Beth
"Pagpasensyahan mo na si Jon." Sabi ng mommy ni Jon sa akin.
"Alam ko pong masungit siya." Sagot ko.
"Kasing sungit ng kapatid ko." Nakangiting sagot ng daddy ni Jon.Hindi ko masyadong kilala ang daddy ni Carlos. Iniiwasan ko siya dati noong nasa bahay nila kami. Ang lakas ng aura kasi... sobrang strong ng personality.
"Ano po kasi... Inambaan po kasi ng itak ni tatay ko dati sila Jon. Kaya po siguro bad trip sa akin." Pinipigilan kong tumawa kapag naaalala ko yun. I heard Gab and Carlos chuckled.
"I'll do my best po kay Jon, sir, maam." Sagot ko.
"Naku, huwag mo kami tawing sir at maam. Tito at Tita lang. Nakakatanda ang sir at maam." Nakangiting sagot ni Tita Lise.
"And condolence sa tatay mo, Beth." She added sincerely.
"Salamat po, tita." I replied."Bakit nakatingin ka?" Tanong ko kay Allie. "Ang weird mo." I said na ikinatawa nila Cailee.
"Wala. Try not to get under his skin." Sagot ni Allison.
I exhale deeply. "Susubukan ko pero hindi ko maipapangako." Tumingin ako sa mga nakapaligid sa akin.
Tumatawang umiiling si Cailee. "Kaya mo yan."Binigay ni Tita Lise sa akin ang kwarto sa tabi ng kwarto ni Jon. Binilin nya din sa akin ang mga gamot nito at mga vitamins na kailangang inumin. Hindi naman mahirap sa totoo lang. Si Jon lang ang mahirap talagang kausapin.
"Good morning, rise and shine." Binuksan ko ang kurtina ng bintana ni Jon. Nakita ko pang nakakunot ang noo ni Jon bago kuhanin ang isang unan at ilagay ito sa mukha niya.
"Iinom ka ng gamot mo. Gumising ka na."
Hindi siya kumibo. Nakatalukbong ng comforter ang buong katawan niya.Napatingin ako sa langit at nagbilang hanggang sampu.
Ayaw mong bumangon ah... Hinila ko ang comforter na nakabalot sa buong katawan niya.
"Bumang...." Putaragis...Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Napasigaw ako ng malakas.
"Waaaahhhhh...magdamit ka...magdamit ka."
Nilagay ko sa dibdib ko ang comforter na hawak ko at nakatingin sa hubad na katawan ni Jon. Ay, mabait talaga si Lord kay Jon. Ang katawan oh... at ang nakatayo.
"Puta... Akin na yang comforter ko." Sigaw ni Jon sa akin.
Hindi ako nakakilos. Napaupo si Jon sa kama. Tinakip ang unan sa yummy nyang... ehem.
"Beth..." He barked my name.
"Ah...eh... sorry." Hinagis ko kay Jon ang comforter niya."Sa susunod nga kumatok ka." Sigaw nito sa akin.
"Magdamit ka kasi kapag natutulog ka." I replied.
"Lumabas ka na. Nakakabwisit ka."
"Kailangan mong uminom ng gamot."
"Iwan mo sa table." Utos nito saka bumalik sa kama at nahiga.
"No way...Kailangan mo munang kumain bago ka uminom ng gamot. Tumayo ka na diyan."Nagdadabog na umupo si Jon. Bumagsak ang comforter sa hanggang tiyan niya.
Nakakunot ang noo ni Jon. Merong mga tumutubong facial hair sa mukha. Iisang linya ang mapula niyang labi pero ang magandang mata niya... parang walang buhay ito.
"Nasaan na?" Tanong nito.
"Susubuan ba kita?" Tanong ko sa kanya.
"Beth, konti na lang itatapon na kita sa labas. Mukha ba akong imbalido sa paningin mo at kailangan mo akong subuan?"
Huminga ako ng malalim para hindi patulan ang kasungitan nito.Nilagay ko sa kama niya ang isang bed table bago ko pinatong ang breakfast na gawa ng cook nila.
"Huwag mo akong panooring kumain." Singhal nito sa akin. I rolled my eyes and went to the window.
Namintana na lang ako at pinagmasdan ang napakagandang tanawin sa labas. Punong puno ng ubas ang malawak na lupa.Napatingin ako kay Jon... Kulang na siya sa sinag ng araw. Mukha na siyang multo gaya ni lola na nakapamewang sa tapat ng kama niya. Mas mainam na hindi ko nadidinig si lola. At least minsan mas madaling baliwalain na nagagalit siya sa akin.
"Huwag mo akong tingnan." I heard Jon said.
"Hindi kita tinitingnan. Sa labas ako nakatingin." I replied.
"Eh sino yung nakatingin sa akin?" Sarcastic na tanong nito.
"Si lola ko. Ayan nakatayo sa harap mo." Sagot ko.Natatawa akong pinanood ang pagtigil ng pagsubo ni Jon sa pancake.
BINABASA MO ANG
Elizabeth: Love that Heals (Completed)
RomanceAegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sight. Then everything stops for him when his world turned dark. All that was left for him is his memori...