~ Venice POV ~
Andito ako nakikinig sa boring na subject na tinuturo ni sir -,-
Nawawalan nako ng interes magaral hahha .
Nababaliw na ata ako -_-
Ilang oras din natapos nadin yung subject niya . May Dalawa pang subject bago mag breaktime .
Namimiss ko na si kier ^,^
❤ 0 ❤
Nagfocus nako sa lahat ng subject and Natapos nadin sila . Breaktime na and 1 subject nalang uwian na .
Bat parang mas nagugustuhan ko ang uwian kesa mag aral .
Bawal yang iniisip mo Venice ano ba magaral ka .
Naalala kong ngayon na ang Graduation ni Kuya kaya maaga ang uwian .
Nakita ko naman si Ate Klaire na nakatoga . Ang cute niya .
Ate , Asaan si Kuya - Tanong ko sa kanya at agad naman niya tinuro ang gawi nila mommy and daddy .
" Gragraduate na kami ng kuya mo " Tuwang tuwa naman si ate klaire " Paguusapan na yung kasal namin " Excited na usal niya .
Talaga Ikakasal kayo ? Whaaaaaaaa - Tuwang tuwa naman ako dahil magkakaroon na ng pamilya si kuya . Gragraduate na kasi sila ng College kaya okay na magpakasal sila . Excited nako :) , Congrats ate - Sabi ko sa kanya at tsaka nilapitan si Kier .
" San punta natin ? " - Tanong naman ni Kier ang cute niya talaga .
Duon oh - Turo ko sa kinaroroonan nila kuya . Manunuod tayo ng graduation ni kuya . Excited kong usal .
" Sige " Sabi niya ng nakangiti .
Kieeeeer wag kang ngingiti lalo kang gumagwapo . Enebe >.<
" Andiyan na pala kayo , Maupo na kayo " - Usal ni mommy .
Mommy , Excited nakoooo !
" Saan naman anak ? " - tanong ni mommy sakin .
Sa kasal na magaganap nila kuya Drake at Ate Klaire - Sabi ko naman at tsaka ngumiti si Mommy .
" Oo After Graduation na ito ay paguusapan na mamaya . Iho , Gusto mo bang sumama ? " - Sabi ni mommy at tanong niya pa kay Kier .
" H-hindi napo , Usapang Pamilya po iyon " Pagtanggi naman ni kier sa paanyaya ni mommy .
" Sigurado ka ? " Tanong naman ni mommy at tumango naman siya .
Nakaupo na kami at hindi ko siya kinakausap . Agad naman niya akong Niyaya para magusap .
Bakit ? - Inis na Tanong ko sa kanya . Kasalukuyang nasa Garden kami ng School na ito .
" Bakit Ayaw mo akong kausapin ? " Tanong naman niya .
Bakit ayaw mo kasing sumama ? - tanong ko sa kanya at agad naman siyang humarap sakin .
Kinakabahan ako !!" Venice , Hindi naman porket di ako pumayag ay ayaw ko talaga . Hindi ko tinanggap ang Invitation ng mommy mo kasi usapang pamilya ito . May mga bagay talaga venice na hindi pwede kaya sana maintindihan moko " Sabi niya at akmang aalis ng bigla ko siyang hinila .
I'm Sorry - Naiiyak na usal ko . Abnormal kasi ako eh hindi pa nga tayo tapos inaaway na agad kita . -,-
" Sssh , Wag ka ngang umiyak " Saway sakin ni kier .
Kasalanan ko kasi hindi ako marunong umintindi .
Ang Pangit ng ugali ko .
Nakakainis . Pati ako naiinis sa sarili ko .
" Okay lang sakin , Gusto ko lang linawin . Hindi ako galit " - Nakangiting usal niya pero naiinis padin ako sa sarili ko .
O-okay sige bumalik na tayo doon . Si Kuya na Next - Agad kong sabi at tumango nalang siya .
Naglakad kami at narinig ko ngang tinawag na ang pangalan ni kuya . Umupo na kami sa upuan namin kanina .
Ilang oras din ang nakalipas , Natapos na din ang Graduation at May Graduation Ball Daw si kuya . Kaso hindi na sila pupunta dahil nga paguusapan ang kasal nila ni ate klaire .
Naglakad na kami patungong Parking lot .
" Venice , Tita , Tito , Pre Una na ako ah " - Paalam ni Kier samin . Agad namang nagulat si Kuya .
" Hindi kaba sasama samin ? " Tanong ni kuya . Agad naman akong kinabahan . Bigla namang tumingin sakin si kier na parang may gustong sabihin .
Tinignan ko siya ng Ikaw bahala look .
" Ah Hindi na pre , Usapang pamilya yan atsaka may gagawin padin ako " Sabi niya at mukha namang desidido na si kuya sa sinabi niya . " Congratulations Pre " Dagdag niya pa .
" Sige magiingat ka pre ah ! " Sabi ni kuya sa kanya at agad naman kming pumasok sa Kotse ni dad .
Medyo nahihilo ako , Ilang Buwan nadin ang nakalipas simula nung nahospital ako .
Wala namang problema sakin pero bigla talaga akong nahihilo .
Baka gutom lang to .
Ipinikit ko ang mga mata ko at Ilang minuto din ay nawala na ang hilo ko .
After ng isang oras na biyahe ay nakarating nadin kami .
Nakita naman namin ang daddy , Kuya and Ate ni Ate Klaire kasama na dito ang 1 anak at asawa ng ate niya.
Lahat sila ay nakatingin sa gawi namin .
Nakita ko pa yung kuya ni ate klaire ay napangisi ng makita si kuya .
" Pasensiya na kayo kung pinagantay pa namin kayo " Usal ni daddy sa daddy ni Ate Klaire .
" Magandang Gabi , Napagusapan na namin na baka next week ay ipakasal na silang dalawa . " Pormal na sabi ng daddy ni klaire .
" Ano , anong next week dad ? . Baka magbago pa ang isip ni Klaire at baka napipilitan lang siya " Sigaw naman nung kuya ni Ate Klaire .
Halos lahat kami ay nagulat sa inasta niya . Nakakatakot siya . phew -,-
to be continued
YOU ARE READING
I'm His Childhood Friend [ Completed ]
Teen FictionHighest Rank Achieved #30 in Childhood Date Started : June 2018 Date Finished : Sept 2018