Beth
Tinulungan kami ni Allie na makabangon ni tatay. Dahil sa nangyari sa Kalinga, kinailangan ni tatay na iwan pati ang bukod namin.
Nagtrabaho siya sa flower farm ni Khaleesi, at ako naman, tinutulungan ko si Allison sa shop niya. Naging kaibigan ko na din si Saint, Nash at Melba.
Anim na buwan na buhat ang sunog, hanggang ngayon napaparanoid pa rin ako. Pinagupitan ko na ang mahaba kong buhok, baka sakaling hindi na ako makilala ng mga tauhan ni Governor.
Sinubukan ko lang namang tumulong. Hindi ko naman alam na sinalvage pala nila Gov ang naghihingalong tao na tinulungan kong mabuhay. Nakita ko ang duguang tao sa gilid ng daan papasok sa daanan namin.
At ang masaklap sa ginawa ko, tinuro ako ng taong tinulungan ko at sinabing binuhay ko daw siya. Sigurado na raw siyang patay na siya. Doon nagsimula ang chismis na mangkukulam ako. At si Gov ang nagsulsol sa mga tao na sunugin ako ng buhay.
Mabuti na lang at tinulungan kaming makatakas ng mga kaibigan ni Allison.
"Beth..." Nadinig kong may tumawag ng pangalan ko sabay may kumalampag.
Nagulat ako at inambang ibabato ang hawak kong bote ng langis sa pintuan.Napataas ang kamay ni Nash na may dalang stainless na tasa. Naningkit ang mata ko dahil sigurado akong sinadya niyang ihampas sa pintuan ang tasang dala niya.
"Manghihingi ka na naman ng kape..." Bungad ko sa kanya. Buhat ng nagkaroon ng coffee machine dito sa shop ayon kay Melba, lagi daw nanghihingi si Nash ng kape.
Si Nash ang assistant ni Saint sa tattoo shop nila sa kabila. Puno ng tattoo si Nash sa katawan.
"Sasabihin ko na yan kay Allison." I told him.
"Huwag naman. Eto, parang kape lang." Parang siya pa ang may ganang magalit sa akin.
"Hoy, alam mo ba ang salitang abusado? Si Saint nagbibigay ng coffee beans. Ikaw, wala ka ng ibinigay, every two hours ka pang manghingi ng kape. Tapos ikaw pa ang may ganang manumbat ng parang kape lang." Bulyaw ko sa kanya. Napakamot ng ulo si Nash."Palit tattoo na lang." Sabi nito. Pumunta na siya sa coffee machine at gumawana ng kape nila ni Saint.
"Namo... Puro ka libre." I replied to her."Sa sweldo ko, labas na lang kita." Hirit ni Nash. I rolled my eyes.
"Pasuin kita ng kape eh. Ihihirit mo na naman yang date na gusto mo." Pangbabara ko sa kanya.
"Oh, ayaw mo naman. Kapag inaaya ka, ayaw mo."Dumating si Allison kaya nagmamadali si Nash sa pagtimpla ng kape niya.
"Nandito ka na naman." Sita ni Allison kay Nash.
"Grabe kayong magpinsan. Parang ang laki ng kasalanan ko sa inyo." Sagot niNash.
"Talagang malaki, Nash." Allie replied.
"Sorry na Allison. Tagal na nun eh. Hindi na kita ibubuko sa boyfriend mo." Sumagot pa ang gagong Nash bago lumabas ng shop."Nakasimangot ka Allie." Tanong ko sa kanya.
"Nasa Batangas daw si Carlos ngayon." She started.
"Ah...don't tell me pinaghihigpitan mo si Carlos na lumabas."
"Hindi... Ano ka ba... Pinuntahan nila si Jon. Nag-aalala lang ako." She replied.Si Jon... si Jon na sobra ang galit sa akin?
"Ano ang problema ni Jon?" Tanong ko.
Huminga ng malalim si Allie. "He lost his sight... permanently." Sagot nito.
Napanganga ako sa sinabi ni Allison.
"Bakit? Naaksidente?"
Umilign si Allison. "Something on his eye nerve. Hindi ko maintindihan eh. One in a billion ang case niya."Whoaaahhh... Kahit saksakan ng sungit sa akin si Jon, never ko naman hiniling na may mangyaring masama sa kanya. I remember his eyes... Light brown yun at sa tuwing nasisikatan ng araw, makikita ang ilang pigment of green. I remember his smile, not that he is smiling at me. But his smile is kinda... hot.
Well, sayang ang mga mata niya. Maganda pa naman.
BINABASA MO ANG
Elizabeth: Love that Heals (Completed)
RomantikAegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sight. Then everything stops for him when his world turned dark. All that was left for him is his memori...