Chapter 14

170 16 13
                                    

Shadows and Absence

"Sorry na. " for the nth time nag sorry ulet siya sa akin.

"Hindi ka ba kakain?" dagdag niya pero inirapan ko lamang siya. Napilit niya akong sumakay sa sasakyan niya at nagmaneho siya pababa ng D'horizon para kumain.
Maganda ang view ng D'Horizon. Ito ay overlooking din. It's like a cafe on a cliff. Walang railings at kahit anong metal kasi gawa ang cafe sa kawayan sa ilalim ng malaking puno. Open din ang place katulad ng dinadayo ng mga tao dito bukod sa masarap na iced choco raw nila. Pwede kang umupo sa edge ng cafe kung saan if ever man malalaglag ka gugulong-gulong ka muna bago mo maabot ang lupa.

"Hindi ako gutom. " sagot ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan. Pero traydor na tiyan kung kailan ako tumanggi saka rin kumulo. Nag order si Keanu ng dalawang iced choco, isang plate ng beef nachos at dalawang fries. Inabot ko ang fries.

"Akala ko hindi ka gutom?" Puna niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"I'm sorry. " dagdag ulet niya.

"Bakit mo 'ko sinama dito Keanu?" Casual na tanong ko kasi nakakapagod ang mag tampo. Kinain ko na lang ang nachos na inorder ni Keanu.

"I want to get away far from the city. " seryosong sabi niya habang nakatingin sa view sa harap namin.

"Why?" tanong ko. Ipinatong ko ang baba ko sa palad ko.

"Maingay at magulo tipong araw-araw ipinapaala sa'yo ang mga kakulangan mo. Ang hindi mo kaya at mga nagawang kasalanan mo. Kahit ngayong araw lang gusto ko ng katahimikan. " He looks so serious and mature while uttering those words na tila madami siyang dala-dala sa loob niya pero pinipigilan niya lang ilabas. Sinulyapan niya ako and we look at each other's eyes. The same sad eyes noong una ko siyang nakita wearing that clown costume.

"And I want to find peace with someone who needs it, too. "

For the record, Keanu Miguel Callejo smiled at me. His cherry red lips curved. It looks genuine and impossible something I want to keep inside a box under my bed for the rest of my life.

"Kumain ka na ba?" bungad sa akin ng Mommy pagkapasok ko ng bahay. Pagod man ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

"Busog po ako. " umupo ako sa tabi ni Mommy sa sofa. Alas syete na ng gabi at tapos na siguro si Mommy na kumain dahil nagkakape na siya habang nanunuod ng TV.

"Mukhang masaya ka ah? Kakaiba sa pag-uwi mo kagabi. " nakataas kilay na intriga siya sa akin.

Natawa ako sa Mommy ko na dinaig pa ang showbiz na nakaamoy ng chismis.

"Mommy naman eh. " ipinalupot ko ang braso ko sa bewang ni Mommy at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Hindi ko na itatanong ulet kung masaya ka ba kasi nakikita ko na ang sagot sa mata mo. " hinalikan ako ng Mommy ko sa noo. "Pumanhik ka na sa kwarto mo ng makapagpahinga ka na. " dagdag niya.

Nakahiga na ako sa kama at kasalukuyang nag ti-tingin ng kung ano-ano sa newsfeed ko. Naligo ako at komportableng suot ang Trolls pyjamas ko. Wala naman siguro sa edad ang pagsuot ng cartoon character printed pyjamas. Nakapatay na rin ang ilaw sa kwarto ko kaya nag liwanag na ang mga glow in the dark stars sa kisame pati rin yung DIY clouds ko.

Mabilis ang pag scroll down ko sa mga post sa news feed ko kasi 90% sa mga post hindi naman talaga ako interesado. Nagpapaantok lang talaga ako.

Tumigil ako sa pag scroll ng namataan ko na may ini-upload si Keanu na picture. Ngayon-ngayon lang na upload kasi "just now" ang nakalagay. Hindi ko alam anong picture ang ini-upload niya dahil nag lo-loading pa rin ito hanggang ngayon. Wala rin naman nakalagay na caption. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kabog ng dibdib ko pero kumakabog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon