Beth
"Bakit mo tinanggap ang invitation ng ex mo?" Tanong ko kay Jon kinabukasan habang inaahitan ko siya. May gana pa siyang ngumisi sa akin.
"Wala namang masama doon."Sagot nito.
My God, bakit naadik ako sa mata niya. Matagal na siguro akong nakatitig dahil nadinig ko ng tumikhim si Jon.
"Hindi ba ang awkward nun?" Tanong ko ulit habang inaalis ang sobrang shaving cream sa leeg ni Jon.
"In a way, yeah." He replied.
"Mahal mo pa ba?" Wala sa loob na tanong ko. Tumawa si Jon.
"Ano ang nakakatawa?" Asar na tanong ko.
"Hindi mo talaga mapigilang tanungin, ano?!" He replied.
Tinaasan ko ng kilay si Jon. Hindi ako kumibo.
"For the record, hindi siya kawalan." Sabi nito.
" True." Sang-ayon ko.
"So we will be there and you will tell me how disastrous their wedding.""Ayaw ko lang kasing makadinig ng hindi maganda during their wedding. Alam mo yun, baka
mapaaway ako." I told him. Talagang mapapaaway ako kapag nakadinig akong hindi maganda na sasabihin nila about kay Jon.
"They won't." Kumpiyansang sagot nito."Iwan mo na ako, Beth. Maliligo na ako."
I made a face.
"Labas ka na."
Tuminag ako at tumayo sa may pintuan. Tinitingnan ko kung ano ang gagawin ni Jon. Nakaharap siya sa salamin kaya kitang kita ko ang katawan niya ng maghubad siya ng t-shirt. Pwede na siyang ulam, kulang na lang kanin.
Sunod na hinubad ni Jon ang shorts niya. Naiwan na lang ang boxer niya. Diyos ko, ang ganda ng katawan niya. Napanganga ako. Tapos nagsimulang hawakan ni Jon ang garter ng boxer niya at mabagal niyang ibababa..."Beth?" I heard him. Pero hindi ko pinansin. Bilisan mo ng hubarin yang boxer mo.
"Elizabeth? Nandito ka pa ba?" Natigil siya sa pagbaba ng boxers.
"Hmmm..." Sagot ko.
"Di ba ang sabi ko lumabas ka? Isarado mo ang pintuan."
I rolled my eyes. Napaka kill joy naman.
"Sure kang gusto mo akong lumabas?" Half meant kong tanong.
"Elizabeth." Sigaw ni Jon. Natatawa akong sumagot.
"Heto na...isasarado ko na." Tinabig ko ang pintuan pero nagtira ako ng siwang.
Nakita ko ang perfect na pwet ni Jon bago ko isarado ng tuluyan ang pinto.Nakita ko si lola sa gilid ng kama na nakapamewang at umiiling-iling.
"What can I do? I have eyes..." I murmured. Buti hindi ako naiintindihan ni lola at salamat na lang at hindi ko siya nakakausap.
Inayos ko ang kama ni Jon para hindi ako matempt na humiga at amuyin ang unan niya.Binabawi ko na...Si Jon na ang batayan ng hotness...
Hinintay kong matapos maligo si Jon para maiabot ko ang mga gamit niya bago ako lumabas ng kwarto at iwan siyang mag-isa.
Nilibang ko ang sarili ko sa library dahil may sumpong si Jon ngayon at ayaw akong nasa kwarto niya. Kalahating oras na akong nagbabasa pero wala akong naiintindihan sa binabasa ko.
"Suko na ako. Ayaw ko na."
Sinarado ko ang libro at binalik ko sa shelve. Hanggang kailan ako magtatago dito? I need a life. I need to get a life dahil kung hindi, forever na akong mamboboso kay Jon and it's not a good idea.
Napabuntong hininga ako.
Damn it, bakit kasi ang ganda ng mata niya?
BINABASA MO ANG
Elizabeth: Love that Heals (Completed)
RomantikAegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sight. Then everything stops for him when his world turned dark. All that was left for him is his memori...