~ Venice POV ~
Uwian na at nauna nakong umuwi dahil nga bukas na birthday niya . Bibili ako ng Ireregalo ko sa kanya .
Nandito nako sa pinakamalapit na mall dito sa amin , Agad naman akong pumunta sa Perfume Section .
Nakita ko yung pinakamahal na pabango . Alam kong hindi siya materialistic but gusto ko lang bumawi .
Binili ko iyon at hindi nanghinayang sa pera , Dahil kikitain pa iyon .
Pagkatapos pumunta ako sa Bilihan ng damit . Napansin ko naman yung nagiisang damit na panglalaki , Ang ganda at mukhang bagay sa kanya . Kukunin ko na sana ng biglang may umagaw sakin .
" Excuse me ? " - Maarteng sabi niya sa akin . Agad naman akong napangiwi .
Bibilhin ko kasi yan , Bakit inagaw mo sakin ? - Sabi ko sa kanya at inirapan niya lang ako .
" Binalikan ko lang kasi wala akong napili duon ang cheap kasi pumili ka nalang ng damit sa kabila " Sabi niya at nainis naman ako .
Kung kailan may kukuha na , Tsaka mo babalikan , Kung matalino dapat hindi mo iniiwan ang isang bagay lalo na kung iisa lang ito . Dahil hindi lahat ng bagay pare-pareho - Sabi ko at inis na tinalikuran siya , Naghanap nalang ako ng iba at nakita ko naman ang pinakaunique na mga designs nila
Ang ganda nito at mukhang mas maganda pa nga sa nauna .
Agad ko naman itong kinuha at Binayaran na sa Counter .
Sayang dapat sana dalawa na silang binili ko . Kaso kinuha nung babae .
Nakita ko naman si Aaron ang ex ko na kasama yung kanina ? Mukhang Girlfriend niya ito .
" Venice , Long time no see " - Sabi niya at nginitian niya ako .
Busy, Kasi hehe - sabi ko at napairap naman yung kasama niya . Girlfriend mo? Tanong ko sa kanya . Agad naman siyang napatango .
" Yah . Maswerte nga ako kasi mabait at naiintindihan niya ako " Sabi naman ni aaron .
So ako hindi nakakaintindi at masama . Parang baliktad ah .
Ganun ba ? Next time bantayan mo kilos ng Girlfriend mo bago sabihan ng magagandang salita . Dahil Kapag iba ang nakasalimuha niyan daig pa yung tigre sa Zoo - Seryoso kong sabi at nagulat siya .
" Kilala mo ba girlfriend ko ? " Tanong ni aaron sakin at ngumisi nalang ako . " Babe kilala mo siya ? " Agad namang umiling ito . Ang arte amp.
" Hindi ko siya kilala babe , Ang weird niya kung anong sinasabi niya nakakatakot " Pabebeng sabi niya pa .
" Hindi ka naman pala niya kilala , Bakit ganun ka magsalita Venice ? " tanong sakin ni Aaron .
Simple lang dahil , Hindi mo siya kasama kaya nagsisinungaling siya sayo . - Sarkastikong sabi ko at Umalis na duon .
Kala mo sinong maganda tss :/
After nun nangyari umuwi nalang ako , Nababadtrip ako kay aaron . Hindi ako nagseselos ah , Nagagalit ako dahil hindi naman niya alam nagawa niya pang ipagtanggol . Shunga ka Venice malamang sa malamang kakampihan niya yun gf niya eh .
Agad ko namang narating ang bahay at pumasok na . Nakita ko naman si Kuya na matamlay padin . Sila mommy naman ay nagaayos ng kakainin .
" Sakto ang dating mo anak " Sabi naman ni daddy sakin .
Nagpaalam na muna ako sa kanilang magbibihis lang ako saglit .
pagkatapos ko umupo nako katabi ni kuya .
" Saan ka galing baby ? " Tanong ni mommy sakin .
Bumili lang po ako ng regalo para kay Kier sa birthday niya . Kayo po anong regalo niyo ? - Tanong ko kina mommy .
" Nakabili na ako ng sapatos pang basketball "
" Meron na akong biniling Jacket "
" 3 days Vacation to Pangasinan "
Gulat naman ako sa sinabi ni dad , 3 days Vacation to Pangasinan ? Wow !
Nice , Simple lang akin eh hehe - Sabi ko sa kanila at Natawa naman sila .
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano habang kumakain .
Ng matapos na kami , inalalayan ko si kuya dahil may sakit ayaw naman niyang magpaconfine dahil lagnat lang naman daw ito .
Kuya dahan dahan ang bigat mo kaya - Reklamo ko sa kanya , Tumawa naman siya .
Okay Joke Time !!
" Sorry na , Ayan salamat sa paghatid " Sabi naman ni kuya sakin . " Mukhang hindi ata makakasama bukas pakisabi nalang kay Kier ah " Habilin niya pa sakin at lumabas nako sa kwarto niya .
Pumasok nako sa kwarto ko at binalot yung regalo ko .
Sobrang Excited nako !!
Nakatanggap naman ako ng message galing sa kanya .
Message
From : Kier ❤
See you tomorrow ,
3:00 pm ❤Agad naman akong napangiti sa simpleng message niya .
Naligo nako at Naisipan kong matulog na .
Please Support my Story <3
YOU ARE READING
I'm His Childhood Friend [ Completed ]
Teen FictionHighest Rank Achieved #30 in Childhood Date Started : June 2018 Date Finished : Sept 2018