chapter 6

7 0 0
                                    

Nagising na lang ako dahil sa alarm ko minulat ko ang mata ko at tinignan ang orasan 12:05 pa lang ugh nagkamali na naman ako nang alarm, bigla na lang kumulo ang tiyan ko kaya bumaba ako at naghanap nang pagkain sakto nakita ko tong red velvet cake at choco mocha cake tigisang slice ang kinuha ko tapos nagtimpla ako nang gatas ko nakita ko si yaya linda na may kausap sa labas kaya tinignan ko kung sino. Nanlaki ka agad ang mata ko na nakita si dad

"D-dad what are you doing here?? Yaya linda bat di ka pa tulog?? Anong oras na oh?? Tulog na po kayo ako na bahala kay dad" sabi ko kay yaya tapos tinapik ko ang balikat niya tapos umalis na siya "problem??"

"Nothing" maikling sagot niya

"Bat ka nandito?? Ha'ting gabi na oh??" Sabi ko sa kanya

"Wala kinakamusta ko la-" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil wala namang kwenta ang sasabihin niya

"You have to go" sabi ko sa kanya, alam kong bastos tong ginagawa ko and so what sa tingin niya ba yung ginawa niya sa amin hindi masakit?? Hindi bastos??

"Princess im sorry" nagulat na lang ako nang lumuhod na siya sa akin tapos umiiyak

"Dad stand up, hindi mo dapat yan ginagawa alam ko at alam nating lahat na tatay kita dapat ginagalang kita, dapat minamahal kita ,dapat nire-respeto kita kaso winasak mo lahat yun eh dapat ginagawa NAMIN yun sayo eh dapat nagiging mabuting anak kami sayo eh,kaso HINDI EH HINDI, andaming SANA sa buhay namin sana buo pamilya natin, sana may tatay na nagpo-protekta sa amin, sana may padre de pamilya kami, sana tuwing pasko kumpleto tayo, sana tuwing birthday namin ni kuya nandoon yung papa namin KASO WALA EH WALA" sabi ko habang humahagulgol na sa iyak, aminin ko man o hindi ayaw kong umiyak sa harap niya kaso hindi ko na napigilan eh

"Anak patawarin mo si papa,hindi ako naging perfect dad para sa inyo ni john,hindi ko nagawa ang mga obligasyon ko bilang ama at asawa, anak ayaw ko naman talagang iwan kayo eh kaso kailangan talaga eh, yaan mo anak pagdating nang panahon makukumpleto ulit tayo pangako yan" dad said, ayaw kong umasa sa mga pangako niyang hindi natutuloy

"Dad wag kang mangako,gawin mo" sabi ko sa kanya "umalis ka na dad wala ka nang dapat alalahanin pa maayos kami at masaya kahit wala ka" sabi ko sa kanya sa pekeng ngiti

"Babalik rin tayo sa dati maghintay lang kayo ah" sabi niya sabay halik sa noo ko sumakay na siya sa kotse niya tapos pinaandar na niya ito at umalis na siya, pagkapasok ko sa loob nakita ko si yaya linda

"Oh yaya bat gising ka pa??" Tanong ko sa kanya

"Bilib na bilib ako sa alaga ko, napakatatag,napaka tapang" sabi niya sa akin sabay yakap sa akin, hindi naman talaga ako matapang, di rin ako matatag kase deep inside nasasaktan din ako ayaw ko lang ipakita sa kanila dahil ayaw ko idamay pa sila kaya sinasarili ko na lang toh

"Sige na yaya matulog ka na" sabi ko sabay yakap din sa kanya. Umalis na siya at ako naman kakatapos lang kumain. 1:10 na di pa ako nakakatulog, papunta na ako sa kwarto ko nang maisip ko kung nandyan ba si kuya

Binuksan ko yung pintuan pagkatingin ko sa kama niya natutulog siya, nung nakalapit na ako sa kama niya may upuan sa gilid dun ako umupo habang pinagmamasdan ang ma-among mukha ni kuya

Kamukha niya si dad,bigla na lang tumulo yung luha ko baka dahil sa inis at galit ko kay dad. Sana ngayon hindi ganto nararanasan ni kuya dapat nga si dad lahat gumagawa nang mga ginagawa ni kuya eh nagsasakripisyo siya sa amin. Oo aminado ako g*go talaga si kuya pero kapag tungkol na sa pamilya niya kahit kalabanin niya pa si kamatayan lalaban't lalaban siya wag lang kami masaktan, yan si kuya, kua ko na nga tatay ko pa.

Bumalik na ako sa kwarto ko, nag paalarm na lang ako nang 4:30 para maghanda nang breakfast namin.

*fireeeee eh yoh fireeeee eh yoh eh yoh*

Nagising na lang ako sa alarm saktong 4:30. Ba-baba na sana ako nang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko to. nabuhay yung tulog kong diwa nang makita na suspendend ang pasok ngayon. Ewan ko ba kung bakit suspend na naman.

Bumaba na ako nagulat na lang ako nang may pagkain sa lamesa tapos may note pa

'Kainin mo yan ah gisingin mo na lang si mommy, walang pasok ngayon. Pupunta lang ako kay shawn, eat well ♡♡

-handsome john valdez

"Ang sweet nang kuya mo noh"

"Ay putspa" nagulat naman ako kay mommy parang kabute sulpot nang sulpot "grabe ka mommy hah papatayin mo ba ako sa gulat" sabi ko sabay hawak sa dibdib

"Hahaha halika kain na tayo" sabi niya sa akin sabay ngiti ang ganda talaga ni mom bat ako hindi?? Pogi naman si dad,maganda naman si mom, si kuya din pogi . Ah baka nung nag paulan si god nang magaganda at pogi tulog ako. "Huy halika na kain na tayo" natauhan lang ako nang nagsalita na si mom. Ngumiti lang ako.

Tahahimik lang kaming kumakain

"Wala kayong pasok ngayon??" Pagbasag ni mom nang katahimikan

"Wala mom eh ewan ko ba dun"sabi ko kay mom sabay ngiti

----

The Star Six And Me (TSFAM #1)Where stories live. Discover now