Chapter 31- Patigasan ng Ulo

16.2K 397 32
                                    

Jon

Sanay akong nakukuha ang mga gusto ko sa buhay. So when we can't find Beth, I felt helpless and scared. Kahit successful and naging operation nila Gab kay Gov at nakakulong na ito, hindi pa rin namin makita si Beth. I almost killed the guy that he hired to kidnap Beth pero hindi pa rin ako nakuntento.

When she walked out from the library at nakuha pa nyang magbiro, I lost my temper. Hindi ko na napigilang bitbitin si Beth para sakalin sa mga kalokohan niya.

But when she cried, parang merong malamig na tubig na bumuhos sa akin. She really didn't mean to scare me, I know.

And then I kissed her and she let me kiss her. And my feelings for her is not attraction anymore that is for sure. It grew without me even realizing it. It grew each day when she took care of me. Each day she made me laugh and angry and annoyed and happy at the same time. She is in my heart where she rightfully belongs.

"Well, if kissing you can shut your sassy mouth, then I am happy to oblige, Beth."
"You kissed me." She said. Her lips are slightly open. There is still moist from our kiss.
"Uhmm.. you want to try again?"
"That was my first." She blinked her beautiful eyes. A smile creeps on my face.
"I'm glad to hear that." I kiss her again and release her.

"You are free to stay in my room. Kakausapin ko lang sila sa labas." Pinilit ko lang talagang iwan si Beth sa kwarto ko. I don't want to leave her... Never again... Mamamatay ako sa pag-aalala sa babaeng yun.

"Napalo mo na?" tanong ni Rome sa akin ng bumalik ako sa sala. Naiiling na lang ako dahil nakangisi sila. Of course they know how I feel for Beth. Hindi ko man sabihin yun, alam nila yun.

"Jon..." Nadinig kong sigaw ni Beth mula sa kwarto. Napatingin ako sa langit at humingi ng mahabang pasensya. "Ano ang nangyari doon sa dalawa?"

Natatawa ang mga kaibigan ko ng lumitaw si Beth sa hallway.
"Ang kulit mo talaga." Ang sabi ko sa kanya. Suko na ako.

Kinabukasan, dumating si Saint at hinahanap si Beth. Gusto ko man pagsaraduhan ng pintuan si Saint, lumabas naman si Beth ng kwarto niya at nakita si Saint sa pintuan.

"Hi Saint." Masayang bati ni Beth. Ni hindi ako ngitian man lang. Dinaanan lang talaga ako.
"I heard what happened yesterday. Okay ka lang?" Tanong ni Saint kay Beth.
"Okay lang." Sagot ni Beth.

Mag-uusap tayo mamaya diyan sa pagiging friendly mo, Elizabeth.

"Baka gusto nyong pumasok sa bahay?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
I saw Beth glare at me and I glare at her back. Umupo sila sa sala at umupo rin ako.

"Jon... Wala ka bang gagawin?" Tanong ni Beth.
"Wala." I replied.
Naglilipat-lipat ng tingin si Saint sa aming dalawa ni Beth. Nangingiti ito.
"Mag-uusap kami ni Saint."
"Ano ba ang pag-uusapan nyo at gusto mo pa akong paalisin?" I glare at Saint.
"Teka lang..." Tinaas ni Saint ang dalawang kamay niya.
"Ayaw kong maipit sa inyong dalawa. Mabuti pa, umalis na ako." Tumayo si Saint.
Sabay kaming nagsalita ni Beth.
"No." Sabi ni Beth
"Mabuti pa nga." I said.
Tumawa si Saint. "Beth, alam ko yang ginagawa mo. Gusto mo akong mapatay?"
"Sige pre. Hindi ako kalaban. Aalis na ako." Umiiling-iling si Saint na lumabas ng bahay.

"Elizabeth."
Tiningnan ako ng masama ni Beth. Aba, siya pa ang galit.
"Pinaalis mo si Saint." Sabi nito. Nagdadabog na pumasok sa kwarto niya.
Sinundan ko si Beth at iniharang ang kamay ko bago nya pa maisarado ang pintuan.

"Gusto mong mapahamak si Saint? Sige ipagpatuloy mo yang kalokohan mo." I warned her.
"Hindi ko alam yang sinasabi mo." Sagot ni Beth.
"You are deliberately making me jealous." Sagot ko sa kanya.
God, this woman si making me insane.
Naitikom ni Beth ang bibig. Ay, ang galing. Kunwari hindi niya alam ang ginagawa nya.
"You are using Saint to make me jealous and its working. And I don't like it, Beth. One thing you must know, I am possessive of what is mine."
"Ha?" Nawalan na naman ng sasabihin si Beth.
"You...are...mine." There, I said it.
Namewang si Beth. "Nanliligaw ka ba?"
"Nagpapahalik ka ba sa hindi mo boyfriend?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Hindi." Mabilis na sagot ni Beth.
"So ano tayo?" Tanong ko ulit.
She shut her mouth again.
"Jon, I want to have a life."
"You can have it with me. Pinipigilan ba kita?"
"I want to work... I want to go out..."
"Then work and go out, Beth."
"Hindi mo ako pipigilan?"
"Why will I do that?" I asked her.
"You can be whatever you want to be... I won't change you. Heck, if you want to be a full time witch, ibibili pa kita ng malaking kawa."
Pinanlakihan ako ng mata ni Beth. "Hindi ako witch."
"Well, mukhang ginayuma mo ako because I can't stay away from you." I replied.

Tumawa si Beth. Tumawa pa talaga siya!!!
"What if, I want to work in New Zealand?"
Hala, ang kulit nya talaga.
"Kung gusto mong pumunta doon sa lugar na mas marami pa ang baka kay sa tao, susundan kita." Sagot ko sa kanya.
"Jon... Nandito ang family mo. Ang negosyo mo..." Simula ng litanya ni Beth.
"Pero kung aalis ka? What's the point of staying?" I asked her.

"Ayaw mo ba sa akin? So our kiss last night didn't mean anything? Your poems about me? Your stolen pictures on your phone? Don't deny this."
Beth wanted to say something, but she shut her mouth. Alam kong mananalo ako sa patigasan ng ulo naming dalawa.
"Fine... Pero manligaw ka." She throws her hands in the air like she suddenly surrender.
I hugged her...tight...dahil ayaw kong bigyan siya ng space para itulak nya ako.
"Nagpapahalik ka ba sa hindi mo boyfriend?" Inulit kong tanungin.
"Hindi." She replied. But she hugged me back.
Bumitaw ako kay Beth, I looked into her dark eyes that full of mischief and I kiss her.

"So, ano nga ulit tayo?" I asked her after that kiss.
"Madaya ka." She answered and I kiss her once more.
I chuckled. I will never have a dull moment with my girl... Never.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon