Chapter 2: The 5 Others

294 14 23
                                    

     EDITED



Christian


"Ew" arteng wika ng babae kong kasama.

"Ew, ew ka dyan. Ipakain ko kaya yang mga utak at lamang-loob sayo eh" naiinis kong wika kay Franz.

Nasa isang warehouse kasi kami ngayon tumatakas, tapos maraming nakahandusay na zombie. Kalat ang mga utak nila tsaka ibang parte ng lamang loob at mga maiitim na dugo.

"Dalian nyo na nga! Baka maabutan pa tayo!" mahinang sigaw Quero.

Dali-dali kaming tumakbo papuntang pintuan. Di na naman inalintana ang mga nakahandusay na zombie kahit sukang-suka na ang maarte kong kaibigan.

Two weeks. Two weeks na kami dito sa warehouse at nagtatago noong nagsimula nang kumalat ang virus mula sa India papuntang Pilipinas. Hindi ko na mahagilap ang iba naming kaibigan dahil baka maging zombie din kami. I wish not. 

Rawr

"Omg! Ayan na ang mga chaka!" natatarantang sigaw ni Franz.

*pok*

Binatukan siya ni Quero.

"Tumahimik ka nga! Baka matunton nila tayo" mahinang bulong ngunit sermon ni Quero kay Franz. Napa-roll eyes nalang si Franz.

"Guys! Labas na tayo dali!" mahinang sigaw ko sa kanila. Agad naman sila sumunod sa akin nang mabuksan ko na ang pinto ng warehouse. Agad ko naman itong sinirado pagkatapos nilang lumabas.







"Really?"

I heard Franz exclaimed.

Agad akong napalingon.

There are hordes of zombies outside the gate. Saan naman nanggaling ang mga ito at ang dami nila?



"Paano tayo makakatakas yan? Alangan namang babalik tayo ulit sa warehouse? Paubos na rin ang mga pagkain natin sa bag. Paano na yan?" nababahalang wika ni Quero.

"Sa likod nalang tayo dumaan. Mas kakaunti yong mga zombie doon kesa sa gate" suggest ko.

"Arggg! Tutusukin na naman natin ang ulo nila? Argg! That's gross. Again" maarteng reklamo ni Franz.

"Edi lumipad ka!" sarkastikong wika ni Quero at agad umalis papunta sa likod ng warehouse. Sumunod na ako sa kanya pati si Franz. Eh sa wala siyang magawa.





******







  Reighn





Nandito ako ngayon sa loob ng bahay ni Larry. In fairness, sa higit walong taon naming pagkakaibigan simula pa nong 2nd year high school ay hindi pa ako nakatungtong sa bahay ni Larry.



"Ang cool ng bahay nyo Larry ah? Too much secured. I wonder why?" namamangha kong wika.



"Seriously? Wala talagang tao dito sa bahay? Saan naman sila pumunta?" bigla nitong sabi.

Okay. Di niya sinagot tanong ko. Inignore niya ang beauty ko! T_T



"Reighn, tara nga sa kwarto. May kukunin lang ako" wika ni Larry at agad nang umakyat sa hagdan. Sumunod na lang ako.







Larry





"We're safe here. Hope na safe kayong magkakaibigan na makakarating dito sa Wall Island, Larry" basa ko sa nakasulat sa sticky note na naka tampal sa pintuan ng aking kwarto. It was my mom who wrote this note.

After Dead: Walkers (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon