EDITED
Happy Swift Day!!!
Larry
Hindi nga ako nagkakamali. Naabutan na naman kami ng dilim sa daan. Pinarada ko nalang ang sasakyan malapit sa isang bahay. Wala namang mga zombies na nakapalagid dito.
"Guys! Gising na! Mag-oovernight ulet tayo!" panggigising ko sa natutulog kong kasamahan.
Alangan namang buong gabi ako magdra-drive? Haler? Tao din ako. Inaantok din. Tsaka ako lang ata ang may alam papuntang Tugegarao. Kaiyak. -_-
"Sa Tugegarao na ba tayo?" tanong sa akin ni Reighn habang humihikab pa.
"Wala pa! Gabi na. Bukas na bukas na talaga at makakapunta din tayo sa Tugegarao. Sa ngayon ay mamalagi muna tayo sa nakita kong bahay"mahaba kong sagot.
Napatango nalang sila at tuluyan bumaba. Nakiramdam din sila sa paligid dahil baka may susulpot na zombies.
"Yehey! Hindi nakalock ang gate!" masiglang sigaw ni Aliah sa amin na nasa harapan na pala ng gate.
Tumingin ako sa kinaroroonan niya at aakmang bubuksan ang gate.
"Wag!" pagpigil ko sa kanya.
Lumapit ako sa gate at inihanda ang katana.
"Baka may zombies sa loob. Di ka pa naman handa" sabi ko sa kanya at dahan dahang binuksan ang gate.
Di nga ako nagkamali. May dalawang zombies ang nakatayo at handang sunggaban ang sino mang bumukas ng gate.
Mabilis ang naging reaction time ko at agad kong pinutulan ng ulo ang dalawang zombies. Gumulong ang ulo nila at napaatras ako dahil matutumba sila sa harapan ko.
"Oh my gosh!" rinig kong bulalas ni Franz.
"Makiramdam kayo guys! Delikado pag madilim. Gamitin nyo ang flashlight ng phone nyo. Baka may mga zombies pa dito" pagpapa-alala ko sa kanila.
Nang masigurado na wala ng zombies sa paligid ay dahan dahan kaming pumunta sa pintuan ng bahay. Mahahalata mong mayaman ang nakatira dito dahil may balkonahe sa harap nito at fiber glass ang bintana. It has also a second floor.
"Dae, alam mo na ang gagawin mo" tumango lang siya at pumunta sa pintuan.
Ipinihit niya ang doorknob ngunit nakalock ito dahil hindi mabuksan. Agad niyang kinuha ang hairpin sa buhok niya at kinalikot ang keyhole. Nanonood lang kami sa ginagawa niya.
Binuksan agad ni Dae ang pintuan ng mai-unlock niya ito. Nakita namin na sobrang dilim ng bahay. Nakita kong may kinapa si Dae sa pader ngunit nakita ko siyang napasimangot.
"Again?" Aldred said furiously.
Hays. Wala na namang kuryente.
Pumasok na lang kami sa bahay. Gamit ang flashlight mula sa cellphone, inilawan namin ang kabuuan ng bahay. Narinig kong may sumirado ng pinto.
"Woah! Ang ganda ng bahay!" namamanghang wika ni Quero.
"Mas maganda ako" biglang sabi ni Franz.
Ayan na naman. May magbabangayan na!
"Cute ko talaga" si Aldred.
"Dyosa at sexy ako" sabat ni Reighn.
"Mas cute ako!" si Yanna naman.
"Cute ka kasi pandak ka! Haha" tukso sa kanya ng ate niyang si Margaux.
BINABASA MO ANG
After Dead: Walkers (Complete)
TerrorBook 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ----- Genre: Hor-Com Highest Peak: #8 in Katatakutan Genre #21 in #horro...