Chapter 3

297 33 10
                                    

Brat and the Monster


"Sorry. " malamig niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

He has these thick eyebrows at bilog na mga mata na may mahahabang pilikmata na nakaka hypnotized. Nakalimutan ko ang naghuhumerantado kong galit sa nakakahawang lungkot ng mga mata niya.

"Sorry. " pag-uulet niya kaya't nagising ako sa pagkakatulala pero bago pa ko makapagsalita mabilisan niyang pinaandar ang sasakyan niya at naiwan akong nakatulala sa direksyon na tinungo ng sasakyan niya.

"Tita Cha. " napatingin ako sa humihila sa dulo ng t-shirt ko at nakita si Fiona na nakanguso. Hindi ko namalayan nasa palagid ko na pala ang mga bata and they all look so scared.

"Okay lang kayo?" nag squat ako para maka lebel ko ang tangkad nilang lahat.

"Okay lang po kami, Tita Cha. Ikaw po?" Sabi ni Brylle sa akin.

"Sorry. " at agad kong nilahad ang mga braso ko para mayakap sila. Walang pag da-dalawang isip naman nila akong dinaluhan ng yakap.

"Teka... Teka matutumba na ako. " hindi ko na napigilan ang pagtawa sa pagiging sweet nila sa akin.

Mabilis lang din humupa ang galit ko. Ayoko ng nagagalit ng matagal. Ayoko ng mabigat ang loob ko kaya as long as mayroon, I will always try to smile bigger than the reason why I should be sad. Badtrip man ako sa lalaking yun pero may mas malaking reason naman para tumawa at yun ang mga batang nasa harap ko.

Linggo ng tanghali, kakatapos lang namin mag simba ni Mommy kasama si Ate Mara, Melo at Kuya Erik at napag desisyunan na sa bahay mag lunch.

Gusto ni Ate Mara na mag grill daw kami kaya yun ang nasunod. Okay lang naman yun kasi siya naman sponsor ng lunch, mas malaki kaya sweldo niya!

"Melo... " pangungulet ko sa batang katabi ko na busy kakapindot sa phone niya. Hindi talaga ako agree na nag ga-gadgets ang mga bata. Parang tinatamad na sila makipag socialize sa mga tao.

"What?" Supladong sagot niya sa akin. Napa irap naman ako sa ere.

Magkatabi kami sa lamesa kasi si Ate, Mommy, at Aling Beday ang nag aayos ng lunch namin. Sa bakuran rin kami mag l-lunch kaya parang mas gumaan ang atmosphere lalo na pag galing kang church.

"Naalala mo yung clown sa birthday mo?" Simpleng tanong ko sa kanya at kunot noo naman siyang tumingin. "What? Nagtatanong lang ako?" Pagkatwiran ko.

"You mean Kuya Keanu? Hindi mo kilala si Kuya Keanu?" Sagot niya sa akin na parang sobrang importante na kilala ko si Keanu whatever na yun. Kasalanan ba na hindi ko siya kilala?

But, okay. He has a name. He's Keanu.

"Sino ba yun?" Takang tanong ko sa pamangkin kong pinaglihi sa bato.

"He's Kuya Keanu Miguel Callejo. Kuya siya ni Amarah. He used to cook in a hotel in Boracay kaso nga dahil naka rehab ang Bora, he went back here to rest for a while. Kaya siguro hindi mo rin siya kilala. He's friends with Kuya Alon and Ate Eli. "

Hindi kinaya ng utak ko ang mga impormasyon na sinabi ng pamangkin ko. Like, Sino? Saan? Bakit? Boracay? Alon? Eli? Saan nakukuha ng batang 'to ang mga alam niya?

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon