chapter 18

11 0 0
                                    

Princess pov

Pagkatapos akong kausapin ni ate yannie nakatulog na rin ako and ngayon na ako lalabas dito sa hospital.

Nagiimpake na sila ng gamit ko at ako naman nakaupo lang sa kama ko habang tulala sa paikot-ikot na panyo ni kuya joseph.

"Hey are you okay princess? I'm sorry about lolo...please forgive him bubukas din yung mata niya sa katotohanan" sabi niya sa akin at nginitian ko lang siya.

"Let's go!" Pagaaya na sa amin ni kuya andrew at mabilis kaming sumunod.

Nasa van na kami at nasa harap na ng bahay namin sa sobrang pagod ko mabilis din ako nakatulog.

"Hey gising na may pasok pa tayo!" Paggising naman sa akin ni kuya at ka agad akong bumangon, kinuha ko na ang towel at ang uniform ko tsaka ako naligo, pagkatapos kong maligo ay kumain na kami nang breakfast, 3 days akong absent kaya namiss ko ang mga kaibigan ko.

"Let's go! bye mom" sabi ko kay mom at sabay beso sa kanya.

Nasa kotse na ako ni kuya at nakaheadphones.

Bumaba na ako ng kotse ni kuya then nauna na sa paglalakad ng salubungin ako ng tatlo kong kaibigan.

"Oii musta na? I really miss you!"

"Alam mo bang araw araw pinagdadasal kita"

"Pinag-alala mo kami juicecolored!"

Nakakatuwa may mga ganito akong kaibigan na kahit pasan-pasan mo yung mundo tutulong't tutulong sila sa pagbubuhat wag lang nilang makitang nahihirapan ka.

Sa buong klase ay lutang ako yung utak ko lumilipad yung mata ko naman hindi kumikirap, patay na ba ako?

*ting ting ting"

Tsaka lang ako natauhan na humudyat na ang bell para maglunch na, nangako kami sa isat isa na sabay sabay kami maglu-lunch sa cafeteria.

Nandito na kaming apat sa hallway ng harangin kami nila yuka at kasama niya ang tatlong alipores niya...i feel...it's bad na kalabanin niya kami.

"YOU" sabi niya sa akin sabay turo.

"Hey! Please umalis ka sa dadaanan namin, ayaw namin ng gulo" sabi naman ni ash na nagtitimpi lang.

"Nang dahil sayo nasa kulungan ang mommy ko" she said and she slap me sa sobrang lakas halos mabali ang leeg ko dun, kaya umapoy yung gilid ng mata ko wala naman talaga ako sa mood eh kaso pinipilit niya talaga.

"Once you slap me again...makikita mo kung sino ang hinahanap mo!" Sabi ko sa kanya na nakatingin sa malayo.

"Edi lumabas ka!" Sabi niya naman at sinampal ulit ako hindi na ako nagtimpi sinampal ko din siya.

"Sabi ko sayo eh wala ako sa mood kaya QUEEN pagdumaan kami umalis ka dahil mapapahiya ka!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Malandi! una si brian ang nilandi mo ngayon si ivan naman" sabi niya sa akin na ikanagalit ko. Oh bitch lumayo ka sa akin ngayon baka masaktan kita.

"Ano? Natatakot ka na malaman nila na malandi ka? Isa kang pokpok?" Hindi na ako nagtimpi kaya sinampal ko siya na malakas.

"Alam mo yuka ibang iba ka sa ate mo! Kung ano kinabait niya yun ang kinasama mo! O nagmana ka lang sa nanay mo?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin ang mga yun.

"Ako na unang magsasabi sayo...layuan mo si ivan" sabi naman niya sa akin na kinataas ng kilay ko.

"Bakit? Nagseselos ka? Na siya unang lumalapit sa akin eh ikaw kailangan mo pa yatang ibenta yang katawan mo para mapansin ka nila eh right!?" Sabi ko sa kanya sabay lakad pero narinig ko pa ang pangangasar ng tatlo kay yuka at sa mga alipores.

The Star Six And Me (TSFAM #1)Where stories live. Discover now