Chapter 8- Pakialamera

11.8K 331 17
                                    

Jon

"Jon...Jon..." I heard Beth's annoying voice outside of my door.
Nang hindi ako sumagot, nasundan pa ito ng malakas na pagkatok.
"Nakabihis ka ba?" Tanong pa nito.

"Go away." I replied.
Hindi niya naintindihan ang go away kaya pumasok siya sa kwarto ko.

"May bisita ka." Sabi nito.
"Ang sabi ko, go away." Walang ganang sagot ko.
"At naghihintay siya sayo. Papasukin ko na ba dito? Nakashorts ka naman eh."

Ilanga raw pa lang si Beth dito sa bahay pero suko na agad ako. Pagkakulit-kulit... Female version ni Rome. Nakakabwisit.

"Sabihin mo tulog ako." I said.
Meron siyang binulong na hindi ko maintindihan. Umalis siya at nagmamadaling pumunta sa sala. Akala ko, okay na. Na titigilan na niya ako. But I heard her footsteps again...at may kasama pa siya.

Napapikit ako para kalmahin ang sarili ko.

"Jon, iwan ko muna kayo ni Cassandra." Sabi ni Beth and I heard the door closed.

Minumura ko si Beth sa isip ko. Napakapakialamerang babae...

"Jon..." I heard Cassandra's voice. "I'm glad you gave me some time now."
"Not that I have a choice. My nurse decided for me if you want to know the truth." I replied.
"Then I should gave my thanks to her later." Huminga ng malalim si Cassandra.

"Nagpunta ako dito para magpaalam sayo." Simula niya.
Hindi ako kumibo. Alam ko naman kung saan papunta ang usapan na ito.
"I don't want to go..." Sabi pa niya.
"I am blind Cassandra... Not stupid. Alam kong hindi mo matanggap ang nangyari sa akin. You can't even look at me without flinching." I told her.
"I'm sorry. I just... I am not used to this. I can't..." She stammered.
"You can't be with me cause I am blind. Hindi mo ako kayang alagaan." Pagtatapos ko sa gusto nyang sabihin.
"You can go." I said coldly.
"Jon...Hindi sa ganun. I'm sorry if you feel that way."
"We are over, Cassandra. You know your way out, right?"
Hindi na kumibo si Cassandra. Lumabas siya ng pintuan habang pinapakinggan ang mga papalayo niyang yabag.

"Elizabeth..." Sigaw ko kay Beth. Nagmamadaling lumabas si Beth ng kwarto niya at tumakbo papunta sa kwarto ko.
"Bakit?" Hinihingal na tanong niya.
"Sa sususnod na makialam ka sa buhay ko, malilintikan ka." Sigaw ko sa kanya.
"Napaka-pakialamera mong babae ka."
Hindi kumibo si Beth. Akala ko nawala na siya sa pintuan ng hindi ko nadidinig.

"Sorry." She replied before she closed the door and went back to her room.

Kinabukasan, hindi kumikibo si Beth habang kumakain ako ng breakfast. Mabuti naman at tumahimik siya. Inabot niya ang gamot sa harapan ko at binigay ang tubig sa kamay ko. Pagkatapos nun, iniwan niya akong mag-isa sa kwarto. Mukhang hindi niya binuksan ang mga bintana. Hindi ko naamoy ang labas. Wala ding sikat ng araw akong nararamdaman.

Sobrang tahimik ng bahay. Ako lang ang natira dito dahil nasa Country Club silang lahat.

"Beth..." Sigaw ko sa kanya. I heard her footsteps but this time hindi siya nagmamadaling pumunta sa kwarto ko.
"Bakit?" Tanong niya sa akin.
"Paki bukas mo ang TV. Pumili ka ng movie." I told her.
"Hindi ko alam ang gusto mong palabas." Sagot nito.
"Ikaw nga ang pumili."

Narinig ko ang intro ng movie tapos bumukas ang pintuan.

"Beth..." Sigaw ko.
"Ano?"
"Samahan mo akong manood. Ikaw ang pumili nyang palabas."
Naramdaman kong umupo si Beth sa massage chair na katabi ng kama.
"Ano yang pinili mo?" Tanong ko.
"Porn." Sagot ni Beth.
"Tang... Ibahin mo."
Nadinig kong tumawa si Beth.
"Fifty Shades Freed." Sabi niya.
"Ayaw ko niyan."
"Sabi mo ako ang pumili." Nagdadabog na lumapit si Beth sa TV at nawala ang tunog na nadidinig ko. Napalitan ito ng mga tugtog ng banda.
"Concert na lang. Okay ka sa Maroon 5?" tanong ni Beth.
"Okay na yan." I replied.

Nakakabwisit talaga siya.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon