Chapter 6- We meet...again

12K 361 25
                                    

Jon

"Anak, kailangan mo ng makakasama dito." Pamimilit ni mommy sa akin.
"Okay lang ako." I replied.
"Kamukha mo ang daddy mo pero kasing tigas ng ulo mo si Red." Comment ni mommy.
I chuckled. "Kamukha naman ni Carlos si Uncle Red pero kasing pilyo naman ni daddy, so it's a tie." I replied.
I heard my mom soft laugh. "Totoo!" Sagot ni mommy.

"Seriously Jon..." Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Mas mapapanatag ako kapag may nurse kang kasama dito sa bahay."
"I don't need a yaya." I murmured.
"Nurse ang sabi ko hindi yaya. Please do this for me Jon?!"

"Mommy..." Tanggi ko but I felt my mom hugged me.
"Please, anak. Sa ikapapanatag ng loob namin ng daddy mo."
Napabuntong hininga ako. "Okay."
I felt my mom's kiss on my cheek. "Ihahatid ni Carlos at Cailee ang nurse na makakasama mo."
"Kailan?"
"Mamaya. So magpahinga kana." Hinawi ni mommy ang buhok ko.
"Mahal ka namin, Jon." Mom said before she exit my room.

Wala ka naman gagawin kung hindi tumunganga kapag wala kang paningin. Kahit simpleng pakikinig ng music ang hirap dahil hindi ka makapili ng kanta na gusto mo.

Boses ni Axel ang nadinig ko sa labas ng kwarto ko.

"Uncle Jon...Uncle Jon..." Masiglang bati nito. I hope I can see him.
Tumatakbo itong tumalon sa kama at nakipag-wrestling sa akin.

"Axel, masasaktan mo si Uncle Jon." I heard Cailee enters my room.
"I can't beat him..." Sagot ng bata.
"Paglaki mo, matatalo mo si Uncle Jon." Sagot ni Gab. "You are needed outside, Jon." Gab told me.
"Ano na naman ang meron sa labas?" Tinulungan ako ni Cailee na maglakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa sala.

"Hi Jon." I heard Allie's voice.
"Allison?! Ano ang meron bakit parang kumpleto kayo?"
"Wala sila Rome, so kami lang ang nandito." Sagot ni Carlos.
Hinintay ni mommy na makaupo ako bago siya nagsalita.

"Nandito na ang nurse mo." I heard her said.
"Ano ang pangalan mo? Kung nakikita mo, bulag ako so speak up." Naiinis na sabi ko.
"Jon..." I heard my dad's warning.

"It's me, Jon. Si Beth."

Natahimik ako saglit.
"Ano ang ginagawa mo dito? Wait, alam ba ng tatay mo na nandito ka? Baka habulin na naman kami ng itak at pilitin na ipakasal sayo." Sarcastic na pananalita ko.
"Aegon Jon." It's my mom... That is a final warning from her.
"Wala na si tatay, so hindi mo na kailangan matakot sa itak niya. Namatay siya sa sunog last week." Sagot naman ni Beth.

Natahimik ang lahat sa sinagot ni Beth.

I cleared my throat... "Sorry for your lost." I said.
"It's arson, so on-going investigation pa." Dagdag niya.

"Jon, Beth is also here para magtago muna pansamantala habang nilulutas nila Gab kung ang mga taong humahabol sa kanya ang may gawa ng sunog sa bahay ni Allison." Carlos said to me.
"This is close to Country Club but far enough para makita si Beth. Rome suggested na sa Negros muna si Beth pero malayo naman siya sa tulong na maibibigay ng Knights." Dagdag pa ni Carlos.

Tumango ako.

"And besides, she's a nurse so she can help you to cope up." Cailee added.
"Ayaw ko ng maingay, Beth." I told her.
"Hindi ako pipi. Madidinig mo ang boses ko sa ayaw at gusto mo." Sagot nito.

Nadinig kong natawa si mommy at daddy. Tumayo ako at kinapa ang daan papunta sa kwarto ko.

"Jon, everything will be fine." Sabi ni Allison.
"I want to believe you but my blindness is incurable." I replied. Mabagal akong naglakad papunta sa kwarto ko.

-------
A/N
Because I'm so mabait ang dami kong UD. Bukas naman. let me know your thoughts about the story. 😘😘😘

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon