Chapter 1- Itak ni Tatay

23.3K 414 28
                                    

Beth

Kabado ako ngayong pabalik kami. Kung bakit ba kasi tumakas ako kay tatay. Pati si Allie, hindi kumikibo. Kasama namin ang mga kaibigan ni Allison sa paghatid sa akin. Si Carlos ang piloto, si Rome ay pilit na sumama kahit nasa hospital pa si Zoey. Sabi niya, heto lang ang paraan para mabayaran niya ako. Kasama din namin si King, Gab at si Jon.

Kakagraduate ko pa lang sa course na nursing. Aligaga ako ng tawagan ako ni Allison para tulungan ang kaibigan niya. Hindi ko pinagsisihan ang tulong na yun pero patay talaga kami kay tatay.

Kumatok ako sa pintuan ng bahay namin dahil sarado ito kahit alas nuebe na ng umaga.

"Wala yata si uncle." Bulong ni Allie sa akin.
Biglang bumukas ang pintuan namin at bumungad sa amin si tatay na may dalang itak.

"Sino ang nagtanan sayo?" Sigaw ni tatay sa amin.
Nanlaki ang mata namin ni Allison dahil nakatingin si tatay sa grupo ng mga kaibigan ni Allison na lalaki.

"Tatay...walang nagtanan." Pagpipigil ko kay tatay. Pati si Allison ay inaawat ang tatay ko. Pero dahil malaki si tatay at banat ang katawan sa bukid, hindi namin siya napigilan.

"Ikaw..." Tinuro niya si Jon na nanlaki din ang mata ng makita ang itak.

"Ikaw ang nagtangay sa anak ko." Sabi ni tatay.

Umiling si Jon saka tinaas ang dalawang kamay.

"Tatay, hindi ako nagtanan. Tinulungan ko lang si Allison." Ang sabi ko kay tatay pero hindi niya ako pinapakinggan. Malaking tao si tatay. Malaki din ang katawan.

"Ikaw..." Tinuro ni tatay si Carlos.
"Hindi po." Sagot ni Carlos.

"Kayong dalawa lang ang nakita ko sa eskwelahan ng sumakay si Beth sa helicopter." Sigaw ni tatay.
"Uncle, pinasundo ko si Beth sa kanila." Katwiran ni Allison.
"Ikaw ang piloto, hindi ba." Tinuro na naman ni tatay si Carlos. Tumango ito.
"Kaya ikaw nga ang nagtangay sa anak ko." Bumaling si tatay kay Jon na balak nitong tagain.

"Pakasalan mo ang anak ko." Sigaw ni tatay kay Jon. Nanlaki lalo ang mata ni Jon at namutla na ng tuluyan.

"Ano?" napasagot si Jon.
"Tatay...walang kasal...hindi ako nagtanan. Makinag ka kasi." Sigaw ko kay tatay.
Natigil si tatay sa pagsugod kay Jon.
"Tinulungan lang namin ang kaibigan ni Allison na nasa hospital." Naiiyak na sagot ko.
"Makinig ka naman." Nayayamot na naiiyak ako.

"Sir, asawa ko po yung tinulungan nila." Nagtaas ng kamay si Rome.
"Asawa ko po yung nasa hospital. Tinulungan po kami ni Beth para mailigtas siya."

Binaba ni tatay ang kamay na nakaamba ng itak.

"Ang aso kapag natangay ang buto, nalalawayan na ito." Galit pa din katwiran ni tatay.
"Naglakad ang buto. Hindi kinagat ng aso." Sagot ko. Alam kong pagagalitan ako ni tatay mamaya pero nakakainis kasi. Napakahigpit niya to the point na nakakasakal na.
"Uncle..." Simula ni Allison.
"Huwag mo akong ma-uncle-uncle. Pati pinsan mo, dinadamay mo." Sigaw ni tatay kay Allison. Napayuko si Allie.
"At ikaw?" Baling na naman ni tatay kay Jon.

"Wala po akong kinalaman... Sumunod lang po ako sa pakiusap ni Allison. Sa bahay po ng kapatid kong babae siya tumuloy." Paliwanag ni Jon. Nagsinungaling na siya dahil sa bahay niya kami nakitulog ni Khal noong nasa hospital si Zoey.

"Umalis na kayo dito at huwag na kayong babalik." Sigaw ni tatay.
"Sige na..." Taboy ko sa kanilang lahat.
"Kapag nakita pa kitang lumapit sa anak ko, tatagain na kita." Banta ni tatay kay Jon.

Napapikit ako habang nagtakbuhan palabas ng bakuran namin ang mga kaibigan ni Allison kasama siya.
"At ikaw Elizabeth, pumasok ka ng bahay." Sigaw ni tatay sa akin.

Eto na yata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Diyos ko Lord, pipikutin pa ni tatay si Jon. Nakayuko akong pumasok na bahay at maghapong nakinig sa sermon ni tatay.

Elizabeth: Love that Heals (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon