EDITED
Larry
I slowly open my eyes. Puti. Puti ang nakikita ko. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Hala! Wag naman. Ang cute ko kaya para mamatay ako.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang mga aking mata. I'm in a room pala. I move both of my arms. Bakit maraming apparatus ang naksaksak sa akin? Sa hospital ba ako? Bakit ako sa hospital? Bakit tanong ng tanong ako kung wala namang sumasagot sa tanong ko? Okay. Halata ngang nasa hospital ako pero bakit nasa hospital ako? Hmmm.
Isip
Isip
Ah! I remember! Nahimatay pala ako sa pagco-computer.
"Ayan, computer pa Larry! Laro pa ng LoL" sermon ko sa sarili ko.
Tinanggal ko na ang mga apparatus na nakasaksak sa kamay ko. Pero ang weird. Patay yung monitor. Yung ilaw lang ang umaandar. Tapos walang nakabantay sa akin na nurse, doctor, nanay, tatay gusto ko tinapay ate, kuya gusto ko kape. Joke.
Tumayo ako at pumunta sa nakasiradong pintuan. Binuksan ko ito at lumabas na.
Tahimik ang Hallway. Walang tao.
"Ang weird. Walang tao. Anong meron? Sa Silent Hill na ba ako? So ibig sabihin patay na ako!"
Nagsimula na akong maglakad sa tahimik na pasilyo ng ospital.
Scary. Ang tahimik eh.
Lakad lang ako ng lakad hanggang nakapunta na ako sa harapan ng elevator. I press the open button ngunit ayaw bumukas. I hardly press it pero ayaw talaga. Hindi siguro gumagana. Wala na akong magawa kaya sa hagdan nalang ako bababa.
Pagbaba ko sa hagdan ay wala paring tao. So sa Silent Hill na talaga ako? Pero bakit walang demonyo? Diba may demonyo tapos papatayin ako. Shocks! Pero walang demonyo. Takot ata sa ka-cuteness ko. ^_^
I search for a weapon dahil parang may mangyayari sa akin mamaya eh. Ayun, may spading fork akong nakita sa isang kwarto. Kinuha ko na ito at dali-daling lumabas sa hospital.
Pag labas ko....
O_O
<3
^_^
O^O
Is this for real? Isn't it? Isn't it? Isn't it?
May nakita din akong tao sa wakas! Ibig sabihin hindi ako sa Silent Hill! Nasa reality ako! So buhay talaga ako!
Pero ang weird. Nakatalikod siya at di gumagalaw. Di naman siya kalayuan sa akin kaya pinuntahan ko si kuya guy.
"Hello?" sabi ko sa kanya ng medyo na nakalapit na ako. Maririnig niya naman yun.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
Rawr!!
*pok*
Dahil sa gulat ko ay tinusok ko ang ulo niya ng spading fork na hawak ko. Lumabas ang maitim na dugo sa ulo nito at lumabas ang ibang parte ng utak nito. Agad kong hinugot ang spading fork at natumba ito sa aking harapan.
"Wohoooowww! Zombie! Is this for real!!!" imbes na matakot ako ay matuwa pa ako.
"Hinihintay ko ang araw na to kung saan, real life na ang mga zombie! I'm so excited!"sigaw ko.
Ito talaga ang hinihintay ko sa buong buhay ko eh. Zombie Outbreak! Why? Walang klase! Yehey. Tsaka ito din ang hinihintay naming mga gamer! Kaso ang problema, mamamatay ka sa gutom.
Naglakad-lakad muna ako kung saan may malapit na tindahan sa harapan ng hospital na to. May nakikita din akong mangilan-ngilan na zombie pero di ko ito pinapansin. Eh di nila ako pinapansin eh so walang pansinan. -.-
Tindahan Store
Kung mas weird ang kanina, mas weird pa 'tong pangalan ng tindahan na to.
Sirado ang tindahan. Pinuntahan ko nalang ito at hinanap ang pinto. Sirado din pero di naka-lock. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan dahil baka marinig pa ako ng mga zombies at sugudin ako.
Pagbukas ko ay walang tao. Agad akong pumasok at kinuha ang mga dapat kainin. Tatambay nalang ako dito pansamantala. Kakaunti nalang ang natirang pagkain. Junk Foods lang naman at may mga tubig din Hehehe.
Nang medyo nabusog na ako ay agad akong lumabas sa Tindahan Store. Naghanap ako ng motor para sakyan ko pauwi. Hahanapin ko din ang iba kong kaibigan. Siguradong buhay pa sila dahil mga masasama silang damo. Akakakak.
Palakad-lakad lang ako sa side ng kalsada upang maghanap ng motor. Wala manlang mga nag-crash na sasakyan sa gitna ng kalsada. Puro mga zombie na palakad-lakad na di alam ang pupuntahan. Di ba nila ako nararamdaman? Ganyan na ba sila ka manhid? Hugot lang?
Lakad
Lakad.
Rawr
*pok*
Gulat ako dun ah! Buti nalang mabilis ang reaction time ko at agad kong natusok sa ulo ang zombie na nasa likod ko lang pala.Hinugot ko ang spading fork sa ulo nito at natumba ang zombie sa harapan ko. Dahil sa tunog ay nagsilingon ang mga zombie na malapit sa akin. Dahan dahan silang lumakad papunta sa akin.
"1..."
"2..."
"3..."
Okay marami sila.Napangiti ako. Nagpapasalamat din ako dahil mga walkers lang sila. Agad ko silang pinuntahan at isa-isang pinagtutusok ang kanilang mga ulo. Dahil may experience rin ako sa karate at minsan na ding naging hired assassin ay mabilis kong naitumba ang mga zombie. Infairness, di sila nauubos. Parami na parami sila. May mga talsik na ng dugo ang damit ko.
Now, I really enjoy killing zombie. Kahit medyo pagod ako, ay tuloy parin. Ginusto ko to. Walang atrasan!
Tusok dito, tusok doon. Sipa dito sipa doon. Mabuti na lang ay konti lang ang mga zombie na nanggagaling sa likod ko. Mostly, doon sila nanggagaling kung saan ako nanggaling kanina.
Medyo umatras muna ako dahil sobrang pagod na ako. Tumakbo ako palayo sa mga zombies. Ang dami nila kaya. Malayo na din ang narating ko. Dahil sa sobrang pagod ay napaupo ako sa gitna ng kalsada. Pinahid ko ang mga nagtalsikan na dugo sa aking mukha. Medyo mabaho pero ang cute ko parin.
Lumingon ako at natatanaw ko ang mga zombie sa di kalayuan. So sinundan nila ako. Napatayo ako ngunit may narinig akong tunog ng motor na nangagaling sa likod ko. Agad akong lumingon at nakita ko ito na papalapit sa akin. I point my spading fork sa tao na nakasakay sa motor ng makalapit na ito sa akin. Agad niya itong itinigil at pinatay ang motor.
"Sino ka?" tanong ka sa kanya ng makababa ang misteryosong tao.
"Daheck pokpok! Buhay ka!" gulat na sabi nito at kinuha ang helmet sa ulo nito.
Napangiti ako. Ibinaba ko ang spading fork.
"Mas pok pok ka Reighn! Ahahaha" natatawang sabi ko.
------
End of Chapter 1.
Ang corny no'? Sorry naman. Akakakak.
Chapter 2 is out bukas!!! ^_^
-TheOldLarry
Check my other stories! Just go to my Profile. ^_^
BINABASA MO ANG
After Dead: Walkers (Complete)
HororBook 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ----- Genre: Hor-Com Highest Peak: #8 in Katatakutan Genre #21 in #horro...
