Diary 4

71 8 3
                                    

Dear Diary,

Grabe Diary, sobrang saya ng araw ko. Ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko ang ganito.

Dati rati, hanggang tinapay lang ang nakakain ko tapos ang mga sinusuot kong damit puro pa basahan at talagang andugyot ko.

Noon malaUK-UK lang, ngayon may paSM-SM na, Taray diba?

Kahit manlimos ako dati hindi pa rin sapat ang kokonting barya para mabuhay ako, minsan nga sa palengke nagnanakaw ako ng mga bulok na prutas tapos kahit bulok na yun hinahabol pa rin ako ng ale na nagtitinda nun. Sinisigaw pa niya na.

"Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong!!! May nagnakaw ng Fresh na prutas ko na kakapitas pa lang sa Fruit Farm!!!"

Kaya syempre, Wla akong magawa kundi sagutin siya.

"You. You. You! Sinungaling na ale, akala mo naman sobrang fresh ng Binibenta mo? Eh tignan mo to (sabay pakita sa kanya ng bayabas na bulok) fresh pa ba to? Ha?"

Tapos ibinato ko na lang sa kanya yung ninakaw ko.

"Oh! Saksak mo sa bunganga mo! Kala mo naman makakain ko pa yan! Eh mas bulok pa yan sa bulok kong ngipin"sabay pakita sa kanya ng ngipin ko at nagWalk out.

Natawa na lang ako Diary habang naiisip yun.

Minsan dati, kapag may makita akong magarang bahay, inaakyat ko ang bakod para makapunta sa loob at manlimos sana kaso nga lang, hindi pa ako nakakababa sa bakod sumalubong na sa akin ang mga naglalakihang aso. Nako! wala tuloy akong nagawa kundi dali-dali tumalon at tumakbo paalis sa bakod. Ang malas ko talaga Diary.

One time! Naaalala ko pa noon yung lalaking tumulong sa akin nang binully ako ng mga babae na sa tingin ko kaedad ko lang, nashock na lang ako ng may lumapit sa aking lalaki.

"Ano ba sa tingin niyo ang pinaggagawa niyo?"

Seryosong sabi niya dun sa mga babaeng umapi sa akin.

"Ganyan ba ang estudyante ng paaralan na to? Wlang respeto at modo sa kapwa tao? Kung ako sa inyo ihanda niyo na ang mga gamit niyo dahil ngayon pa lang kickout na kayo"

Dahil sa sinabi niya, nagsitakbuhan yung mga babae na umiiyak.

Nakita ko pa siyang kinuha ang papel na bag na may lamang pagkain sa kotse niya at binigay sa akin, ako naman itong si patay gutom. Tinanggap agad ang pagkain na yun na wala man lang sinabing salamat.

Ang taray ah! Siya siguro may-ari ng paaralan nung mga babae.

Ang gwapo niya Diary, sobra! At ang yaman pa.
Kaya kung nasaan man siya nga yon, sana Okay lang siya.

Wala na agad siyang sinabi sa akin matapos nun umalis na siya agad at di man lang ako nakapagpasalamat. Kaya pangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko ulit siya, sisiguraduhin kong mababayaran ko ang utang na loob ko sa kanya. Babayaran ko siya nang sandamak-mak na pagkain. ahihihi

"Haysss"

Napabuga na lang ako ng hininga Diary habang naiisip ko yun,sana kng nasaan man siya ngayon, sana naaalala niya pa rin ako.

Nandito ako ngayon sa kotse ni Terence, siya nagdadrive at pauwi na kami sa Condo Unit niya.

Napaisip tuloy ako, Sino ba talaga ako? Kasi alam ko sa sarili ko na may mga nawala sa aking alala-ala, ewan ko ba! Pangalan ko lang ata alam ko eh, di ko nga alam kung sino ang mga magulang ko at bakit ako napunta sa kalsada at sa ampunan.

Sana, Maalala ko na ang lahat. Alam kong buhay pa ang mga magulang ko, at gagawin ko ang lahat para makita sila.

"Hey!"-pagtawag ni Terence sa akin.

Diary ng Babaeng Pinulot sa Septic Tank!Where stories live. Discover now