

Kaya ayun nga binilisan ko na ang lakad ko diary. Feeling ko na stretch masyado ang mga paa ko. Yung tipong pang tatlohang hakbang mo ay isang hakbang lang para sa akin. Oh diba? Ganyan ako kapowerful. Kaya kapag sumali ako sa budol-budol gang hindi talaga ako mahuhuli. Sasambahin pa ako ng sangkabudol-budol gang sa whole world. Ako ang gagawin nilang reyna, oh diba? Taray ng dreams ko. Kasing lawak ng buhok ko sa kili-kili hihihi. Shhhh lang kayo ah hahaha kundi ipapaamoy ko to sa inyo.

So yun nga nag-alaFlash ako diary.

Nashookt lang ang beauty ko ng may kumatok sa pintuan.

Wait! Baka sila yung humahabol sa akin. Baka sinundan nila ako at natunton ako dito.

OMG! Anong gagawin ko diary?

Pumunta ako sa kusina diary at naghanap ng pweding panangga.

Ayun! May nakita ako.

Agad kong kinuha ang takip ng kaldero at sandok na mahaba diary.

Meron na akong Sheild at Pamalong sandok.

Humanda ka sa akin kung sino ka mang nasa labas.

Mula sa kusina ay gumapang ako papunta sa sala. Mahirap na noh.

Ng makarating ako sa pinto ay naghanda na ako para buksan ito.

Heto na! Bubuksan ko na!

"ANO BA PULUBI BA'T ANTAGAL MONG------"

"HIYAAAAAAAAAA!"

*BOGSHHHHH*

*dug-dug...dug-dug...dug-dug*

Ba't ganun? Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko?

Hindi ko namalayan na nakapatong pala ako sa itaas ni Terence diary.

Akala ko kung sino ang nasa labas, siya lang pala. Nung sinugod ko siya ay natumba kami pareho at ayun. Napaibabaw ako.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa.

Ang mga labi niya na sobrang pula at parang ang sarap halikan.

Ang mga mata niya na kapag tinititigan mo feeling mo malulunod ka.

Ang ilong niyang napakatangos.

Nabalik lang ako sa katinuan nung itinulak niya ako.

"What the hell! Ano na namang katangan to?-,-" pagalit niyang tanong.

Why so hawt pag galit si bebe diary?

Ano ba yan Emelda, focus!

"Ah eh, kanina kasi may sumusunod sa akin. Akala ko sila yung nasa labas eh kaya ayun ganun nangyare. Hindi ko naman kasi alam na ikaw yun eh. Sorry!''

"Tsss. Oo na! Tumayo ka na jan at aalis na tayo" matapos niyang sabihin yun nauna na siyang naglakad.

Hindi man lang ako tinulungang tumayo, huhu.

Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!Where stories live. Discover now