Finale: The Agony of Death

83 8 9
                                    

EDITED


A/N: This is how the Book 1 Ends :'(

*****

Larry

Patuloy lang kami sa pakikipaglaban sa mga zombies ng isa sa amin ay biglang sumigaw.

"Lovely Joy!" rinig kong sigaw sabay putok ng baril.

Napalingon ako at nakita ko si Lovely Joy na nakahiga at sa paanan nito ang zombie na hindi na gumagalaw. Dali dali akong pumunta sa pwestuhan nila.

"What happen?" nag-alala kong tanong.

"Bigla siyang sinunggaban ng zombie! Buti nalang at naagapan!" sagot sa akin ni Reighn.

"Paano nangyari yun?" taka kong tanong.

"May mga zombies kasi na mabilis lumakad at malakas kesa sa mga Walkers. Marami sila!" si Eros.

Napatingin ako sa likuran at nakita ko na binabaril ni Dae at Patrick ang mga zombies na lumalakad ng mabilis. Ang iba kong kasamahan naman ay mga walkers ang puntirya nila.

"Are you ok? Nakagat ka ba?" nag-alala kong tanong kay Lovely Joy.

"Ah eh o-okay lang ako. Di ako nakagat" nakita kong nakagat-labi siya.

Tumango ako.

"Mauna na kayo! Eros maiiwan ka, just back up me. We will distract the zombies. Dumiretso lang kayo at kapag may nakita kayong daan pakaliwa ay pumunta kayo doon at kapag nakita nyo na ang asul na bahay ay pumasok agad kayo at hintayin nyo kami!" pag-iinstruct ko sa mga kaibigan.

"But-"

"No buts! Just follow my instruction! Alalayan niyo si Lovely Joy! Hindi natin alam kung may mabibilis na zombies papunta sa sinasabi kong bahay. It's better na kayo Pat, Reighn at Dae ang offense and defense! Okay lang kung dalawa lang kami ni Eros na maiiwan dito! Kaya namin to!" putol ko sa sasabihin ni Reighn.

Hindi na sila nagsalita at inalalayan si Lovely Joy. Narininig ko nalang ang pagtakbo nila at putok ng baril. Kami nalang ni Eros ang naiwan dito.

"May tiwala kami sa inyo!" huli kong narinig mula kay Aliah.

"Are you ready?" tanong ko kay Eros.

"As always!" nakangiti nitong sagot at pinagbabaril sa ulo ang mga zombies na nasa likuran ko lamang.

Agad akong pumunta sa nagkukumpulan na mga zombies. I swing my katana sa mga zombies at nagsigulong ang mga ulo nila at natumba.

Naririnig ko parin ang putok ng baril habang ako naman ay walang sawang pinagpupugutan ang ulo ng mga zombies gamit ang aking katana.

Napagdesisyonan namin na patayin ang mga zombies habang lumalakad sa daan para mapadali ang pag-punta sa asul na bahay.

Napalingon ako kay Eros at nakita ko ang tatlong zombies na mabilis lumakad papunta sa kanya. Hindi niya ata ito napansin dahil patuloy siya pagbabaril sa harap nito. Mabilis naman akong pumunta sa pwestuhan niya at isinawasiwas ang aking katana sa leeg ng mga zombies. Tumalbog ang ulo nito at natumba.

"Thanks" pasasalamat nito sa akin. Tumango lang ako.

"Tumakbo na tayo para makapunta tayo agad sa safe house!" saad ko sa kanya at mabilis na tumakbo.


Third Person



Patuloy lang sa pagtakbo ang grupo. Baril doon, baril dito. Hampas doon hampas dito sa tuwing nakikita nila ang mga zombies na papalapit sa kanila.

After Dead: Walkers (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon