Chapter 4

253 30 25
                                    

Ice cream or Coffee

"Dali! BB48!" pag-aaya ko sa apat na batang kasama kong pumasok ng bahay namin.

Friday ngayon at medyo hindi ganon ka okay ang pakiramdam ko kaya't nagpaalam ako na mag under time. Nag out ako sa trabaho ng mga 3pm.

Bago ako tuluyang umuwi dumaan pa ako sa grocery para bumili ng ice cream kasi naalala ko wala na kaming icecream sa bahay.

Binuksan ko ang main door namin pero bago ako pumasok pinauna ko na muna ang apat na kikay na kasama ko. Ang cute nila tingnan suot ang mga uniform nila tapos naka braid at pigtails pa sila with their Hello Kitty chenelen.

"Ano ginagawa mo dito?" sita ko ng makita ang pamangkin ko sa living room at hawak na naman ang phone niya.

"Netflix and chill. " swabeng sagot niya sakin at hindi man lang ako tiningnan. Nakapatong pa ang mga binti niya sofa habang may suot pa siyang school shoes.

"Hi Melo!" sabay-sabay na bati ng BB48 ko kay Melo. Umangat naman ng tingin si Melo at simpleng nginitian ang apat na kikay kong kasama.

"Hi Pau! Hi Amarah! Hi Elena! Hi Chloe!" Aba buti pa yung apat binati niya tapos ako 'tong tiyahin niya hindi man lang niya nagawang batiin. Napa cross ako ng mga braso ko sa aking dibdib.

"Saan Mommy mo? Bakit ka nandito sa bahay namin?" mataray kong tanong sa kanya.

"Meeting. Ikaw? Bakit mo sila kasama? Hindi naman saturday?" Tanong niya sa akin.

"Pake mo?" pagtataray ko sa ulet sa kanya.

"Sa dining tayo, BB48! Hindi natin bibigyan si Melo ng icecream. " inirapan ko pamangkin kong halimaw at nag dire-diretsong tumungo aa dining room namin.

Pinatong ko sa lamesa ang bitbit kong paper bag na may lamang 3 tub ng ice cream. Iniwan ko ang isang tub sa lamesa at binuksan ref para ilagay ang dalawang tub for future use.

"Oh? Bat di pa kayo umuupo? " nagtaka ako kasi pagkatalikod ko nakatayo pa rin ang aking BB48 sa dulo ng lamesa.

"Hindi fo namen avot. " sagot ni Elena sa akin. At narinig ko ang pag giggle ng tatlo sa likod niya.

"Hala! Sorry! " lumapit agad ako sa kanila para e pwesto sila sa upuan.

"Hubad muna ng bag" isa-isa kong tinulungan sila sa pag hubad ng suot nilang back pack na kulay pink at Hello kitty pa rin.

Kanina kasi ng pauwi na ako, napadaan ako sa preparatory school at nakita ko silang apat na nag chi-chikahan sa waiting shed sa labas ng school. Hindi pa ata sila nasusundo kaya nakiusap ako sa driver ng grab if pwede ko sila e-sabay tutal malapit na namin kami sa bahay.

Inaya ko sila at wholeheartedly naman silang sumama sa akin. Tinext ko na rin agad ang mga magulang at yaya nila na sinabay ko sila pauwi tapos ako na lang maghahatid sa kanila mamaya. Malungkot kasi kumain ng ice cream mag-isa kaya naisipan kong i-sama sila.

"Okay ka lang, Amarah?" Napansin ko kasi ang katamlayan niya kanina pa.

Kasalukuyan akong nag s-scoop ng ice cream para ilagay sa kanila. Magkaharap silang apat habang ako nakaupo sa master's chair.

Tumango lang siya bilang sagot at matamlay pa rin na ngumiti.

"TITA CHA!"

"Motherfu---father. " nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Melo at muntik na akong mapamura kung di ko naalala na may mga bata pala akong kaharap.

Nabalot naman sila ng pagtataka kasi kumunot ang mga noo nilang nakatingin sa akin. Napakamot ako sa kilay ko at hilaw na ngumiti sa kanila.

"Wala yun! Teka lang ha?" Pagpaalam ko sa kanila para daluhan ang halimaw kong pamangkin.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon