Chapter 7: The Last Checkpoint

105 10 27
                                    

EDITED


  Mary May



"Ate, may pagkain pa ba diyan tayo? Nagugutom na kasi ako eh" wika ng aking kapatid na kakagising lang.


"Doon sa drawer, may biscuit pa doon. Isa lang kunin mo hah? Kailangan nating magtipid" sabi ko sa kanya at agad niya naman itong sinunod.


Nang magsimula ang outbreak ay di na kami umalis dito sa bahay na magkakapatid. Wala si mama at papa kaya bilang panganay sa aming pamilya, responsibilidad kong alagaan ang aking mga kapatid.


Halos tatlong linggo nadin kaming hindi lumalabas sa bahay. Paubos na ang supply ng pagkain dito sa bahay. Puro mga babae kasi kami at takot na makain ng zombies sa labas dahil sa kahinhinan. 


Sana may dumating na tulong.


Hindi kami mamamatay sa zombies kundi mamamatay sa gutom. Napaiyak na lang ako ng tahimik.


Third Person


"Saan ba tayo pupunta?" naantok na tanong ni Aldred kay Larry.


Halos walong oras na kasi silang nagdra-drive sa tahimik na kalsada.


"Sa medyo safe na lugar. Basta! Kung magdidilim na ay hahanap nalang tayo ng matutuluyan. Wala pa akong naisip" paliwanag ni Larry.


Napatango lang si Aldred at tumingin sa labas. Tinitingnan ang mga zombies na parang lasing lumakad at naghahanap ng biktima. Kaso wala.


Ang ibang kasamahan nila ay naglalaro ng games sa kanilang cellphone. Ang boring nga daw kaya ito nalang ang pampalipas oras nila


Si Ron at Sic naman ay patagong gumagawa ng *ahem*. 


Si Reighn ay natutulog sa balikat ni Patrick habang hinahaplos ang buhok ng natutulog nitong nobya.


Tahimik ang buong biyahe hanggang sa dumilim na.




**********



"Guys! Gising!" panggigising ni Larry sa natutulog nitong kaibigan. Agad naman silang gumising at kinusot ang mga mata.

"Guys! I think dito nalang tayo titira pansamantala sa subdivision na 'to. Mukhang walang namang taong nakatira dito eh" sabi ni Larry sa kasamahan niya.


"Lumabas ka ba chineck ang paligid?" tanong ni Patrick sa kanya.


"Hehe di pa. Pinarada ko lang ang sasakyan dito sa harapan ng malaking gate" sabi nito.


"Oh. Ano pa ang hinihintay natin? Lumabas na tayo at buksan ang gate!" excited na sabi ni Reighn.

After Dead: Walkers (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon