Chapter 15

157 15 3
                                    

Crush and Mist

Hindi ko napansin sa sobrang pag-iisip nakatulog ako kagabi ng hindi ko namalayan. Pagkagising ko suot ko pa rin ang uniform ko. Hindi ko nga rin naayos ang higaan ko. Ayoko na lang masyado mag-isip kasi alam ko kung gaano ka unhealthy ang overthinking. Ako lang din mag sa-suffer sa huli. Sa tingin ko kasi sa tuwing nag o-overthink tayo ay parang pinaparusahan natin mga sarili natin kahit hindi naman dapat.

"Okay ka lang ba 'nak?" puna ni Mommy habang na-aagahan kami.

"Opo. " simpleng sagot ko sa kanya. "Nga po pala, alis na ako. Nagpatawag na kasi ako ng taxi." hinalikan ko si Mommy sa pisngi at nagpaalam na rin kay Aling Beday.

Pinasahan pala ako ni Ate kagabi ng numero ng guardhouse pwede daw sila pakiusapan incase kelangan ng taxi sa bahay. Kaya bago ako maligo tumawag na ako sa guardhouse na kung pwede sila pumara ng taxi ng mga 6:40 am.

"Smile, Tita Cha. Hindi ka man kumakain ng gulay dapat makulay pa rin ang buhay. " bulong ko sa sarili ko habang palabas ako ng gate namin.

Pagkabukas ko ng gate nakita ko na ang taxi na nag-iintay. Ngumiti ako kay manong na kakalabas lang ng taxi niya.

"Mag do-doorbell na po sana ako. " nahihiyang sabi niya.

"Kanina pa po kayo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman po. Kakarating ko lang din naman. " nahihiya man ngumiti sa akin si Manong.

Sumakay na ako sa taxi. Umupo ako sa front seat. Tama nga ako sa gaan ng loob ko kay Manong. Mabait nga siya at sa tingin ko mabuting ama. Nakita ko ang maliliit na litrato ng mga anak niyang nakadakit sa likod ng manibela.

Sinulyapan ko si Manong driver nasa mid 40s na ata ang edad niya. May iilan na siyang puting buhok na lumilitaw sa itim niyang buhok. Nakasuot siya ng blue polo shirt, may nakasabit pa na good morning towel sa leeg niya, kupas na maong pants at may kalumaan na rin ang kanyang rubber shoes.

"Ang cute naman po ng mga anak niyo. " puri ko habang nakatingin sa mga litrato. Mayroon itong apat na litrato ng dalawang batang lalaki at babae.

"Salamat po. Ginagawa ko silang insipirasyon sa araw-araw na pamamasada. Kahit pagod ako makita ko lang ang mga ngiti nila nawawala na agad ang pagod ko. " bakas sa boses niya ang pagiging proud sa mga anak niya. Nagmamaneho man nakikita ko sa mukha niya ang ngiti.

"Swerte naman po ng mga anak niyo at ng asawa mo sa inyo. " sabi ko.

"Namatay na po ang asawa ko last year dahil sa cancer. " nagbago bigla ang tono ng boses niya pero ramdam ko ang pagiging matatag niya.

"Sorry po. Condolence. " malungkot kong saad.

"Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, Ma'am. Naging lasinggero ako ng ilang linggo pagkatapos mawala ng asawa ko pero ng isang araw nagising ako at nakita ang mga anak kong umiiyak dahil sa gutom at pangungulila sa Mama nila para akong nasampal Maam. Naisip ko nawalan na sila ng Mama at hindi na sila pwede mawalan ng Papa. Gagawin ko po lahat para sa kanila. "

Nakwento niya na Grade 12 na ang panganay niyang babae at isang taon na lang ay mag ko-kolehiyo na. May dalawang anak siya na nasa highschool at isang elementary na Grade 5 na. Lahat ng pangangailangan nila sa buhay ay kinukuha nila sa pamamasada niya ng taxi.

Namamangha ako kay Manong at sa tatag niya. Sariwa pa nga rin sa isip ko kung gaano nangulila ang Mommy ko noong nawala ang Daddy ko. Kaya humahanga talaga ako sa lahat ng single parent na sobrang tatag sa buhay. Kinakaya ang hirap para sa mga taong mahal nila. Kaya kung isang araw gumising ka man at pakiramdam mo hindi mo kaya ang hirap ng buhay? Isipin mo ang mga taong tulad ni Manong taxi driver o ng Mommy ko. Iba't-iba ang uri ng problema natin sa buhay pero hindi dapat natin tinatapos ang buhay natin dahil lang sa mga problema. Kung matapang ang buhay na bigyan tayo ng problema dapat mas maging matapang tayong harapin sila.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon