Chapter 5- Sunog

11.6K 356 13
                                    

Beth

"Tay, okay ka lang?" Tanong ko kay tatay. Nakahiga siya sa sala at halatang masama ang pakiramdam.
"Okay lang. Umalis ka na kung aalis ka at ng makapagphinga ako ng maayos." Sagot nito.

Anim na buwan na kaming nakikituloy kay Allison. Wala kaming naisalba kahit ano mula sa sunog sa Kalinga. Pati ang bukid namin hindi namin napakinabangan. Hindi din kami makabalik doon hanggat nagkalat ang mga tauhan ni Gov.

"Okay sige. Babalik din ako agad. Kukuhanin ko lang ang mga bulaklak sa taniman. Baka sakaling nandoon si Khaleesi." I replied.
Hindi kumibo si tatay. Pumikit lamang ito at hindi na ako pinansin.

Katabi ng bahay ni Allison ang farm ni Khaleesi. Dumaan ako sa likod bahay at naglakad sa mga pilapil.

Mababa ang mga ulap ngayon. Ako na ang nagpaiwan sa bahay at si Allie naman ang nasa shop nya ngayon. Ramdam ko ang pagka-ilang ng ibang tauhan ni Khaleesi. Sinabi naman ni Allison na witch ang tingin nila sa amin. Wala ng bago sa ganun. Distinct naman kasi ang itim na mata namin ni Allie. Although maputi si Allison, makikita ang similarity naming dalawa.

"Beth, tinanghali ka yata ngayon." Bati ng isa sa tagatanim ni Khaleesi.
"May sakit kasi si tatay. Kumpleto na ba ang mga bulaklak na order ni Allie?" Tanong ko.
"Yung mga rose na lang ang kulang. Gusto mo bang mamitas?"
"Sige..."

There is something with flowers that made me feel special. Ang sarap sa paningin ng mga bulaklak lalo na ang amoy ng mga rose. Nawili ako sa pamimitas ng rose. Natigil lang kami ng magkagulo ang mga tauhan at magsipaktakbuhan.

"Sunog...sunog..." Sigaw nila.
"May sunog?" Nagtatakang napaangat ang mga ulo ng mga kasama ko.

Kinabahan ako ang sobra... Tumakbo ako palabas ng taniman ng mga rose at nakita ko ang nagliliyab na apoy.

"Tay?..." Nawalang yata ako ng dugo dahil namutla ako at parang mabubuhal.
"Tatay..." Sigaw ko at pilit na tumakbo papunta sa nasusunog na bahay ni Allison.
"Tatay...tatay..." Pinigilan ako ng ibang tauhan ni Khal na sumugod sa apoy.
"Tatayyyyyyy....."
Nagtulong tulong ang mga tauhan na mapatay ang apoy. Dahil sa gawa sa light materials ang bahay ni Allison, mabilis na nasunog ito.

Umiiyak ako habang pinipigilan ng mga trabahador... Sigaw ako ng sigaw pero wala naman akong magawa.

"Beth... Uncle..." Narinig ko ang boses ni Allison sa kabila ng mga sigawan ng mga trabahador.
"Allie..." Napayakap ako sa umiiyak na pinsan ko.
"Si Uncle?" Tanong ni Allison.
Napahagulgol lalo ako ng iyak. Yakap yakap ako ni Allison habang kinakausap ni Saint kung sino man ang tumatawag sa telepono nila.

"Papunta na sila Carlos, Allie." I heard Saint said.

Naapula ang sunog bago dumating ang mga kaibigan ni Allison. Tulala kami ng maabutan nila sa office ni Khaleesi.

"Allie?" Nag-aalalang lumapit si Carlos sa kanya.
"Ano ang nangyari?" Tanong nila.
Nakatulala ako sa lugar na dapat ay bahay ni Allison. Nandoon ang mga bumbero, pulis at medic.
"Wala na si tatay." I weakly told them.

Si Saint ang nakikipag-usap sa mga pulis dahil hindi ako makapagsalita.

Si Zoey ang umalalay sa akin habang naghihintay kami ng findings ng mga bumbero. Si Rome at Saint naman ang sumama sa hospital para maiayos si tatay.

Nakabantay si Gab at Jack sa amin habang tulala kami ni Allison. Si Khal naman ang nag-asikaso sa pansamantala naming tutuluyan.

"Sinadya ang sunog, Beth." Saint told me that night.
"Hindi sila titigil hanggat hindi nila ako napapatay." I replied.
"Ano ba ang nangyari, Beth?" Tanong ni Carlos.

"Meron akong sinagip na tao na sinalvage ni Gov. At least iyon ang sinabi nung taong tinulungan kong mabuhay. Nakita ko siya sa daan papasok sa amin. Halos mahina na ang pulso. Ginamot ko siya. Nang mabuhay at magkamalay siya, sinabi niyang ako ang bumuhay sa kanya. Pinahanap ako ni Gov para gantihan." I told them.
"Nasaan ang taong yun?" Tanong ni Jack.
"Patay na din. Pinatay ulit siya ni Gov sa huling balita ko." Sagot ko.

"Meron bang sinabi sayo yung taong yung kung bakit siya pinapapatay ni Gov?"Tanong ni Gab.
"Sabi niya, merong kinulong si Gov na babae at pinagsasamantalahan niya iyon." I told them. Kusang tumulo ang mga luha ko. Dahil sa pagtulong ko, nawala si tatay.
"Hindi ko gustong makagulo. Gusto ko lang tumulong." Umiiyak akong niyakap ni Allison.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon