Chapter 12: Someone's P.O.V.

82 9 6
                                    

EDITED


Larry

Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog. Sino naman itong yumuyugyog sa akin?

"Larry! Wake up! Kailangan na nating umalis!" boses iyon ng lalake.

Iminulat ko ang aking mata at nakita ko na si Ron pala ang yumuyugyog sa akin.

"Anong oras naba?" naantok kong tanong habang kinukusot ang aking mata.

"7:23 AM" sagot nito.

Inilibot ko ang aking paningin ng buong sala at nakita ko ang mga kaibigan ko na naka-impake na sila.

"Kanina paba kayong gising?" tanong ko sa kanila.

"Yup! Kanina ka pa nga namin ginigising kaso ayaw mong magising" sabat ni Reighn.

"Ah ganun ba? Magbibihis muna ako"

Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto kung saan natulog ang mga lalake kagabi.

Sinarado ko na ang pinto at naghanap ng T-Shirt sa kwarto.

May nakita akong plain na black sa loob ng closet kaya agad kong kinuha iyon. Di ako interesado sa ibang T-Shirt na nasa loob ng closet dahil may mga design ito. Gusto kasi ang plain lang na color ng T-Shirt except kung si Taylor or si Thomas ang design sa T-Shirt. Hehe.

Hinubad ko na ang marumi at madugo kong white shirt at itinapon sa sahig at isinuot ko ang itim na T-Shirt.


Bago ko paman naipasok ang T-Shirt sa aking katawan ay napasulyap ako sa malaking salamin na nasa harapan ko lamang. Ngayon ko lang napansin na may salamin dito na katabi ng closet.


I can't help but I stared myself in the mirror. My body to be exact.


Napahawak ako sa naghilom na sugat sa aking tagiliran. I do remember what happened kung bakit meron akong sugat sa aking tagiliran.

I breath out a deep sigh.

Isinuot ko na ang T-Shirt na sakto namang bumukas ang pinto kaya napalingon ako at nakita ko si Franz na nakabusangot.

"Tapos kana? Akala ko ba kailangan nating magmadali?" bungad nitong saad sa akin.

"Actually palabas na ako" sabi ko sa kanya at humakbang palabas. Agad naman sumunod sa akin si Franz.

"Lalakeng-lalake ka diyan sa black T-Shirt mo Larry ah!" natatawang sabi ni Quero.

"Oo nga! Pwede tayong mag-threesome!" biro ni Ron.

"Yak! Bibig mo Ron!" saway ni Aliah.

"Buang! Penge ngang tubig!" Nauuhaw kasi ako.

Agad akong binigyan ni Reighn nang bottled water. Girl's Scout lang ang peg?

"Tara na!"

Isinauli ko ang bottled water kay Reighn at sabay na kaming lumabas ng bahay. May laman pa naman yun. Kailangan magtipid dahil mahaba ang biyahe at baka mauhaw pa sila.

Nang makapasok na kaming lahat sa sasakyan ko ay agad kong inistart ang engine.

"May naiwan pa ba kayo sa loob ng bahay?" tanong ko sa kanila.

"Nope"

"Wala na!"

Lumingon ako sa likuran at nakita ko na prente silang nakaupo. Tinanguan ko lang sila.

After Dead: Walkers (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon