Princess pov
Ahhhhhh! Ang sakit nang buong katawan ko! Lalo na sa legs ko! Ano ba nangyare? Unti-unti kong binuksan yung mata ko at niluha yun ang mukha ni kuya at ate devi nag-galit na galit...anong nangyare?
"K-kuya...ate dev??"pautal utal kong sabi dahil sa kahinaan ko.
"Princess are you okay?" Pagaalalang tanong sa akin ni kuya
"I'm okay kuya" bakit biglang lumungkot ako? Parang may hinahanap na taong gustong gusto ko? Pero di ko alam kung sino yun!
"Bibili lang ako nang prutas at makakain natin,bantayan mo muna siya dev" sabi ni kuya sabay labas na nang pinto
"What's going on ate? May nangyare ba?" Pagtatakang tanong ko sa kanya
"Wala ka ba talagang maalala?" Sabi ni ate pinikit ko yung mata ko para may maalala. Bigla na lang tumulo yung luha ko nung maalala ang lahat nang pangyayare.
"Niloko kami ni dad, niloko niya kaming lahat, we don't deserve this especialy mom" wala akong pake elam kahit sino makarinig nang hagulgol ko dito sa kwarto.
"Shh tahan na" sabi ni ate habang hinihimas yung likod ko, umiiyak din siya.
"Ate si mommy alam niya na ba?" Paluhaluha kong tanong
"No cess baka mamaya pa namin sasabihin, hinihintay ka lang talaga namin magising para di siya magalala sayo" mom i need you right now! Wahhhh! Asshole dad!
"Nasaan si dad?" Nanggagalaiti kong sabi, naiinis ako! Ang laki laki nang sinakripisyo namin tapos yun lang? Mambabae lang siya? Ano ba talaga siya? Tatay pa ba namin siya?
"Kami na bahal-" bakit sila pa? Eh problema namin toh ayaw ko nang may nadadamay!
"No! Problema namin toh ate dapat kami ang kakausap sa hayop kong ama" sabi ko na uukmong tatayo na ako nang may pumasok sa loob nang room namin, naka tuxedo sila nang suot nasa lima o pito sila.
"Anong kailangan niyo? At uso kumatok noh" inis na inis si ate devi sa mga toh pero may pumasok pa isang matanda na naka tungkod saglit lang...lolo? "Ay mano p-" di na tinuloy yung sasabihin ni ate devi nang tapikin ni lolo si ate devi at dahilan para mauntog siya sa kanto nang lamesa kaya hindi na ako nagdalawang isip alisin lahat nang nakalagay sa kamay ko nakita ko na lang yung dugo sa dibdib ko at legs sobrang kirot na pero wala akong pake elam tumayo pa rin ako kahit nahihilo ako, pagkatayo ko pinuntahan ko agad si ate devi at tinulungan makatayo.
"Princess andami mong dugo dapat hinayaan mo na lang ako kaya ko naman yung sarili ko eh" sabi niya sabay yakap sa akin.
"L-lo, why do you do that?" Sabi ko kay lolo, napaka sama niyang tao, walang awa.
"Dapat lang sa inyo yan dapat di ko na pinayagan si edward pumunta sa inyo,napapahamak lang siya" ang kapal nang mukha niya sabihin yun! Kami pa ang may kasalanan? Eh kami na nga nasaktan!
"Ano ba ginawa namin sa inyo? Apo mo kami pero bat mo kami ginaganto? Dahil ba ayaw mo sa lahi ni mommy? Dahil mortal enemy mo ang dad ni mommy na dati mong bestfriend? Eh mas okay nang mamuhay kaming wa-" di ko na natuloy yung sasabihin ko nang sampalin niya ako dahilan para manghina yung buong katawan ko.
"SIR TAO BA KAYO? APO NIYO TOH OH? SINAKTAN SILA NANG ANAK NIYO,DAPAT NGA HUMINGI KAYO NANG TAWAD EH" rinig na rinig ko pa rin yung sigaw ni ate devi kahit nanghihina na ako, may pumasok ulit sa pintuan at niluha naman nun si kuya, ash,ivan,at ang apat,tsaka si mom?
"Anak ko! Anong ginawa mo sa kanya papang?"paluha luhang sabi mom sabay tayo sa akin at nilagay ako sa kama ko yung suot ko ngayon puro dugo na "WALA KANG AWA SA APO MO,TAO DIN TOH HINDI NAMAN TOH YUNG LAGI MONG PINAPATAY EH, ANAK KO TOH" sigaw ni mom habang hinihimas yung likod ko