Beth
Grabe, ang ganda ng girlfriend ni Jon. Ang puti, at ang kintab ng buhok. Nadinig kong sumisigaw si Jon kahapon. Pero mukhang hindi naman affected ang girl ng lumabas siya ng kwarto ni Jon kahapon.
"Jon... Sorry nga pala kahapon. Gusto ko lang makatulong." Akala ko hindi niya ako nadinig dahil hindi naman ang bago ang facial expression niya.
"Okay na din ang nangyari. At least natapos na." Sagot nito.
"Break na kayo?" Naiintrigang tanong ko. Hininaan ko ang TV saka humarap kay Jon.
"Ang chismosa mo naman." He answered instead.
"Wala naman akong makakausap na iba dito maliban sayo at sa mga kasambahay. Napagbati ko na ang dapat magbati sa kanila."
I saw him chukle but without humor.
"Pakialamera ka pala talaga." He said. I rolled my eyes on him.
"Siguro. Dahil kung hindi ko pinakialaman ang naghihingalong tao sa daan na yun, malamang buhay pa tatay ko. At hindi sana ako hinahabol ni Gov." Sagot ko.Hindi kumibo si Jon.
"Bakit ka nakipagbreak sa girlfriend mo? Maganda siya ah."
"Meron siyang iba." I replied.
"What? Hindi nga?"
"Bulag ako pero hindi ako tanga. I have my friends to tell me." Sagot ni Jon.
"Well, it's her lost, noh..."
Tumawa si Jon ng nakakaloko.
"Beth, I'm blind." Sabi niya.
"Bulag ka lang, pero hindi ka tanga. Ang dami mo pang pwedeng gawin."
"Like what? Paano ako mamamahala ng company ko ng hindi ako niloloko ng mga tauhan ko? Paano ako magdedecide kung hindi ko nababasa ang nasa contract?"
"Ang tinitingnan mo kasi ay ang small picture. Bakit hindi mo isipin ang mga kaya mo pang gawin? Yung mga bulag nga sa Burnham kumikita sa pagmamasahe nila eh. Ikaw pa na may pinag-aralan." Sagot ko sa kanya. "Nakakapag-asawa pa nga sila eh. Ang dami pang anak..." I chuckled."Di ba, dapat nagluluksa ka pa sa pagkawala ng tatay mo?" Pag-iiba ni Jon sa usapan.
"Hindi naman dahil malungkot ako, kailangan maging malungkot na ako habang buhay. Hindi naman hihinto ang mundo para sa akin. Umiiyak din naman ako, hindi nga lang araw-araw." Sagot ko."Gusto mong mag-gym?" Tanong ko kay Jon. "Meron kayong gym dito, sayang naman."
"Tumataba na ba ako? Okay pa naman ang katawan ko ah." Tanong nito.
"Hindi ah. Para lang maexercise ka. Lagi kang nasa kwarto mo. Saka, ang batayan ng hotness ay si Saint." I replied.
"May gusto ka kay Saint." He stated.
"Crush lang... Ganda kaya ng katawan ni Saint. Matangkad din, tapos ang dami nyang tattoo, parang bad boy pero good boy... Parang gusto kong hanapin lahat ng tattoo nya sa katawan."Tumawa si Jon. Yung tipong mga tawa na sa mga kaibigan niya lang nakukuha.
"Pinagnanasahan mo si Saint." Sabi nito.
"Hindi ba pwedeng naappreciate ko lang? May six pack abs yung tao."
"Meron din ako." Sagot ni Jon.
Oo na... meron ka na sa loob-loob ko.
"Wala ka namang tattoo. Ang puti mo nga eh para ka ng multo. Baka gusto mo ding lumabas. Ang ganda ng sikat ng araw."Tatawa-tawang humiga sa kama si Jon.
"Masahe mo ulo ko. Masakit eh." Kumakaway si Jon sa gawi ko.
"Paano, lagi kang nakahiga." I said to him but I started to massage his head. Nakapikit si Jon. Nanghihinayang talaga ako sa mga mata niya."Ang init ng kamay mo." Reklamo nito.
"Tiisin mo lang." I replied. I massage his head and secretly put my hand over his eyes when he feel asleep.
BINABASA MO ANG
Elizabeth: Love that Heals (Completed)
RomansaAegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sight. Then everything stops for him when his world turned dark. All that was left for him is his memori...