Princess pov
Hapon na kaya nandito lang ako sa kwarto. Biglang tumunog yung cellphone ko kaya na agaw nang cellphone ang atensyon ko.
From: john pogi ♡ ♡
Hoy princess yung chocolate ko baa kinain mo?? Ang mahal mahal nun eh
Napabuntong hininga na lang ako.
Tapos nilapag ko na ang cellphone ko sa lamesa ko.Bumaba na ako at sakto nandoon yung mga kaibigan ni mommy, sina tita cherry at tsaka si tita scarllete naguusap sila don. Nang makita ako ni tita cherry bigla siyang nagsalita
"Oh princess nandyan ka pala,ang laki laki mo na ah" sabi ni tita cherry
"Hay naku cherry dalaga na talaga pero for me she is my baby no one's can stop me" sabi naman ni mommy. Eto talaga si mom masyadong nadala sa pagpapanood nang k drama.
"Ahm sige na po mauna na po ako" sabi ko sa kanila sabay ngiti
"Sige anak mag ingat ah"sabi ni mom tapos tumango lang ako
Di ko nga alam kung saan ako pupunta eh ayaw ko lang talaga sa bahay ang boring! kaya kung saan ako dalhin nang paa ko dun na lang ako. Maya-maya nadala ako nang paa ko sa DQ. Umorder ako nang big size nang cookies'n cream. Umupo ako sa dalawahang upuan dahil wala namang isahan dito. Habang kinakain ko yung ice cream ko may sumulpot na lalaki sa harap ko at nanlaki ang mata ko na si brian castillo ang nasa harap ko.
Naka cap sya tsaka naka mask. Ano toh artista?? Tsk arte!
"Hi princess" bati niya sabay ngiting nakakatunaw hehe "may kasama ka ba??" Tanong niya sa akin. Obvious bang may kasama ako?? Tanga ba tong nasa harap ko??
"Sa tingin mo ba may kasama ako?? Tsk" pagsusungit ko sa kanya
"Sunget!" Sabi niya sabay pout. Kala niya naman madadaan niya ako sa pag po-pout niya tsk walang tabla yan sa akin
"Pake-elam mo??" Sabi ko sa kanya na may tonong pagkakairita
"May period ka noh??"tanong niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Oo nga naman bat ba ako nagsusungit sa kanya,eh wala naman siyang kasalanan.
"Sorry" i said
"Ok lang. hehe pwede ba kitang maging best friend??" Bestfriend ka agad?? Pwede bang friend muna?? YAH! Princess napaka ano mo isipin mo muna kung aanuhin mo ba yung offer niya o hindi tsk
"Ang bilis naman eh di mo nga ako kilala nang sobra sobra eh"sabi ko sakanya.
"Kilala na kita. bata ka pa lang" huh?? Bata pa lang ako??
"Huh??" Tanong ko nang may pagkalito
"Nung mga bata pa kami nila john lagi akong nasa bahay niyo para mag-basketball kase yung kuya mo bantay-sarado dati sa dad mo kaya bawal siyang lumabas. Eh sakto may mini court kayo dun kaya laging akong pumupunta dun, So bestfriend??" Sabi niya sabay naglahad nang kamay
"Bestfriend" sabi ko sa kanya sabay ngiti
"Hello?? Yung kamay ko nangangalay na" sabi niya sabay wave nang kamay niya sa mukha ko
"Ay sorry" inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya
"Saan ka next pupunta??" Tanong niya sa akin
"Ahm wala eh baka umuwi na rin ako kase lulubog na ang araw" sabi ko sa kanya
"Hatid kita??" Tanong niya sa akin
"No need ,i have a car" sabi ko sa kanya sabay ngiti umalis na siya kase daw may emergency daw siya
Ako papunta na sa parking lot. Nang makarating ako nakita ko na si mang kaloy.
"Oh wala po kayong binili mam??" Napabuntong hininga na lang ang kulit talaga ni mang kaloy sabing wag na akong tawaging mam eh
"Mangkaloy how many times ko ba sasabihin sa inyo na wag niyo na ho akong tawaging mam, oh sya eto po binilhan ko po kayo nang coffee sa starbucks para may energy kayo" sabi ko sa kanya sabay ngiti
---
Guys sorry maikli lang yung nagawa kong chapter ngayon kase 12:21 am na naantok na ako mianhe!!♡♡