~ Kier POV ~
Tatlong araw nadin ang nakalipas simula nuong umamin ako sa kanya sa mismong birthday party ko .
Masaya ako dahil Pinayagan na niya akong manligaw . Ngayon naman ay susunduin ko na si Venice dahil Ilang Linggo nalang ay Graduation na namin . Ang bilis ng panahon .
Nandito nako sa harap ng bahay nila at bumusina naman ako .
Nakita ko naman na lumabas si Venice . Nginitian naman niya ako .
" Pasok na " Sabi niya sakin .
Aalalayan pa kita Ms . Monreal - Biro ko sa kanya at hinampas niya ako .
" Tse , Hindi na ako bata " - Sigaw niya sakin at pumasok na sa kotse ko .
Hindi naman to mabiro kahit kailan ang sungit mo - Malungkot kong usal sa kaniya .
" Sorry na " - Nakangusong usal nman niya sakin .
Ang cute mo talaga Venice .
Agad naman kaming nakarating sa school . Pinagtitingan nanaman kami ng mga tao .
" Bakit kaya sila magkasama ? "
" Sayang akala ko bf niya si aaron "
" Baka sila na "
" In fairness bagay naman silang dalawa "
Tinignan naman niya ng masama at tsaka sila nagpeace sign .
Mukhang wala siya sa mood .
Sungit , Bilisan mo diyan hatid na kita - Yaya ko naman sa kaniya .
" Mauna ka nalang kung nagmamadali ka " - Ang sungit naman neto .
Aantayin nalang kita - Sabi ko nman sa kanya .
Okay pa siya kanina bat nawala sa mood . Baka may dalaw .
" Ano titingin ka nalang ba diyan ? Tara na "- Sigaw niya sakin .
Grabe to . Nililigawan ko pa lang to ah pero mukhang under ako .
Sorry na
Nagpaalam nako sa kanya . Matapos ko siyang ihatid sa room niya .
Dumiretso naman ako sa room , Nakita ko naman yung mga kaibigan ko .
Hindi ko nalang din sila pinansin , Wala rin ako sa mood ngayon .
Wala sa wisyo ang utak ko kaya hindi ko alam kung anong itinuturo ng guro .
Bakit kaya ang init ng ulo nun , Hindi kaya duon yun sa Narinig niyang aaron ?
Pero sino namang aaron yun ?
Baka Ex niya .
Affected padin siya , Mas nasaktan ako ngayon .
Agad namang natapos ang klase at dumiretso nako sa Room nila . Napansin ko namang wala siya duon kaya agad hinanap ng mata ko kung nasaan siya .
Pero bigo ako , Wala akong nakitang Venice agad naman akong nagtungo sa parking lot at Pinaandar iyon .
Bakit ganito ka ?
Baka nga may dalaw lang .
Message :
From : Veni ❤
Sorry kanina , May dalaw kasi ako .
Agad naman akong napangiti , Kaya pala akala ko ayaw mo na sakin .
Agad ko narating ang bahay namin . Nakita ko naman sina lolo na kasama ang mga anak ni yaya . Wala akong Mood makupagusap kaya pumunta na ako sa kwarto ko .
~ Venice POV ~
After ng klase namin , Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sobrang sakit ng puson ko . Nagawa ko ng Tarayan si kier .
Naitext ko naman na siya pero hindi niya ako nireplayan . Psh -,- Baka galit .
Nandito ako sa kwarto ko nakahiga habang namimilipit sa sakit sa puson . Ayoko na huhuhu !
" Anak , Kanina pa diyan sa kwarto mo bakit ayaw mong lumabas ? " - Tanong naman sakin ni mommy . Naiinis ako bakit ngayon pa kasi umatake ito .
Mommy , Masakit po yung puson ko - Hirap na hirap na sabi ko . Agad naman niyang ibinigay yung Maliit na Paranf theater ng baby pero mainit . Ano pong gagawin ko dito ? - Takang tanong ko sa kanya .
" Ilagay mo yan sa puson mo , Hindi naman masyadong mainit yan pero maganda yan pampawala ng sakit na nararamdaman mo " Sabi sakin ni mommy at umalis na .
Agad akong naligo at inilagay ko yung binigay ni mommy .
Humiga nako sa kama at nakatulog ako .
------------------
Pagkagising ko medyo gumaan na ang pakiramdam ko at hindi na masakit yung puson ko .
Gabi na pala ang tagal ko namang tulog .
Grabe, Malapit na ang graduation namin at excited nako .
Excited nako magcollege !
Bumaba ako , Nakita ko naman si Kuya kasama si Ate Klaire .
" Venice Kamusta na ? " Tanong sakin ni Ate Klaire .
Okay naman po . - Sabi ko at tsaka Siya nginitian .
" Mabuti naman kung ganun " - Natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya .
Nagpaalam naman ako sa kanila at nagtungo sa Kusina . Naamoy ko naman yung luto ni mommy .
Wow , Chicken Curry - Sabi ko at gulat namang napatingin sakin si mommy .
" Kamusta ka na ? Yung puson mo masakit padin ba? " - tanong ni mommy at umiling naman ako .
Inihanda na niya ang pagkain at Tinawag na sila kuya .
To be continue 💕
YOU ARE READING
I'm His Childhood Friend [ Completed ]
Ficção AdolescenteHighest Rank Achieved #30 in Childhood Date Started : June 2018 Date Finished : Sept 2018