Chapter 30

148 8 7
                                    

You Are Therapeutic

Madaming pagkakataon sa buhay natin na mapapaisip tayo kung masaya nga ba talaga tayo. Nagagawa natin ang tumawa and ngumiti pero masaya nga ba talaga tayo? Bakit nga ba may kailangan pumeke ng emosyon na ipinapakita nila? Ano nga ba talaga ang batayan para mapatunayan natin ang totoong nararamdaman ng isang tao para sa atin?

"Mas madalas ka na tumawa ah, na inspire ba kita? " natatawang tanong ko kay Keanu pero sinagot niya lang ako ng pag-irap.

Nakaupo ako sa nguso ng sasakyan niya habang kinakain ang dala niyang take-out meal habang siya naman ay nakatayo at nakasandal lamang dito, nakahalukipkip ang mga braso sa kanyang dibdib. Nasa tapat lang din kami ng bahay kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

"Finish your food, " sumulyap siya sa kanyang wristwatch bago ako nilingon ulit. "It's getting late. Baka hinahanap ka na sa loob, " sabi niya sabay turo sa gate namin.

"Babayaran ko ba 'to? " pang-asar ko ulit sa kanya pero sinamaan lamang niya ako ng tingin. Tusukin ko mata niya eh. Alam kaya niya kung gaano ako nahuhulog sa mga mata niya kaya abusado siya masiyado sa pag-irap sa akin?

"Bakit? May pambayad ka ba? " sagot niya sa mapanuksong boses.

"Nakalimutan mo ba na sumasahod ako?"  nakataas kilay kong sagot sa kanya.

"Is your salary enough? " hinarap ako ni Keanu. Isinandal niya ang mga braso niya sa hood ng kotse niya.

"Of course! Barya lang naman to sa sahod ko, " natatawang sagot ko sa kanya. Umiwas ng tingin si Keanu, pinipigilan ang ngiti sa mukha niyang nakikita ko naman kahit anong pigil niya.

"Thats not a cheap meal, Czarina. Limited edition lang yan. "  he told me like it's a trivia.

"Bakit? Wala na bang 1-piece chicken joy meal ang Jollibee bukas? " tanong ko. Nakita ko ang pagkagat ni Keanu sa ibabang labi niya. He shook his head.

"Just eat, Czarina Isabelle. "  he seriously said.

"Baka mamaya biglang abutan mo na lang ako ng listahan ha. Dami ko na ba babayaran sa'yo? " daldal ko pa. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Keanu.

"Tss, " he hissed then he suddenly unzipped ang suot niyang kulay itim na hoodie. Tiningnan ko lamang siya habang hinuhubad niya ito hanggang sa ang natira na lamang ay ang suot niyang puting tshirt.

Agad akong nakaramdam ng kakaibang init nang ipinatong ni Keanu sa balikat ko ang hoodie niya. Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi para pigilan ang pag ngiti.

"Finish your food. " utos niya.

Kahit madalas hindi ko maintindihan si Keanu hindi ko maipagkakaila na ang buti niyang tao.

"Alam mo ba... " panimula ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang pagkain na nakapatong sa lap ko.

"Ang alin? " naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Keanu.

"Pakiramdam ko nakita kita kanina, " sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya pero may pakiramdam lang ako na hindi ako makakatulog pag hindi ko nasabi sa kanya.

"Nakita mo 'ko kanina? Paano naman? " sagot niya sabay iwas ng tingin.

"Hindi ko alam, " I smiled. "Baka namalikmata lang ako kasi sabi mo naman kanina sa akin 'di mo ko masusundo kaya imposible na ikaw 'yon, " sambit ko at bumuntong hininga. Hinipan ko ang iilang strand ng bangs ko na nalaglag na sa noo ko mula sa pagkakaipit nito sa hairpin.

"They say nothing is impossible. "

"So ikaw yon? "

"Czarina Isabelle? Economics, Taxation and Revenue? 74?2a!"  umalingawngaw ang malalim at bilog na boses ng Daddy ko sa buong living room namin.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon