Chapter 34

95 6 1
                                    

Reaching the Finish Line

(Listen ^)

Third Person's POV

Seryosong nakasandal si Keanu sa terasa ng kwarto niya. Nakasuot siya ng kulay pulang hoodie at may hawak na isang bote ng Mule. Tulad ng nakagawian niya bago matulog ay ang pagpapahangin sa terasa ng kwarto niya, madalas nag-iisip at minsan naman hinahanap-hanap lang talaga ng sistema niya. Sinuklay niya gamit ng mga daliri niya ang buhok niyang tinatangay ng hangin.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya at ng lingunin niya ito ay nakita niya ang nakakabatang kapatid na nakadamit pangtulog at bitbit ang paboritong stuff toy nito habang kinukusot ang mga mata, hindi na naman siguro makatulog si Amarah, naisip niya.

"Hey Doll, " tawag niya sa kapatid niya. Inaantok na ngumiti naman si Amarah sa Kuya niya. Umupo si Keanu sa upuan na nasa gilid lamang niya para abangan ang kapatid na patungo sa kanya.

"Aren't you sleepy? " tanong ni Keanu sa kapatid ngunit imbes na lumapit ay umupo si Amarah sa sahig ng terasa kaharap ang Kuya niyang si Keanu.

"I am sleepy but I can't sleep Kuya, " nakangusong sabi ng nakababatang kapatid niya.

"Is Pinky noisy? " dagdag na tanong ni Keanu, tinutukoy ang dala-dalang stuff toy ng kapatid niya na ang pangalan ay Pinky.

Niyakap ng mas mahigpit ni Amarah si Pinky. "Kuya, Pinky can't sleep too, " pag-amin ni Amarah. Napangiti si Keanu sa inasal ng kapatid.

"Then what's the problem Dolly? " seryosong tanong ni Keanu at yumuko kahit nakaupo na siya para mas maging magka lebel sila ng kapatid niyang nakaupo sa sahig.

"Kuya? " napatitig siya sa inosenteng mga mata ng kapatid niya.

"Hmm? " malambing na tugon ni Keanu.

"Kuya, are you finally happy? " bakas sa mata ng mga kapatid niya ang pagkasabik sa isasagot niya. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ni Amarah at inipit sa likod ng tenga nito.

"What do you want me to answer you, Dolly? " tanong niya sa kapatid niya.

"The truth, "

Sasagot na sana si Keanu sa kapatid niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ito sa bulsa ng hoodie niya at ng tingnan ang cellphone ay nakita niya ang isang mensahe. Napangiti si Keanu at ng matapos basahin ang mensaheng natanggap ay ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Ngumiti siya kapatid niyang nakatitig sa kanya.

And with that smile Amarah knew the answer his brother is giving her. She walks closer to her brother while hugging her pink stuff toy and wrinkling the tip of her nose.

Niyakap ni Keanu ang nakakabatang kapatid niya at hinalikan ang buhok nito. Kapwa sila napatitig sa kawalan, sa kadiliman ng gabi at sa naghihiyawang ilaw ng buong syudad.

Czarina's POV

Ilang araw raw mananatili si Tita Charie sa bahay namin at kanina pagkauwi namin ay agad niya akong sinabihan na isasama niya raw ako sa Zumba session niya bukas ng umaga. Hindi ko na nagawang tumanggi dahil kahit ang Mommy ko ay ipinatutulakan akong sumama kay Tita Charie.

Ayoko naman ma buryo habang kasama siya kaya nag message ako kay Keanu kung pwede ba siya sumama bukas pero ilang minute na ang nakakalipas at hindi pa rin siya nakakareply siguro tulog na 'yon.
Humiga na lang ako sa kama ko, inilapag ang cellphone sa bedside table ko at magtatalukbong na sana ng kumot ng biglang tumunog ang cellphone ko.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon