Dear Diary,
Bat ang ganda ko? Choss. hihi Nandito ako ngayon sa septik Tank. Bakit? Eh dito ako ipinanganak eh.
Char lang! HahaEwan ko! bakit ba ako nandito eh kani-kanina lang naglalakad ako tapos ayun, nahulog na ako. huhu antanga ko kasi, basta basta nalang nahuhulog kahit alam ko naman sa sarili ko na walang sasalo sa akin.
Kahit yung Pamilya ko inabandona na ako, Oo na! Aaminin ko na, Isa lang akong pulubi diary, isang babaeng walang pamilya at matutuluyan, sino ba kasi ang mag aaksayang kumupkup kung ang pangit ng pagmumukha ko tapos andugyot ko pa.
Marami na akong napuntahang bahay ampunan diary pero di ako nagtatagal, palipat-lipat lang ako, minsan sa kalye at plaza lang ako matutulog.
Yes! I'm 18 years old na, but still im here at kalsada (wow Taray! Nakapagenglish).
Aba'y oo naman? Anong tingin mo sakin author? Di nakapag-aral? I'm Graduation kaya, itchusera to!
So ayun na, palakad lakad ako sa kalsada kanina, wala pa nga akong kain eh mag-gagabi na ng napadaan ako sa may madilim na parte ng kalsada. Palakad-lakad lang ako nang may nakita akong dalawang bata, at good news may dala silang tinapay "ohhh, yummy"
Kaya ang ginawa ko lumuhod ako sa kalsada Diary tapos nagpanggap akong aso, dahan-dahan akong lumapit sa kanila tapos *Pak* sinipa nung bata ang Beautiful face ko huhuhu." Aswang! Tulong! May aswang!!"-sigaw ng isang bata habang nagtatalon, ay beki siya bes.
"Hoy bakla!!! Tikbalang yan!! Tikbalang!!"
Aba! Aba! Sa ganda kng to? Napagkamalan akong tikbalang? Nako talaga...
Kaya ang ginawa ko Diary is hinabol ko sila hanggang sa di ko namalayan na nahulog na pala ako dito sa Mabaho at so Yucky na Septic Tank na to...huhuhu napakamalas ko talaga!!!
"Helllppp! Somebody Help me!!!??"
Sigaw lang ako ng sigaw, wala pa ring tumutulong sa akin huhu, gusto ko nang mamatay, gusto ko nang pumunta sa heaven upang makatikim naman ako nang masasarap na pagkain... T_____T
Unti-unti ko nang ipinikit ang mga precious Eyes ko, katapusan ko na yata to.
Pero nashock na lang ang kalamnan ko ng may dumungaw sa septic tank...
O...M...G!!!
Angel! My Angel!! sinusundo mo na ba ako...
Kitang-kita ko kng paano siya magsalita kahit di ko narinig yung mga pinagsasabi niya.
Dahan-dahan niyang hinihulog yung lubid sa akin, kaso nga lang di niya namalayan na nasagi niya yung bato sa tabi niya at *Pakkkk* Sakto sa Feslak ko...
Waoooowwww Daming star sa Paligid..Then ZzzzzzzZZZZZZ
Nakatulog na akisss...
Ang maganda sa paningin ng Aso,
Emelda Magbaho..*muwaaaah*
-----
OKAY BA? hahaha
YOU ARE READING
Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!
HumorANG ISTORYANG ITO AY NAGLALAMAN NG KABALIWAN NG ATING BIDA. HAHAHA KAYA KAYO AY NARARAPAT MAGTABI NG TISSUE PARA HINDI DUGUIN. THIS STORY WAS INSPIRED FROM THE STORY OF MY FAVORITE AUTHOR. P.S: UNDER EDITING PO ANG STORY NA ITO, EXPECT NA MAY MGA SL...