Chapter 17- The Sunset

12.8K 337 13
                                    

Jon

"Beth, pakikuha mo nga yung shades ko."
"Magmumukha kang bulag sa shades." Sagot nito.
I acted like I don't see her. Nang-iinis pa 'to.
"Sige na... Nasa drawer. Pili mo ako doon."

Nakita kong binuksan ni Beth ang mga drawer hanggang sa nakita niya ang drawer ng shades.

"Aanhin mo ang maraming shades?" Tanong niya. Humarap siya sa akin at may dala ng aviator na shades. Sinuot niya sa akin ito.
"Aba, infairness pwede kang model ng shades."
I snorted so I can hide my laugh.
"Ahitan mo ako."
Ngumisi si Beth. Nakikita nya kaya ang mga mata ko?
"Hindi ka natatakot na ahitin ko yang kilay mo?"
"Subukan mo lang." Sagot ko. Tumatawang inakay ako ni Beth sa toilet. Kumuha siya ng isang chair at pinaupo ako doon. Tinanggal ni Beth ang shades na suot ko.

Nilagyan ako ni Beth ng shaving cream bago sinumulan ang pag-aahit. Her face is so near to me, I can see her long lashes.

"Huwag kang malikot, Jon." Bawal niya sa akin.
Hindi yata ako nakahinga ng maayos dahil natawa si Beth when I exhale deeply ng matapos siyang mag-ahit sa akin.

"Natakot ka ahitin ko ang kilay mo noh."
"Knowing you, half meant yang joke mo na yan." I replied.
Tumawa siya. "Akalain mo, kamukha mo pala ang daddy mo. Mukha ka ng tao ngayon."

"Hanap mo ako ng ibang shades. Yung sporty." Binigay ko sa kanya ang aviator na shades.
"Bakit kailangan mong magshades?" Tanong niya habang namimili sa drawer.
"Ayaw kong tinititigan ang mga mata ko." I replied.
"Paano mo nalaman kung may nakatitig sayo?"
"Nararamdaman ko." Sagot ko.

Binigay ni Beth ang Oakley na shades sa akin at isinuot ko. Tamang-tama ang binigay niya dahil hindi makikita ang mata ko dito. It is dark to see my eyes but still comfortable enough.

I tried to act like I still can't see. Medyo OA na nga minsan. After ng training namin ni Macky, dating gawi kami ni Beth. Minasahe niya ako after maligo at nakatulog ako pagkamasahe niya.

That afternoon, nagising ako bandang alas tres ng hapon dahil nakikita ko na ang wall clock. Pero ang medyo malabong paningin ko kanina, malinaw na ngayon.

What the hell happened to me? I was diagnose with this disease and even the specialist from US and UK can't save my sight. Paanong nakakakita na ako ngayon?

Dahan dahan bumukas ang pintuan. I tried to focus on tv infront of me.

"Oh, good gising ka na." Ang sabi ni Beth. It's hard not to look at her but I still focus on tv.
"I saw this white cane sa pharmacy kanina. I know you don't like to look like you're blind pero makakatulong sayo 'to para hindi ka mabangga kapag naglalakad ka."
I tried not to blink. "Thank you." I replied.
Out on my peripheral vision I saw her exhale. She looked nervous giving me that stick.
"Okay sige... Gusto mo na bang kumain?"
Tumango ako. Lumabas si Beth ng kwarto at naiwan akong mag-isa.

Pumunta ako ng banyo at inayos ko ang sarili ko. Sinuot ko ang shades na ginamit ko kanina na nakalagay sa bedside table at kinuha ang white stick na bigay ni Beth.

Ngayon pa ako nagmukha bulag kung kailan nakakakita na ako. The irony of life.
Lumabas ako ng kwarto, pretending I am still blind.

At dahil may stick na ako, nagyaya si Beth na maglakad sa labas ng bahay ng papalubog na ang araw. Mas mahirap pa lang magpretend na bulag kaysa sa totoong bulag.

"Jon, hindi hinahampas sa lupa yang stick. You try to glide it smoothly." Mahinahon akong tinuruan ni Beth kung paano gamitin ang stick.
Naupo kami sa ilalim ng puno. Nakatanaw si Beth sa taniman.
"Ano ang iniisip mo?" I asked her.
Napatingin si Beth sa akin. "Tahimik mo bigla." Dugtong ko.
"Iniisip ko si tatay. Kung nakatawid na siya sa kabilang buhay." Sagot nito.
"Di ba kapag namatay, tumatawid naman talaga sa kabilang buhay." Not that I know that, but my mom said she died and went back to life.
"Si lola hindi pa tumatawid. Nakikita ko pa siya paminsan-minsan." Sagot nito.
"Nakikita mo ba ang tatay mo?"
Umiling si Beth. "Hindi. Kaya siguro nakatawid na siya." Pasimpleng pinunasan ni Beth ang isang luhang kumawala sa mata niya. Pilit siyang ngumiti.
"Ang ganda dito noh." Iyon din ang sinabi niya sa akin dati.

I thought she is a happy person na hindi man lang nagdalamhati sa pagkamatay ng tatay niya. Now I see she's trying to be happy despite the reality that she is an orphan now.

"Life is still good to us dahil buhay tayo. Yung iba, hindi na nakikita ang paglubog ng araw gaya ng nakikita natin ngayon." I heard her chuckled. "Ako lang pala ang nakakakita."

Hindi ako kumibo. Habang tinitingnan ni Beth ang sunset, tinitingnan ko naman siya sa likod ng shades ko.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon