Chapter 48

51 3 0
                                    

Heart Dropping

Bumuntong hininga ako pagkatapos ng ilang minutong pagkakatulala sa repleksyon ko sa salamin. Medyo mahaba-haba na rin ang buhok ko siguro kailangan ko na magpagupit. Malamya akong napatingin sa wall clock na nasa kwarto ko at ulet na bumuntong hininga nang mapansin na mahuhuli na ako sa trabaho. Inayos kong muli ang buhok ko at pinusod. At nang makuntento ay tumayo na sa kinauupuan ko kung nasaan kaharap ko ang aking vanity mirror.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kalamyaan ko basta ay nagising na lang akong walang gana na bumangon at mag-ayos para pumunta ng trabaho. May kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag pero kahit ganon ay pinilit ko pa rin na bumangon para harapin ang panibagong araw na ito.

Nakakapanibago ang hindi ko maintindihang pakiramdam sa dibdib ko. Sanay kasi akong masigla. Dati parang nakadikit na sa utak ko na dapat masigla, dapat masaya pero kahit gaano mo iwasan ay magkakaroon ka pa rin talaga ng ganitong mga araw. Malamya: walang sigla.
Bitbit ang handbag ko ay dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan namin. Nasilayan ko si Aling Beday na naglalapag ng pinggan sa lamesa. Lumapit agad ako sa hapagkainan at nakuha ko ang pansin niya.


“Akala ko ay hindi ka mag ta-trabaho Cha kasi kanina pa kita inaasahan na bumaba para mag agahan pero hindi ka pa rin bumababa, “ sambit ni Aling Beday sa akin. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kanya. Katulad ng nakagawian ay hindi mawawala ang hotdog at itlog sa agahan namin.

“Si Mommy po? “ tanong ko sa kanya pagkaupo ko.

“Nagdidilig ng mga Gumamela niya sa labas, “ sagot niya sa akin.

Agad na nakuha ng pansin ko ang vase na nasa gawing kanan ko na puno ng Gumamela.

“Namitas po siya? “ dagdag na tanong ko.

“Oo! Hay nako kanina ay sobrang galak niya na makita na ang gaganda ng pamumukadkad ng mga bulaklak niya kaya ayun maaga pa nandilig pagkatapos niya mamitas, “ maligayang kwento ni Aling Beday. Napangiti na lamang ako.

“Nag agahan na ba siya manang? “ tanong ko.

“Hindi pa nga eh… “

“Tawagin ko na lang siya para may kasabay siya, “ sambit ko at saka tumayo agad pero agad akong natigilan sa mahinang pagtawag ni Aling Beday sa akin.

“Bakit po? “ nagtatakang tanong ko sa kanya. Diretso lamang ang tingin niya sa akin. Mukhang nag aalinlangan siyang magsalita na napansin ko dahil sa bilis ng pag galaw ng mga talukap ng mata niya.

“Ah… Tawagin mo na lang ang Mommy mo para sabay kayong makakain… “ sagot niya sabay yuko at nagpunas ng kamay sa bimpong nakapatong sa isa sa mga upuan. Napakunot ako ng noo dahil sa inasal niya.

“Opo.. “ sagot ko sa kabila ng pagtataka. Nagtungo na ako palabas ng bahay namin para tawagin si mama sa garden. Pagbaba ko ng hagdan ay hindi ko siya natanaw sa garden. Doon lang naman palagi siya sa tabi ng gumamela niya, kung hindi nagdidilig ay nagkakape.

“Mommy? “ tawag ko pero walang sumagot sa akin.

“Baka nasa likod bahay, “ sabi ko sa sarili ko. Tinahak ko ang daan patungo sa likod bahay namin.

Sa paglalakad ko ay nakaapak ako ng basang lupa na ipinagkataka ko. Saan galing ‘tong tubig na umaagos? Hindi naman siguro naglaba si Mommy dahil gawain yun ni Aling Beday. Hindi ako alam saan nanggaling pero bigla akong tinamaan ng kaba. Sinundan ko kung saan nanggaling ang umaagos na tubig hanggang sa naramdaman ko biglang pagtigil ng tibok ng puso ko.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon