Chapter 16- Miracle

12.7K 359 10
                                    

Jon

Lintik na Beth yun. Nakakabwisit. Iyon pa talaga ang binasa. And her voice... damnnnnnn... her voice was fucking sexy when she made that sound... That sound when supposedly Ana breathe during their oral sex scene.

Hindi tuloy ako masyadong nakatulog.

"Rise and shine..." And speaking of the she-devil. Hindi na naman siya kumatok.
"Dadating na si Macky. Bumangon ka na."

Binuksan ni Beth ang mga bintana kaya nakita ko na naman ang mga malalabong kulay. Para akong may kausap na bata kay Beth sa sobrang kulit. Ayaw akong iwan sa kwarto.

"Hi Macky." Bati ni Beth kay Macky pagpasok namin sa gym.
"Hi Beth. Ang ganda ng boses mo sa phone." Sagot ni Macky.
Tumawasi Beth. "Sa phone lang?" Tanong nito. Seriously? Nandito ako. Sa tangkad ko na 6' hindi nyo ako nakitang nakatayo dito?
"Tapos na kayong magpacute sa isa't-isa?" Naiinis na tanong ko.
"Hindi pa." Sarcastic na sagot ni Beth. "Pagpatuloy na lang namin mamaya." Dagdag pa niya.
Natawa ng bahagya si Macky.
"Sa library lang ako kung may kailangan kayo." Paalam nito bago kami iwan.

"Saan mo nakuha yung nurse mo na yun?" tanong ni Macky sa akin.
"Pinsan ni Allison. Yung girlfriend ni Carlos." Sagot ko.
"Ahhh... Magpinsan pala sila. Sa bagay, pareho sila ng mata ni Allison." Sabi ni Macky. Hindi ako kumibo.
"Maganda siya ah." Sabi ni Macky.
"Si Allison. Maganda nga siya." I replied.
"Si Beth yung tinutukoy ko." Macky replied.

Si Beth?! Hindi ko matandaan ang itsura niya. Huling kita ko sa kanya, nung hinatid namin siya sa Kalinga. Nang habulin kami ng itak ng tatay niya.

Pagkatapos namin sa training ni Macky, sinamahan ako ni Beth sa kwarto ko. Minasahe ako pagkatapos kong maligo at nakatulog na naman after ng masahe na iyon.

Naging routine namin ni Beth ang ganun, gym, tulog, tapos magbabasa siya sa gabi. Pinabalik ko sa kanya ang fifty shades sa library. Napagsabihan pa ako ng pikon.

Everytime na gigising ako, lumilinaw ang mga kulay na nakikita ko. I haven't told anyone what is going on with me. I remember what Rome told me. Beth cured Zoey... Tinawanan ko lang siya. Ang sabi ko, mga doctor ang nagpagaling kay Zoey hindi si Beth. I don't believe in magic, I believe in science.

"Jon, masahe na kita?" Tanong ni Beth sa akin that night. Naaninag ko siya. Nakatayo siya sa may pintuan. Hindi nga lang malinaw but I can see her standing there.
"Nasaan ka ba?" Tanong ko.
I saw her silhouette moved hanggang nasa tapat ko na siya.
Pumuwesto si Beth sa likuran ko.
"Nawiwili ka yata sa library."
"Yeah. Ang ganda ng mga libro doon eh." Sagot niya.

Nagsimula ng magmasahe si Beth. At sa tuwing matatapos siyang magmasahe, inaantok ako. Kahit anong pigil ko, inaantok ako. At sa tuwing hihilahin na akong antok, nararamdaman ko ang mainit niyang kamay sa mga mata ko.

Kinabukasan, nagising akong naaaninag ko na ang lahat. Hindi pa malinaw na malinaw pero nakikita ko na ang tv sa harapan ko. Ang comforter na nakakumot sa akin. Hindi ako makapaniwala. Hindi man malinaw pero nakakakita na ako.

Biglang bumukas ang pintuan ko.

"Uy, gising ka na." I heard Beth's voice. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha niya. Hindi ako kumurap. Binuksan ni Beth ang bintana. Napuno ang liwanag ang kwarto ko.
"May masakit ba sayo Jon? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Beth. Lumapit siya sa akin at yumuko para magtapat ang mukha namin.
Sinalat niya ang noo ko. "Okay ka lang ba?" Nag-aalala ang mukha niya. Morena si Beth. Itim ang mata gaya ng kay Allison. Itim din ang buhok niya na lagpas balikat. Naaaala ko, mahaba ang buhok niya dati.
"Jon?! Okay ka lang?" tanong ulit ni Beth. Nawala ang ngiti niya.
Tumango ako. Dahan dahan akong tumayo. Inalalayan niya ako.
"Kaya mo ba?" Tanong niya.
"Kaya ko. Pakiayos mo nalang ang almusal ko sa dinning area. Balikan mo nalang ako."
"Okay sige."

Mabagal akong lumakad papunta sa toilet at isinarado ang pintuan.

Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang mukha ko na hindi ko nakilala. Shit...nakakakita na ako.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon